Chapter 4

2.3K 88 3
                                    


Rhian's POV

Lahat ng halos ng pwedeng ituro kay Glaiza ay pinaliwanag ko na, hindi siya pwedeng magkamali sa pakikipag-usap kay Mr. Jimenez, bali-balita pa na may pagkamapili ito at may pagmasungit din. Sa totoo lang ay ako ang kinakabahan para Glaiza, kakayanin niya kaya lalo na ngayon palang siya sasabak sa ganitong negosyo. Mukha naman madali siyang turuan ayun sa nakikita ko sa kanya, talagang iniintindi niya lahat ng sinasabi namin ni Batchi. Seryoso nga si Mr. FMG na gusto na talaga itong patakbuhin ang negosyo nila.

11:30 AM

Lumabas ng conference room si Batchi para ayusin ang magiging kontrata nito. Tama kontrata nga, dahil nagawa ni Glaiza na mapapayag si Mr. Jimenez na mag-invest sa kumpanya nila. Bilib na bilib naman si Rhian kay Glaiza. Unang beses palang nito makipagmeeting pero talagang kinareer niya.

"Thank you, Glaiza! Napabilib mo ako." Sabay tawa ni Mr. Jimenez "Apo ka nga talaga ni Fernando" Masayang bati ni Mr. Jimenez kay Glaiza

"Maraming salamat din po Mr. Jimenez, ginawa ko po talaga ang best ko para maging proud sakin si lolo." Masayang sagot naman ni Glaiza. "Nakakatuwa kang bata ka, sige iha at mauuna na din ako." Sagot ni Mr. Jimenez "Sige po sir, hatid ko na po kayo sa baba" sabay naman lumabas ng pinto si Mr. Jimenez , ang secretary nito at si Glaiza.

Nakangiti naman si Rhian habang sinusudan ng tingin si Glaiza habang palabas ito ng kwarto, natuwa siya sa tao. Kung iisipin ay may pagkapasaway ito at makulit pero pagdating sa negosyo ay katulad na katulad ng kanyang lolo.

Nadatnan naman ni Batchi si Rhian sa conference room na parang baliw na pangiti ngiti pa habang naglilipit sa conference room kaya tinawag niya ito. "Hoy, Rhiaaan!!" Sigaw ni Batchi kay Rhian "Ay, mestizang butiking naka salamin!!!" Gulat na sabi Rhian sabay harap kay Batchi.

"Grabe toh sakin oh" sabi ni Batchi. "Sorry, Batch nagulat kasi ako eh. Bakit ka ba kasi nanggugulat dyan tsaka pwede naman kumatok muna diba? Sabi ni Rhian "Pano kasi nakatulala ka diyan tapos pangiti ngiti ka pa di mo nga namalayan na andito na ko sa loob eh. Ano ba kasi iniisip mo??" Tanong ni Batchi at nakatingin naman sa kanya si Rhian.

"Alam ko na! Si Glaiza nuh? Ayieeeee! Type mo nuh?" Kilig na asar ni Batchi kay Rhian. "Anong type ka dyan? As if naman magkakagusto ako sa kwago." Natawa pa si Rhian nung sinabi niya ang kwago, kamukha kasi ni Glaiza Haha jk

"Pero seryoso Batch natutuwa ako sa kanya kasi pursigudo siya tsaka masipag kahit na may pagka pasaway at playgirl yang kaibigan mo." Sabi ni Rhian kay Batchi sabay naman ng pasok ni Glaiza at narinig nito ang huling sinabi ni Rhian.

"Ako playgirl??? Duh, hindi kaya. Judgmental ka ah porket nakita mo lang ako may kaharutan kanina." Pabirong banggit ni Glaiza.

"Hindi daw playgirl, eh kulang na nga lang hubaran mo na si Cindy kanina" pabulong bulong na sabi ni Rhian di naman ito halos rinig ni Glaiza

"Ano may sinasabi ka ba diyan? Para kang bubuyog bulong ng bulong" sagot naman ni Glaiza.

"Wala po Madam, tara na po sa office niyo at marami pa kayong gagawin" Yaya ni Rhian.

"Wait lang, wala ba tayong celebration. Let's eat lunch sa labas, my treat. Dali na!" Yaya ni Glaiza sa dalawa. "Sige, tara" sangayon ni Batchi.

"Okay lang din sa akin" sabi naman ni Rhian "Good! Batch pasunurin mo pala yung dalawang mokong, si Vice and Wila. Namiss ko din yung kakulitan ng mga yun." Sabi ni Glaiza kay Batchi. "Sige, tsong" mabilis na sagot ni Batchi.

Nakarating ang tatlo sa isang pinakamalapit na restaurant mula sa building nila. Isang chinese restaurant ang napili nilang kainan. Sabay-sabay naupo ang tatlo at agad naman lumapit ang isang waiter para iabot ang menu. Umorder naman sila ng sapat sa limang tao kasi maya maya ay susunod sila Vice at Wila.

Your love is all I needTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon