[Ynarah's POV]
"Bespreeeeeeend" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa besfriend kong si Minchy.
Makulit kaming dalawa pag nagkakasama. Exact opposite kaming dalawa. Ako pademure pero mejo may pag ka bata minsan siya naman may pag ka cool. Excited na kami sa first day of school namin Sa 4th year. Last year na namin sa high school.
Last year sa high school....
Makakagraduate kaya ako? Ilang taon na ako sa high school. Pang tatlong balik ko na to Sa 4th year. Di ko man lang naranasan ang pakiramdam ng grumaduate. Kahit nung elementary ako wala akong magawa kundi panuorin nalang ang mga uploaded videos ng mga classmates ko. Nakakaramdam na ako ng inggit. At ngayon classmate ko na ang bestfriend ko.
Naging best friend ko na si Minchy simula nung mga bata pa kami. Sadyang bulakbol lang siya at eto nagtry uli mag aral. Sabay namin inayos lahat ng papers namin at sabay na din kami nag enroll.
"Bespren bakit ganun? Sa tuwing nangangalahati ang taon di ka na pumapasok? Tas nagbabakasyon ka Sa US? Bulakbol ka din eh."
Natawa na lang ako sa itinanong ni Minchy sakin.
"Ako? Bulakbol? Hindi besprend no."
"Ehh ano. Inaantay mo ako? Yieeee kikiligin na ba ako😂😂" Pang aasar niya.
"Haha tomboy ka ba bespren?"
"Duh. Sa ganda kong to."
Ang hangin niya diba? Hahaha siguro nung pinagbubuntis tong babaeng to humihigop ng hangin si tita Maricar. Nakakaloka siya. Infairness maganda naman kasi talaga siya. Makinis, matangos ang ilong, ang sexy ng lips, maganda ang buhok, color brown ang mata, matangkad, sexy ng katawan. Hay in short dyosa. Siya ang tipo ng babae na pinapangarap ng lahat. Madaming nanliligaw Sa kanya pero ewan dito. Akala mo naman narape ng lalake kung umayaw siya sa kanila. Pero pabor na rin yun sakin para sakin lang ang bespren ko. Yup gusto ko akin Lang siya. Kasi....
MAHAL KO SIYA.
MAHAL KO ANG BESPREND KO.
"Besprend tapusin na natin tong high school ha😊"
Natauhan ako sa sinabi niya.
"Please wag ka ng pumunta muna Sa US. Dito ka muna besprend. Gagraduate tayo ha☺️"
Na touch ako sa sinabi niya and of course kinilig. Sayang kasi babae siya babae din ako. Di kami talo.😭😭
"Ka kausapin ko si mommy ha😊"
"Thank you besprend.😘"
Oh my gaaaaaaaad !! Hinalikan niya ako Sa pisngi ko.. putcha naman o.. nakukuryente buo kong katawan Pero ang sarap Sa pakiramdaaaaaaam. Tumigil ang umiikot kong mundo. Y- yung puso ko. A- ang bills ng tibok. Ang init. Ang init Sa pakiramdam.
Mawawala kahinhinan ko sayong babae ka.. Hala naiihi ako...😬😬
"Besprend are you ok?" Napatingin ako sa tanong niyang yon. "You're turning red kasi😂"
"H..ha? Oo naman ok lang ako😊. M- mainit lang kasi Minchy kaya ganto. Ikaw? Ok ka lang?"
"Naiinitan din naman kaso di naman ako namumula. Hahahaha😂"
![](https://img.wattpad.com/cover/123431733-288-k53776.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Bestfriend Her Lover
RomanceMasaya ang mag mahal Pero mas Masaya pag mahal ka rin ng taong minamahal mo hindi ba? Ang matagal mo nang inaasam biglaang matutupad. NOTE : Rated SPG ang ibang parts ha.