Chapter 2

20.4K 757 100
                                    

Parang hinipan ng hangin ang inis at galit na aking nararamdaman ng makita ko si. Ms. Benitez. Napakaganda nito pero tinalo pa nya ako sa kasupladahan.

"Anyway, what can I do for you?" walang emosyon nitong tanong at ibinaling ang kanyang paningin sa laptop na nasa kanyang harapan. "Don'waste my time,"

Napabuga ako ng hangin sa kasungitan nya. Ang sarap nyang sakalin. Okay, hinga ng malalim Averi. She is not worth it. Kinuha ko ang newspaper mula sa bag ko at galit na inilapag ito sa kanyang lamesa.

"Sana bago kayo magpublish ay siguraduhin nyo kung totoo. Sisirain nyo pa ang image at career ko dahil sa iresponsableng pagbabalita nyo!" punong puno ng autoridad ang boses ko. Ayaw ko magpatalo sakanya. "I will sue your company!"

Parang tamad na tamad na kinuha ni Ms. Benitez ang newspaper na nilagay ko sa lamesa nya at tinignan ito. "Well. Gossip is part of our business. 50 is the truth and 50 is hearsay, rumours etc,"

"Gossip? That gossip is going to ruin my life! You don't know what that scumbag did to me!" tumaas nanaman ang dugo ko. "You are so irresponsible!" pero hindi kumikibo si Ms. Benitez nakatingin lang sya sakin. "So titignan mo lang ako? Gusto mo ba magposing pa ako sa harapan mo?"

Biglang tumayo si Ms. Benitez at isinuksok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang suot na blazer. Magkasing tangkad lang pala kami. "What do you want me to do then?" naglakad sya sa aking tabi. Nanuot sa aking buto ang amoy napakabango nyang perfume. Young, wild and free. "Apologize?"

"Apologize? the damage has been done! Nagkalat na sa buong pilipinas ang maling balita nyo," huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko na unti unti na akong kinakain ng galit. "Okay. I want a public apologize through your newspaper tomorrow kung ayaw mo magkita kita tayo sa korte!"

Biglang natawa si Ms. Benitez na tila may sinabi akong napakagandang  joke. Tumayo sya aking harapan at unti unting naglakad palapit sakin para syang isang mabagsik na tigre na kahit anong oras man ay sasakmalin nya ang kanyang pagkain.

"Wh-what are you trying to do?" nangatal ang aking labi habang naglakad ako ng patalikod. "Don't you-" dumikit ang likuran ko sa pader. Wala na akong aatrasan.

"So..." nakangising tanong ni Ms. Benitez sakin na walang takot na inilagay ang kanyang mga braso sa gilid ng aking mukha. "What now?"

Nilabanan ko ang aking sarili na wag na wag titingin sa mapupula at mapang akit na labi ng babaeng ito. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng inilapit ni Ms. Benitez ang kanyang mukha sakin. At sa hindi malamang rason ay napapikit ako.

"There you go," bulong ni Ms. Benitez at para syang may pinundot sa kaliwang bahagi ng pader. Biglang bumukas ang blinds ng bintana. "I'm not going to kiss you," umatras sya at naglakad pabalik sa kanyang kinauupuan. "Not unless you wanted me too,"

I feel so embarassed sa ginawa nya sakin. I feel manipulated. E bakit ko naman kasi inisip na she is going to kiss me? Ngayon ko pa nga lang sya nakita at nakilala pero bakit sinusuko ko na agad ang sarili ko sakanya. Agh. Averi anong ginagawa mo sa sarili mo!

"In your wildest dream!" kotra ko. "I need your apology tomorrow!" hindi na ako tumingin kay Ms. Benitez at nagkandarapa na akong lumabas ng opisina nya at bwiset na building na ito.

Pagpasok ko sa kotse ay doon ko lahat inilabas ang lahat lahat ng frustration ko. "Nakakainis!" gigil na tili ko sabay hampas sa manibela. "I will make you pay Ms. Benitez!"

Huminga ako ng malalim bago magdrive pauwi.  Ayaw kong dumaretcho sa hospital.

Hindi pa man ako nakakalabas ng sasakyan ay hinarang na ng mga reporter ang kotse ko. Flash dito, flash doon. Ang sakit sa mata. Teka. Anong ginagawa nila dito? Paano nila nalaman kung saan ako nakatira? Itinaboy ng mga body guard ni Papa ang mga reporter. Napabuntong hininga nalang ako at nagmamadaling lumabas ng kotse.

Ms. Newspaper Magnet (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon