Revenge 2: Who is she?
Summer’s POV
“Sino yung naghatid saiyo kanina?” Okay, ang bungad sakin ni Lheine, hindi man lang nag ‘Hi’ or kahit ‘MABUHAY!’ wala. “Balitang balita may naghatid daw saiyo at naka Porsche Carrera pa ah?” Nagkibit balikat lang ako, hindi ko kasi pwede sabihin kung sino siya eh. Rule Number 3: Hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino kung sino at saan mo nakuha yung inorder mo. Though indicated naman dun na pwede ko siya’ng ipakilala as kung ano man ang gusto ko, pero bawal lang talaga sabihin na sa Heartbreaker siya galing.
“Baka hindi ako 'yun?” Tinignan niya ko, yung tingin na parang sinasabi niya na ‘hindi ako naniniwala.’ “What?”
“Sino ba kasi talaga 'yun?” Umupo na siya sa tabi ko, para siyang bata na naghihintay sa isasagot ko.
“Si…” Napatingin ako sa labas ng cafeteria. Si Dustin, lumabas sa Porsche niya. Tumingin ako kay Lheine. “Si wala, sino ba naman ang mahahatid sakin na merong ganun kamahal na kotse?” Napatingin ulit ako kay Dustin, naglalakad na siya papunta sa cafeteria.
“Who is he?” Tanong nung isang babae na papalabas na.
“Hindi ba siya yung naghatid kay Summer kanina?”
“Hindi 'no! Ang gwapo niyan para pansinin si Summer.” Napasimangot ako, si Dust naman, napatingin dun sa dalawang nag uusap.
“Did you see that? Tumingin siya sakin.” Pinalo siya nung isa niya’ng kasama.
“Feeler ka 'te, sakin siya tumingin.” Napailing na lang kami’ng dalawa ni Dust. Tsk.
“So… Ano meron?” Nandito nga pala si Lheine. HAHAH. Napansin ko’ng nakatingin din siya kay Dust na ngayon ay papunta na sa table namin.
“Hi girls.” Bati niya sabay wink pa. Natawa tuloy ako. Si Lheine naman na startruck ata, nakatitig lang kasi siya kay Dust. “Mind if I join you?” Tanong niya na hindi tinatanggal yung tingin kay Lheine. Dahan dahan na umiling si Lheine nung medyo natauhan na siya.
“Not at all, sige u-u-upo ka na.” Natawa na ako ng bonggang bongga. Ngayon lang nagkaganyan si Lheine, OMG.
“It doesn’t look good kapag pinagtatawanan ang kaibigan, Sum.” Napatingin ako kay Dust.
“True friend kasi ako kaya ganun.” Pinandilatan ko siya. “How did you know my name?” Ang linaw ng usapan naming kagabi na kunwari hindi kami mag kakilala, and now what did he said? Parang nagets niya naman.
“Oh, I heard from them.” Sabay turo sa mga babaeng nakatingin na pala samin. “You’re quite popular, aren’t you?” Nagngitian lang kami.
“So uhm… Nakakadugo ka naman ng ilong, marunong ka naman siguro mag tagalog?” Natawa siya, sheeeems! Bakit ang sexy niya tumawa? Oh oh… Ito na naman ako.
“Oo naman, pure Pinoy ata ako.” Nagpakilala kami sa isa’t isa parang hindi talaga kami magkakilala. HAHAH. Nagkukwentuhan sila ni Lheine bigla ko’ng nakitang paparating na si Sabon, I mean Pearla. Ah right. Mas magandang pakinggan ang Pearly. Amp. Sinipa ko siya sa ilalim ng table. “What?” Mouth niya sakin, ngumuso lang ako sa entrance, tumingin naman siya.
BINABASA MO ANG
Heartbreaker
HumorSEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now available in all Precious Pages for P109.75 only! HEARTBREAKER your one stop shops for revenge. Saw...