FOUR
Dun sa class naming dalawa ni Ren na wala si Jep kami naging close. Minsan di makarelate si Jep sa mga napag-uusapan namin sa class na yun pero shempre, di yun pumigil sa kanya para mas mapalapit kay Ren. Little by little, she warmed up to me. Binabati na niya ako madalas. Pag by pairs, kaming dalawa. Automatic na pag one-half sheet lang ang kailangan, kami ang magkahati. It's the little stuff that I take note of. Di ko napapansin na nasasanay na ako.
This was not part of my plan. I just wanted that xbox one without spending. Di ko naisip na pag hinayaan ko lang 'to, it might cost me more, at yun yung pagsasama namin ni Jep. Baka ma-label pa akong traydor.
Isang beses, yung class na magkaklase kaming tatlo, mayroong activity... by pairs. Ngayon lang naman nag by pairs kasi madalas groups of 3 to 5 for activities. Di ko alam anong nakain ng prof namin at biglang by pairs. Magdusa daw yung isa sa mga odd numbered groups, that includes us.
As expected of me, I paired them up. Just when she was about to say na hahanap na lang siya ng ibang partner (kasi nga nasanay siyang pag ako seatmate, ako partner) pinigil ko siya.
"Hindi. You pair up with Jep." I jabbed my thumb at his direction. Nakangiti siya. Ngiting tagumpay.
"Uy hindi, okay lang." Sabi niya. Nakita kong nadisappoint si Jep.
"Who doesn't have a partner?" Sigaw nung prof, tinatawag lahat ng mga siya na ang bahala magpair dahil mga naiwan o simpleng walang kilala. Pataas na ng kamay si Ren nang hinila ko pababa tapos ako yung nagtaas ng kamay. Tinuro ako nung prof dun sa isang girl na may salamin. Binitawan ko na si Ren at pumunta na ako sa assigned partner ko.
"Thanks, bro." bulong ni Jep pagkadaan ko. Di na ako lumingon nun at diretso na lang ako sa kung nasaan yung partner ko.
It was all cool. Edi sila muna magpartner. Tutal partner ko naman parati si Ren. And tinutulungan ko dapat si Jep di ba?
I smiled at their direction. Nakita kong medyo awkward pa si Ren but she's starting to get the hang of Jep's kakulitan. Pag wala silang pinag-uusapan, nilalaro lang niya jacket niya.
The class ended and I invited them for lunch. Kaming tatlo. Luckily, she said yes. Pag nakatalikod siya, magthathank you sa akin si Jep.
"Order na kayo, ako na muna magbabantay ng table." Sabi ko sa kanilang dalawa, another way of giving Jep time with her.
"Mico, ako na lang. Samahan mo si Ren. My treat." sabi ni Jep. Huwaw. Iba na talaga ang nagagawa ng gutom no? Samahan mo na ng pag-ibig! The best combination.
"Aba, bago 'to ah." Natawa ako habang nilalapag na yung wallet ko. "O sige. Thanks." Nag thank you rin si Ren tapos naiwan kaming dalawa sa table.
Nilalaro nanaman niya zipper niya na parang ibang tao ako.
"Huy." awat ko. "Masisira yan."
"Hindi kaya. Alam mo bang bago tinahi 'tong zipper na 'to sa telang 'to eh ilang beses na nilang tinesting ng ganito yun?" ni-zip up and down nanaman niya. Tinatawanan ko lang siya and she stuck her tongue out in front of me.
Si Ren nagiging madaldal na pag kasama ako. Kung nung una halos di siya nagsasalita, ngayon kinokontra na niya pati mga sinasabi ko and sometimes we'll end up having our little debate. Not that I'm complaining. Gusto ko nga yun kasi nakikita ko yung ibang side niya and not just the girl with the invisible wall around her.
After a few seconds of dead air, tinanong ko siya.
"Ren," I called out. She stared at me with her chinky eyes, waiting for what I was about to say. "What do you look for in a guy?"
"Ha?" Nakitang kong namula pisngi niya. Maybe she's the type who gets easily awkward when it comes to topics like ideal types and stuff. But that didn't stop me from asking. Was I doing this for Jep? Or am I asking just because I wanted to know?
"Anong type mong lalaki" Tinagalog ko.
"Bakit mo natanong?" Balik niyang tanong.
"Just answer the question, Ren." I said seriously pero not to the point na matatakot siya. "It can't just be baby potatoes and baby corns." She laughed.
"Then I'll answer like what every normal girl would say when asked what they look for in a guy." Sabi niya, ginamit yung advice ko. "I like funny guys." sabi niya. Ang naisip ko agad si Jep. Kahit pa medyo nakakabobo madalas yung pinaggagagawa niya, it's what makes him funny.
"Mhm." I nodded.
"Gusto ko rin ng... mabango!"
"You smell guys?"
"Sige, gusto ko mabaho. Mabahong lalaki." she said sarcastically. This girl, really.
"What else."
"Someone I can just keep quiet to the whole time and he won't complain. Alam mo yun? Yung you don't have to keep talking and talking? You can just sit there and do nothing." She snaps and then points her finger at me. "I like that."
"That's... weird. Ano yun, nagtitinginan lang kayo?"
"Not necessarily magkatinginan pero if you imagine it that way, edi mas sweet." I pretended to puke tapos tumawa lang siya. Ang panget ko daw.
"You're too honest."
"Kidding."
"Ren," tawag ko ulet. "Si Jep, funny." sabi ko. She looked at me at parang takot na ituloy ko kasi she knows where it was going.
"Mahal pa pabango niyan. Have you sniffed him?"
"Of course not."
"Basta try mo minsan. Pangmayaman pabango niyan eh." Parang akong nageendorse ng sabon. "And maniwala ka man o sa hindi, kaya niyang makipagtitigan." Nilakihan ko yung mata ko sa kanya sabay titig. "As in hanggang sa mag-ka-tu-na-wan-ka-yo-" I said every syllable while locking eyes with her.
"Huy." Napatagal yung titig ko at hinampas ni Jep yung batok ko. "Anong ginagawa mo?" Umupo siya sa tabi ni Ren.
"Nang-aasar lang ako." Sabi ko. I pointed at them, "Alam mo, bagay kayo." Gumawa ako ng frame gamit yung fingers ko telling them na picture-perfect.
"Gago, kumain ka na nga lang." Nakangiting sabi ni Jep, halata namang natutuwa ang loko.
Nakatingin sa akin si Ren with questioning eyes. I just squinted my eyes at her sabay smug. Well, I didn't really know what I was doing. Basta ang alam ko, after that, I felt a bit heavy. Medyo may bigat sa loob ko. Pero tulad ng crumbs na nahulog sa pantalon ko, I just dusted it off.

BINABASA MO ANG
Left Unsaid
Teen Fiction"Minsan, may mga bagay talagang mas mabuting di na sabihin..."