Chapter 3

105 1 0
                                    

THREE

"Dun tayo, dun!" tinutulak niya ako palapit kay Ren na busy sa paggamit ng phone niya. Sinipa ko si Jep nang matigil siya pero tulak pa rin siya ng tulak papunta sa seat sa tabi ni Ren na halos madisarrange na lahat ng upuan.

Kinabukasan na kasi 'to at pumasok kami ni Jep dun sa kaisa-isang klaseng magkaklase kami. Laking tuwa niya ng kaklase din namin si Ren. Kung sineswerte nga naman 'tong si ungas. Ang ngiti niya klarong nagsasabing, 'It's gonna be a happy term.' 

Sighs.

Dun na nga ako kay Ren tumabi di dahil kay Jep kundi dahil nakita kong mag-isa nanaman siya. Di ko alam kung sinasadya niyang mag-isa para lapitan siya o ayaw lang niya sa mga istorbo o talagang wala siyang kaibigan.  Dito pa lang, ang hirap na niyang basahin. 

Pinakilala ko si Ren kay Jep at sinama ko na din ipakilala yung blockmate namin noon na nasa likod ni Jep. Di naman namin kaclose yun, para lang di obvious si Jep. Nagtaka tuloy yung nerd namin na blockmate why all of a sudden feeling close na kami. 

Wala pa yun sa mismong storya ko. Bale, intro pa lang lahat yun. Halata namang ayaw na ayaw ko sa kanya di ba? Ayaw ko sa mga mahirap na babae, not financially, kumabaga, mahirap na imagine-in maging girlfriend. Di ko nga siya makita kahit bilang kaibigan o kakada namin eh. Parang may mali sa picture kung iisipin ko. 

Sabi nga ni Daniel Padilla na mayaman sa chix, may mga babaeng kinakaibigan at may mga babaeng ginigirlfriend. Di ko lang alam san siya icacategorize. Siguro sa "at". Pero ano nga bang alam ko? Kelan mo ba masasabi kung dito siya o doon? 

Nag-introductions nanaman since ganun lang naman pag first meeting ng isang subject. 

"Ren," tawag ko.

"Hm?"

"Kapag tinanong ka what you're good at, magimbento ka na lang like eating, surfing the net, playing video games, para hindi ka na patagalin." Sabi ko. Agad naman akong siniko ni  Jep seeing siguro na magkausap kami ng Ren niya.

"Ano sabi mo?" Bulong niya pero hindi naman malakas. Sobrang lakas lang naman.

"Teka lang pwede?" Tinakot ko siya ng kamao ko. 

"Bakit?" Tanong ni Ren. Ayan kasi si mr. machogwapitolakibunganga

"Ah, hindi. Wala yun." Sabi ko. Papansin kasi ng bespren ko at gusto na niyang ibuking ang sarili niya sa iyo.

"I meant, bakit mo sinasabi sa'kin yun?"

"Ahhhhh," Nilaro ko yung ballpen ko para di masyado mapahiya na mali pala naisip ko. "Kasi napansin ko lang naman na ang mahiyain mo.  Kaya para di ka patagalin, say stuff a normal college student would usually do or anything na commonly expected from a college student."

"Ah... ok." Yun lang sabi niya tapos nilaro na niya yung zipper ng jacket niya. Nakaramdam nanaman ako ng paniniko.

"Ano na? Anong sinabi mo?" sabi ni Jep. Inayos ko yung buhok ko at hinilot yung temples ko. Minsan, itong si Jep, nakakabanas din eh. Pero di mo naman maiiwasan yun sa isang barkada. Sa isang kada, kelangan may KJ,  may bobo at may go with the flow. May iba-iba pang combinations pero sa kaso ni Jep, siya yung bobo.

"Sabi ko lang naman na crush mo siya at bantay-sarado ang Facebook niyang 2011 pa yung huling post." bulong ko. 

"Ren! Hindi totoo yun!!" Sigaw ni Jep, doing a cross with his arms.  Tinakpan ko yung right ear ko kasi medyo nabingi ako. Medyo lang naman. Napatingin sa kanya si Ren sabay tingin sa akin, nanghihingi ng confirmation kung kasinungalinan lang ba yung advice ko.

"Wag mo na lang pansinin." I mouthed. Nag-nod lang while slowly looking away from my weird bestfriend. Nagkatinginan kami tapos natawa kami.

Lumipas ang maraming araw, ganun lang parati mga moment namin. Tapos matatawa siya, matatawa din ako. May wrong pronunciation yung prof, magkakatinginan kami tapos tatawa nanaman. Madalas, pagtitrip-an namin si Jep pag yung klase na na yun. Napansin 'to ni Jep. 

"Oy, akin yan." minsan niyang nasabi sa akin pero ang sagot ko naman parati, "Sayong-sayo, bro. Pareho kayo. Weird." 

Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon