Revenge 1: Deal

20.1K 327 29
                                    

Gusto ko 'tong idedicate kina: ColeeJiKyun, crazygirlshara, IsCrazyInLove, and Bebe♥s sleepyheadedpig. Hindi na ko mag tatag, kasi hindi ko naman kayo matatag na apat eh. :) So ito na dahil sa pangungulit niyo sakin, ito na ang chapter one. HAHAH.

Revenge 1: Deal

Summer’s POV

“So Summer, wala ka na ipapagawa sakin? Satisfied ka na ba?” Okay, chinallage ko siya sa different aspects. Tinignan ko kung mas matalino nga siya saakin, kung marunong nga siya ng different languages, kung magaling nga siya mag luto, kung magaling siya sa sports at kung saan saan pa. My~ Wala ata siya’ng hindi alam gawin. Lahat ng ipagawa ko ginagawa niya, para siya’ng uto uto na sinusunod lahat nang sinasabi ko. Well, that proves that he is willing to be my slave. May isa pa pala!

“So uhm, how can you prove that you are rich?” Tanong ko, ang usapan kasi naman kapag may isa siya’ng hindi nagawa o kaya wala sakanya sa mga hinahanap ko’ng qualities, irereport ko siya’ng defective product. HAHAH. So it means tapos na ang kalokohan na ito.

“Bakit ka natatawa?” Tinignan ko lang siya na parang sinasabi walang pakialam okay? “Anyway, hmm. I just bought the pad next to yours; I even bought a new cars Porsche Carrera and Mitsubishi Evo XI. You can check at the parking lot if you want.” Napanganga na lang ako sakanya. My~ Normal na tao ba 'to? Saan siya nakakuha nang pambili sa dalawang mamahaling kotse? At binili niya yung pad next door? Agad agad? Kahapon lang ako nag send ng form ah. “You’re not satisfied? May gusto ka ba’ng ipabili? Well, hindi naman against sa rule ang mag pabili ka sakin basta gusto ko. So?” Tinitigan ko lang siya… “Ah… May dumi ba ako sa mukha? Alam ko gwapo ako, kaya hindi mo na kailangan ipakita sakin ang ganyang expression.” Nginitian ko lang siya nang ngiting aso. Yabang nito.

“Wala sa qualities na hinahanap ko ang pagiging mayabang.” He smiled sweetly.

“Bonus na 'yun. So kailan mo gusto mag simula?” I rolled my eyes. “Oh I forgot, wala pa pala tayo’ng plano and hindi ka pa bayad.” I rolled my eyes again.

“So uhm. Hindi ka ba talaga considered as defective product? I mean, hello? Ano sasabihin ko kay Mommy kapag humingi ako ng 150,000 ngayon?” Though alam ko naman, Mom won’t ask kung saan ko gagamitin yung 150,000 she never cared naman talaga. Oh well, what a sad fact.

“I can lend you.” He grin tapos yung kilay niya taas baba, taas baba ang drama. “150,000 is a small amount you know… Ouch!”

“Saan mo ba kinukuha yung pera mo ha?”

HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon