Chapter 25

23.8K 701 178
                                    


Color

"Renaissance.." Tawag ni Papa sa pangalan ko habang kumakain kami ng breakfast. He called me last night para sabihin na darating ang mga kapatid ko from abroad para sa gaganapin na family reunion. Kaya after work dumaretcho na ako sa bahay at dito narin ako natulog. "Ikaw na ang bahala sa lahat kakailanganin natin on Sunday, magiimbita rin ako ng ilang business partners para hindi nila masabi na ineechapwera natin sila sa mga ganitong okasyon."

Wala na akong nagawa kundi ang tumango habang ngumunguya. Kahit magprotesta pa ako hindi rin ako mananalo. Hindi na nga ako magkanda ugaga sa trabaho sa opisina. Pero uutusan ko nalang ang secretary ko na mag ayos ng lahat para naman may ginagawa sya kaysa umupo at makipagchismisan maghapon.

"And.." Dugtong ni Papa. Naghintay lang ako ng sasabihin nya. "Please invite Averi. Gusto ko nandon sya sa party at para makilala din sya ng mga kapatid mo."

Napakagat labi ako. Bigla kong naalala yung nangyari kahapon between us. Gosh, that woman is a Goddess and hearing her moan, cries of my name makes me want to make her mine every night and day. "Yes dad. I will tell her that."

"Okay good." Tumango tango si Papa with a smile on his face. "Are you girls dating now?"

Nilunok ko muna ang pagkain bago sumagot. "Mmm, yes dad." Wala naman akong dapat itago sa kanya lalo na at seryoso ako kay Averi.

Akala ko nga puro paglalaro nalang ang gagawin ko sa buhay, ikakama ang mga magagandang babae na makikilala ko then dispose them after. Yeah yeah, i know i was such a womanizer and a big b*itch pero sinusubukan ko namang magbago hindi lang para sa sarili ko kundi para kay Averi.

Sa kanya lang ako nakaramdam ng matinding attraction para sa isang babae, even my feelings for Reese have no match and i still trying to figure out what it was. Maybe sooner or later, malalaman ko rin.

"Don't mess this up Color." Paalala nya sakin as he looked straight at me. "Averi is perfect for you, she is such a good woman."

Before my father used to hate all girls i dated and hook up before but look at him now. Kulang nalang sya na ang manligaw kay Averi para sakin.

"I promise i won't." Pangako ko. "Iba si Averi sa lahat ng nakilala ko and i won't do anything that will cost her."

"Very good." Nakangiting sambit ni Papa. "Dahil ang gusto ko lang ang mapaayos ka."

"I know..." Buntong hininga ko na sabi. "Kaya nga nagpupumilit akong magbago para naman maiba narin ang tingin mo sakin." Kunot ang noo ko na sabi. "I'm lesbian and i—"

"Anak.." Pigil ni Papa sa sinasabi ko. "I don't care if you are lesbian, tinanggap kita kahit noong hindi mo pa alam sa sarili mo na umiibig ka sa kapwa mo babae." Hinawakan ni Papa ang kamay ko. "But you know i don't like that you are fooling around like a maniac."

"Dad.."

"Okay erase that." Naiiling na sabi ni Papa. "Pero sa tingin mo ba matutuwa ang Mama mo sa mga pinaggagawa mo? Baka bumangon pa si Estella sa hukay para pagsabihan ka."

Lalo tuloy akong naguilty pagkarinig sa pangalan ni Mama na matagal ng namatay. Hindi na ako nagsalita at naghanda nalang para sa trabaho. I don't know but i felt happy, super gaang ng pakiramdam ko while driving and stuck in the middle of traffic. Usually, umuusok na ang ilong ko sa galit kapag ganitong sitwasyon but now baliwala lang sakin. Wala akong pakialam basta ang mahalaga si Averi ang nasa isipan ko at kausap ko sya ngayon via bluetooth.

"Buong maghapon ba ang pictorial mo?" Tanong ko habang unti unting umaandar ang mga sasakyan.

"Depende." Hay sobrang ganda talaga ng boses nya, parang gusto ko tuloy matulog. "Kapag natapos namin agad ang scene maaga kaming magpapack up."

Ms. Newspaper Magnet (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon