SIX
I started teasing her a lot kumpara noon. I texted her more often, kunwari magtatanong lang tungkol sa class tapos papahabain ko yung usapan. Papagalitan niya ako madalas kasi nga dapat daw gumagawa ako ng papers pero di niya alam, I finish everything para lang mangulit kasi ang sarap niyang kulitin.
Okay naman lahat ng yun kahit di ko pa rin alam kung anong nararamdaman niya para sa akin. Di ko naman kasi nakikita kung paano siya sa iba. Kung si Jep ang batayan, eh lamang talaga ako. Ang problema eh pag nandyan nga si Jep. Pakiramdam ko sobrang backstabber ko.
Nung narealize ko yung ginagawa ko, nagbago ako bigla. Naging distant ako kay Ren.
"Galit ka ba?" Tanong niya, sinisilip ako by tilting her head.
"Di ah." Isasagot ko ng sobrang cold. As in yung hindi pa siya titignan. Shet lang sobrang jerk ko.
"Galit ka eh." she said while puffing her cheeks.
"Hindi nga." sasabihin ko. Nilabas ko yung earphones ko tapos sinuot ko at nagpatugtog ng malakas. Ang huling narining ko na lang sa kanya ay isang mahinang 'Sige.'
Si Ren kasi, hindi siya yung tipong namimilit. Kung galit ka, bibigyan ka niya ng space. Pero nung mga times na alam niyang biro lang naman yung galit ko, dun siya manlalambing. Pag hindi siya sure, tulad ng mga times na 'to, hindi talaga siya kikibo. Parang ang golden rule niya, lumayo ka, mas lalayo ako.
And it didn't help. I missed her more. Believe it or not, nagmatigas pa ako at pinanindigan ko yung pagsusuplado ko. Punyeta.
Hindi siya persuasive. Ako naman, what I start, di ko na binabawi. Duwag akong umamin na wrong move ako.
"Mico, lunch?" Tanong sa akin ni Jep pagkalabas naming tatlo sa classroom.
"Di ako sasabay. May kikitain ako." sabi ko.
It's been 3 weeks, almost a month, pero di ko pa rin kinikibo si Ren. When we need to talk about pair work, we'd do it like we've just met. Before, I used to leave my pad paper and pens at home just so that I can talk to her and ask if she could lend them to me. Ngayon, dala-dala ko na lahat pati index card, iba-ibang sizes pa.
Sabi ko may kikitain ako pero ang totoo, tatambay lang ako sa library at magapakalunod dun sa mga libro dun. Sometimes my other friends would find me there tapos papalakpak sila sa harap ko. Nakatingin na pala ako sa hangin, tulala.
Di ko lang naiintindihan bakit di 'to napapansin ni Jep. Pwede naman siguro mag-assume na he's that dense. Hindi niya kasi natanong kahit once kung magkaaway ba kami ni Ren. Baka mas natatabunan yung "Bakit hindi sila nag-uusap?" ng "Talaga 'tong si Mico o, parati akong pinagbibigyan."
"Mag-isa ka ata. Asan si Jep?" tanong ni Neil sa akin sabay upo dun sa seat sa harap ko. Nakita niyang mag-isa ako at binalak na samahan muna ako habang di pa dumadating girlfriend niya. "Kumain ka na?"
I nodded kahit di naman talaga.
"Di ko na kayo nakikitang magkasama nun ah. Asan siya?"
"With Ren." I tapped my pen on the table while sighing slowly.
"Lakas!" Sabi niya pa sabay tawa. "Bait mo naman, pre. Pumapayag kang maging loner para lang sa dalawang yun. Hahahaha!"
"Wala eh, martyr." Sabi ko. Natigil ako sa pagtap ng ballpen ko at tumingala para tignan kung nahalata ni Neil yung sinabi ko. Nakataas yung pareho niyang kilay ni Neil while giving me that knowing smile.
"Sabi na eh." He pointed at me mockingly. "I knew it would end up like this."
I groaned and dropped my pen on the table. "Di ko na alam gagawin ko, tang*na."
"Actually hindi." tinuloy niya yung sinasabi niya. "Ang alam ko, magiging kayo ni Ren. Not like this."
"Ha? Anong pinagsasabi mo?"
"Tinutulungan mo sila di ba? Alam mo bang madalas, ang bridge yung nagkakatuluyan nung... kung sino man. Basta it's the bridge who gets the girl. 89% of the time." He paused. "Ok, inimbento ko lang yung percentage pero seryoso lahat nung sinabi ko."
"Kamusta naman yang theory mo ngayon, sir." I said with sarcasm. Edi sana kung totoo theory niya edi hindi ganito ngayon.
"Baka naman ikaw yung manhid." I didn't look at him and pretended not to listen pero I was all ears. "Di mo alam, Mico, mamaya tinutulak mo siya kay Jep pero ang gusto pala niyang makasama, ikaw."
"Paasa amp*ta." I snickered at him. Kung totoo man yun, bakit parati niyang sinasamahan si Jep? Bakit di siya umiiwas? Lahat na ng hints na may gusto si Jep sa kanya binabalewala niya? Ganun? Kung ayaw niya si Jep, dapat siya mismo yung lumalayo. Pumapayag siyang sila lang anong klase yun?
"Baka naman kasi wala siyang magawa." Neil answered like he read my mind. "Baka wala siyang choice. Tutal, i-pair ka ba naman ng gusto mo sa iba. To keep in touch with you, she chooses to comply with what you want kahit na ayaw niya." I looked at the ground and my foot stopped tapping with all the sudden realizations. "All for you." He said, word by word.
"It's nearing the end of the term, dude. Sort out your feelings before it's too late." He gave me a half smile sabay tumayo na siya. Tumayo din ako, stopping him.
"Paano ko malalaman kung pareho kami o baka one-sided lang 'to?"
He shrugged and picked up his bag, "You gotta trust your gut feel, bro. Take the risk or regret later."
I took long walks inside the campus that day. I even cut my last class just to give myself more thinking time. I hoped really hard that at the end of this day, I'd get my thoughts straight.

BINABASA MO ANG
Left Unsaid
Teen Fiction"Minsan, may mga bagay talagang mas mabuting di na sabihin..."