Chapter 5

62 1 0
                                    

FIVE

Marami pang times na ganun. Yung iiwan ko silang dalawa. Sometimes, may plano na kaming tatlo for lunch and then last minute ako kunwaring may meet-up with a friend para lang masolo ni Jep si Ren. Kapag kaming tatlo naman ang magkakasama, I'll tease them saying na bagay na bagay sila. Walang problema nung mga first 3 times na ginawa ko yun. In fact, na-enjoy ko ngang mang-asar. Pero nung dumadami na, nung napapadalas na, bawat pang-aasar ko eh parang sampal na sa mukha ko. Pag diniditch ko sila for my fake lunchdate with someone else, I find myself following them and secretly eating nearby. 

Nagugulat na din ako sa ginagawa ko. Parang masyado na akong natutuwa kay Ren. Masyado na kaming nagiging close at masyado na akong nasasanay na nandyan siya. Kada tinutulak ko siya papalapit kay Jep, ang nangyayari eh namimiss ko lang siya. Parang mas hinahanap-hanap ko siya pag nawawala siya sa paningin ko. 

At hindi magandang sign yun.

"Anong meron sayo't ang tamlay mo?" Tanong ni Jep sa akin isang beses. Nilalaro ko lang yung straw nung iced tea ko. "Magkaklase kayo ni Ren ngayon di ba?" Tanong niya. Tinitigan ko lang siya ng matagal bago ako bumalik sa paghahalo ng iced tea ko. 

"Absent." sabi ko na parang patay. 

"Speaking of," sabi niya, ignoring the fact na absent nga si Ren. "Sa tingin mo gusto rin niya ako? Kelan kaya ako pwede umamin?"

Gusto ko siyang suntukin nung mga time na yun. Absent si Ren. Mamaya may sakit yun, na-ospital, on her way to school nakaapak ng tae o kung ano. Tapos eto siya nagtatanong kung type siya ng crush niya?

"Wag mo 'kong guluhin wala ako sa mood."

"Nagtatanong lang tang*na ang sungit. Parang may regla."

Di ko siya pinansin at nagtext ako ng patago gamit ang isang kamay sa ilalim ng la mesa. 

'Ba't ka absent?' pa-type pa lang ako nang tinatawagan na ni Jep si Ren. Inerase ko yung tinype ko at bumalik sa paglalaro ng straw at yung mga yelong nakalutang.

"Excuse me lang ah, kausap ko lang si Ren." Tumayo siya tapos lumayo. Um-oo na lag ako tapos ngumiti ng pilit. Pinanood ko siyang lumayo at tumalikod. 

I let out a sigh while fumbling with my phone. At nung araw din na yun, nagawa kong mag-aya uminom kasama ng high school barkada ko.  Naisip kong kailangan ko ng distraction dahil sa mga nararamdaman kong di ko dapat maramdaman.

Nakatulong naman ang alcohol at ang company ng high school friends kong pwede kong pagsabihan ng kahit ano. Pero pansamantala lang lahat ng yun. Habang tumatagal ang term ko bilang si cupid, mas nakakasama ko si Ren, mas nakikilala ko siya, mas nahuhulog na ang loob ko sa kanya. At yun ang di ko sigurado kung pansamantala lang din.

Left UnsaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon