Prologue: First Day of School
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
♡Nicalette's POV♡
Hiii!!! Ako nga pala si Nicalette Alisha Nilsson. 14 years of age and Grade 9 Student sa paaralan joke xD. Sa O'Brien International School. Pwede nyo kong tawaging Nica or Nic or Letlet maski ano sa tatlong yun hahaha. Mas prefer ko gamitin ang first name ko kaysa sa second hehe.
*Kringgggg Kringgg*
Hay kailangan nanamang bumangon ng maaga. Nakakatamad naman ang lamig lamig eh T_T sarap matulog huhuhu.
Pilit kong inaabot yung alarm clock ko na nakalagay sa lamesa na katabi ng kama ko, nung nagtagumpay ako ay pinatay ko na iyon at nanatiling nakahiga sa kama. Makatulog nga ulit kahit mga 5 minutes lang.
"HOOOOOOY! LETLET! BUMANGON KANA DYAN AT BAKA MAHULI KA NANAMAN NG PASOK SA SCHOOL MO!"
Aray! Ansakit talaga sa tenga ni mama! Ang aga aga eh sumisigaw.
"Saglit lang Ma, wala pang 5 minutes ohhh" antok na antok na tugon ko.
"Nakuuu! Pag di kapa bumangon dyan malilintikan kana sakin!" Eto na nga eh sabi ko nga babangon na ko.
"Opo Ma eto na nga babangon na eh, Maliligo po muna ako baba na lang ako pagtapos"
"Sya sige, bilisan mo ah? Maghihintay ako sa baba" at tuluyan ng lumabas si mama sa kwarto ko
Kahit labag pa sa loob ko eh bumangon na ako at tumungo sa banyo. Ang lamig lamig tapos ang lamig pa ng tubig! Huhuhu maninigas na ata ako eh!
Ginawa ko na ang morning rituals ko at nagbihis na para makakain na ako sa baba. Nakita ko si papa at mama na naglalambingan sa hapagkainan.
"Good Morning Ma, Pa" bati ko sa pinakamamahal kong tao sa buong mundo
"Oh andyan na ang makupad mong anak" sabi ni mama sakin. Sinimangutan ko sya
"Ma naman eh masarap lang talaga matulog" sabi ko. Totoo naman eh diba?
"Naku Ma umagang umaga eh inaaway mo nanaman ang baby natin" Sabi ni papa hehe lagi na lang ako pinagiinitan ni mama *pout*
"Sus umupo kana dyan para makakain na. Bilisan mo at ihahatid ka daw ng papa mo" pagkasabi ni mama nun ay tumabi na sya kay papa para kumain. Pinagsandok ako ni mama ng kanin at binigyan naman ako ni papa ng ulam.
"Thank you po ^^" At nagumpisa na kaming kumain.
At pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami ni papa kay mama para makapasok na. Gaya nga ng sabi ni mama ay hinatid na ko ni papa sa aking eskwelahan.
☆☆☆SCHOOL☆☆☆
"Bye Princess, enjoy your day. Love you, Ingat" sabay halik ni papa sa noo ko. Sweet :)
"Opo Pa. Ingat ka din po lalo na sa pag dadrive. Bye. Love you too! Ingats!" Kinawayan ko na si papa at nag lakad na papasok ng campus.
Ano bayan. Sa kakamadali ni mama kanina eh ang aga ko tuloy halos ako palang ang tao dito.
YOU ARE READING
Caught in the Middle
Teen FictionSi ♡Nicalette Alisha Nilsson♡ ay isang ordinaryong Grade 9 student na patay na patay sa kanyang crush na si Zedekiah Chevalier. Mabait at masunurin siya sa kanyang magulang. Masaya at laging happy go lucky ang kanyang peg sa buhay. Pero pag ang Math...