Chapter 4

19.4K 700 157
                                    

Maaga akong gumising para pumunta sa Manila Peninsula kung saan naghihintay ang Manager ko na si Rose na kadarating lang kagabi from France. Ngayong araw ang meeting ko with the Head of Marketing ng Versa. Sikat na sikat ang clothing line na ito sa Europe at ngayon dito sa Asia.

Maraming famous at aspiring models ang gustong maging mukha ng Versa pero masyadong mataas ang standard nila kaya iilan ilan palang ang pumapasa but in my case, sila mismo ang kumontak kay Rose at nagpapapictorial sakin. Audition sa term ng mga artista.

"Bakit parang matamlay ka?" Bungad ng hairstylist at makeup kong pinay na si Sara. "Masama ba pakiramdam mo?"

Nagkatinginan kami sa salamin. Medyo may edad na si Sara at ilang taon narin kaming magkatrabaho. Sya iyong itinuturing ko na  pinakamalapit kong kaibigan. "Halata ba?" Naconcious tuloy ako sa mukha ko kahit na sobrang ayos ng pagkakamake up para maitago ang eyebags ko. "Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa Colorlyn na yan! "

Sinuklay ni Sara ang buhok ko. "Ha? Color? Anong pangalan yan?"

Hindi ko mapigilang matawa. Ganyan rin ang reaksyon ko noong una kong marinig ang pangalan ni Colorlyn Benitez. Very weird name.

"A annoying and conceited person." Mapait kong sagot.

Biglang may kumatok sa pintuan ng dressing room ko at pumasok si Rose. "Gorgeous as ever." Inabot nya sakin ang isang bathrobe para matakpan ang suot kong makintab na bikini na imomodel ko para mamaya. "All are set. Be ready Averi!"

Tumayo ako at kinuha ang robe. "Yeah, I'm always ready." Nilagyan ni Sara ng foundation ang dibdib ko para magpantay ang kulay sa aking balat.

"The head of marketing is already waiting outside." Sabi ni Rose bago sya lumabas ng dressing room. Binigyan ko ng isang huling sulyap ang aking sarili sa salamin bago sundan si Rose sa studio. "Averi.." Tawag ng manager ko saking pangalan. Lumapit ako sa kanya at napansin ang magandang babaeng nakatingin sakin. "Megan, this is my number one angel Averi Gonzales."

May kinang sa mga mata ni Megan habang pinakatitigan ako. "It's nice to finally meet you Ms. Gonzales." Inilahad nya ang kamay. "I saw your latest runway show in New York and trust me you slayed everyone there!"

Hindi ko mapigilang mapangiti sa papuri ni Megan. "Thank you for the compliment."

"This is why we are expecting so much from you."

Bigla akong nakaramdam ng pressure. Mahirap kasi na yung sobrang nageexpect ang tao sayo. Napakalaking responsiblity ang nilalagay sa balikat mo.

Lumapit ang foreigner photographer sakin at inalalayan ako sa gitna. Kahit sanay na ako sa mga ilaw na halos bumulag sa mga mata ko ay hindi ko parin maiwasang mailang.

"I know you already know what are you going to do Ms. Gonzales." Anang ng photographer. "But i want you to show me and what you really got." Hindi ko alam pero napakasexy pakinggan ng british accent ng lalaking ito. "Please remove your robe."

Huminga ako ng malalim bago tingangal ang robe. Wala akong dapat ikahiya dahil kayang kaya kong dalhin ang aking sarili. "I'm ready.."

"Gorgeous!" Nakangiting sambit ng Photographer. "Let's start!" Bumukas ang malaking electric fan at mga ilaw at itinapat sakin. Nagumpisa na akong magpose dito, pose doon. Trust me, ang undergarment like bikini, bras ang pinakamahirap imodel sa lahat ng klase ng damit dahil kailangan madala mo ito ng walang labis, wlang kulang. "Play with my Camera."

"Perfect!" Tuwang tuwa na sabi ni Megan na todo ang pagkakangiti. "Marvelous!"

"Chair please!" Sigaw ng Photographer. Naglagay ng upuan ang crew. "Sit there Averi." Ginawa ko naman ang sinabi nya. "Unmerciful eyes!" Bulong nito habang panay click sa camera. "I like your green eyes Averi. You literally embodied the Ice Queen." Isa sa mga bentahe ko bilang model ay hindi lamang ang katawan kundi pati mata. People always told me that they look dead in my eyes. "Come on Averi. Sex with the chair."

Ms. Newspaper Magnet (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon