》☆Chapter 7☆《

12 1 1
                                    

Chapter 7: Groupings

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Nicalette's POV


"Pssst Nicalette"

Napadiretso ako ng upo ng may narinig akong tumawag saakin.

"Pssst oyyy pansinin mo naman kami T-T" Hala andrama naman nento. Ayoko sana makipag usap ehh kasi baka mahuli pa kami ni Sir Erickson eh nakakailan na ko dyan. >_<

"Ok goodbye class, see you tomorrow. Bukas ko na lang kayo i'gro-groupings para sa activity na gagawin natin bukas."

Ano kaya gagawin bukas? Halos wala pa sa kalahati ang school year na to eh bored na bored na ko.

Umalis na si Sir kaya nangalumbaba na lang ulit ako habang hinihintay ang susunod na subject teacher namin.

"Huy bruha, wala kana bang balak na pansinin kami?" Tanong ni Airia. Aba nagsungit pa! Kung alam niya lang miss na miss ko na sila.

"Di kana ba galit sakin?" *pout* Sagot ko sakanya habang nakapangalumbaba paden.

"Anong galit ka dyan? Dapat kami ang nagtatanong niyan sayo. Winalk-outan mo kaya kami" Ayyy oo nga pala. Ayaw kasi nila maniwala saakin ehh.

"Ehh kasi naman, ayaw niyo maniwala saakin ehh"

"Ohh yan nanaman tayo" singit ni Jaycee. Napatingin naman ako sakanila.

"Bati na ba tayo?" Tanong naman ni Anton. Tumayo ako at humarap sakanila sabay ibinuka ko ang dalawa kong kamay sa mag kabilang side.

"GROUP HUG!!!" Sigaw naman ni Gab at nagsi tayuan na sila papalapit saakin para yakapin. Unang lumapit si Airia na sinundan naman ni Anton at Gab na dali daling nilapitan naman ni Jaycee.

Napatingin naman kami kay Ijay na walang kibo at naroon padin sa kanyang silya habang nag babasa ng libro.

"Huy Ijay, wala ka bang balak na samahan kami dito?" tanong ko sa lalaking basag talaga ng moment.

"Wala. Nagmumukha lang kayong tanga eh." Sagot sakin ng walang lingon lingon. Aba! Grabe siya oh.

"Kung tanga kami, syempre ikaw rin. Kaya nga magkakaibigan tayo ehh" sabi ni Anton.

"Oo nga naman Ijay. Kaya, ATTACK!!!" Sigaw ni Jaycee.

Bumitaw na sila Anton, Gab, at Jaycee saamin ni Airia at pinuntahan sa kanyang silya si Ijay. Naging maliksi naman ang kilos niya kaya nakaiwas sa sungab ni Jaycee at tumayo.

"Get away from me! You idiots!" Hingal na sigaw niya naman sa tatlo.

"Idiots pala ah" ~Anton

"Patay ka samin ngayon" ~Gab

"Takbo naaaa, hanggat may mapupuntahan ka pa. Nyahahaha" ~Jaycee

Kaya ayun. Nagtakbuhan na sila palabas ng classroom. Mambubulabog nanaman ng ibang levels yun dahil sa kaingayan nila xD






☆☆☆☆☆KINABUKASAN☆☆☆☆☆








"Alam mo ba Ai ang hirap pala ng walang kadaldalan noh?" Baling ko sa babaeng kasama kong naglalakad sa hallway.

"Oo nga ehh. Di talaga ako makatagal pag si Anthony ang kausap ko napaka pilosopo! Hmph!" ~Airia

Caught in the MiddleWhere stories live. Discover now