Revenge 3: Now we’re even.
Summer’s POV
“Summer Danielle, will you be my girlfriend!?” Sigaw ni Jason habang nasa gitna ng open field kasama ang iba pa’ng varsity member na naka formation na heart shape. Mukha talaga siyang heart dahil nakared na jersey jacket sila.
Nandito ako ngayon sa harapan di kalayuan sakanila. Hindi makapaniwala sa narinig mula kay Jason. Sino ba’ng makakapaniwala? Si Jason na pinakagwapo sa basketball team ng school, ito ngayon sumisigaw ng ‘Summer Danielle, will you be my girlfriend?’ sa harap ng maraming tao. Isn’t he sweet? Oo, sinabi niya na liligawan niya ako, pero hindi ko expected na ganito pala siya manligaw.
“Summer, alam ko madami na ko’ng nalokong babae, pero pangako magbabago ako sagutin mo lang ako. I love you, Summer Danielle Antonio.” Unti-unti na siya’ng lumalapit sakin. Napakurap kurap ako. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Nung nakalapit na siya sa akin, tinanong niya ulit ako. “Will you be my girlfriend?”
“Y-y-yes. I will be your girlfriend.” Nagulat ako ng kiniss niya ako ng isang mabilis na smack sa lips.
“I love you.” He said sweetly near my ears. Nanlalambot yung mga tuhod ko. Napahawak ako sa balikat niya. “Are you okay?” Tumango lang ako.
“Hindi lang kasi ako makapaniwala na… M-m-mahal mo ako…” He kissed me on my forehead. Ang sarap sa feeling.
“I love you.” Niyakap ko siya ng mahigpit.
“I love you, too.”
“Aray!” Nagising ang diwa ko ng may tumamang bola sa ulo ko. Pagtingin ko sila Jason pala.
“Summy~ Pakiabot naman yung bola!” Summy… 'Yun yung tawag niya sakin nung kami pa. Ayaw niya na may iba’ng tumatawag sakin ng ganun. Tinignan ko yung bola, pupulutin ko na sana kaya lang may nauna na sakin.
“Wipe your tears.” Napatingin ako, si Dustin pala. Teka? Wipe my tears? Hindi naman ako umiiyak ah? Napailing siya. “Sum, bakit ka ba umiiyak dito?” Nagulat ako ng bigla niya’ng pinunasan ng thumb niya yung pisngi ko. Naramdaman ko na medyo basa nga iyon. Bakit? Bakit ako umiyak? Hinawakan ko yung kamay ni Dust, pinigilan sa pagpunas sa tumutulo ko’ng luha.
“Tama na…” Hindi siya tumigil. “Dust, tama na sinabi eh…”
“Tumuhan ka na kasi.” Inalis ko na ng malakas yung kamay niya. Hinawakan niya yung kamay ko. “Let’s go.” Binato niya yung bola sa gitna ng field at hinatak na ako.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko kay Dust na hindi pa din tumitigil sa pag lalakad, at pagkaladkad sakin. Huminto lang siya nung nakarating na kami sa medyo isolated na lugar ng school. Huminga siya ng malalim atsaka humarap sakin.
“Why are you crying?” Lumapit siya sakin at pinunasan ulit yung pisngi ko. “Bakit ba ayaw mo tumahan, Sum?” Nagulat na lang ako nakayakap na ako sa kanya. Niyakap din naman niya ako. “Please stop crying, ang pangit mo’ng tignan pag umiiyak.”
BINABASA MO ANG
Heartbreaker
HumorSEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now available in all Precious Pages for P109.75 only! HEARTBREAKER your one stop shops for revenge. Saw...
