Chapter 7

2.1K 90 3
                                    

Rhian's POV

Lumabas si Rhian ng pantry at nakita si Glaiza na seryoso masyado. "Glai, eto na kape mo. Anong iniisip mo diyan? Mukhang seryoso ka masyado?" Tanong ni Rhian kay Glaiza at inilapag ang tasa sa mesa nito.

"Ikaw.." mahinang sabi ni Glaiza at mukhang di naman niya narinig ito. "Ha? Ano sabi mo?" Sagot ni Rhian "Wala, iniisip ko lang itong mga trabaho ko. Ang dami pala haha." Pagsisinungaling ni Glaiza "Ahhh, wag ka magalala tutulungan naman kita eh." Sagot ni Rhian.

"Thank you ah. Swerte ko" sabi naman ni Glaiza "Swerte? Bakit naman?" Tanong ni Rhian "Swerte, swerte kasi ikaw yung secretary ko" sabi naman ni Glaiza "Sana sa susunod masabi kong swerte ako dahil ikaw ang girlfriend ko kahit pa malabo pa sa tubig kanal na mangyari." Sabi ni Glaiza sa utak niya.

"Sus, swerte ka pang nalalaman. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Tama na chikahan umpisahan na natin to." Masayang sabi ni Rhian.

Inalayan ni Rhian sa lahat ng gawain ni Glaiza, pati sa mga meetings, sa mga papeles na kailangan munang ireview at pirmahan. Inabutan na sila ng 12pm kaya nagkayayaan ng kumain.

Glaiza's POV

"Rhi, sabay ka na sa amin nila Batchi na kumain sa labas." Aya ni Glaiza kay Rhian

"Ahm, hindi na nangako kasi ako kay Bianca na sabay kaming kakain sa canteen." Sagot naman ni Rhian kay Glaiza

"Ganun ba? Eh kung sumabay na lang kami sa inyo kumain sa canteen." Tanong ni Glaiza "Tsaka para makasalamuha ko naman yung mga empleyado dito." Pero ang totoo gusto niya lang talagang sabay sila ni Rhian kumain.

"Wow, nagmamature ang baby." Sabay pisil sa pisngi ni Glaiza. Natuwa naman si Glaiza sa ginawang pagpisil sa pisngi niya "hmmm baka may natatypan ka lang na empleyado dito kaya gusto mong kumain sa canteen." Sabi ni Rhian.

"Uy, hindi ah. Grabe ka naman. Gusto ko lang matry kumain dun." Sagot ni Glaiza.

"Sige, mauna na ko sa baba para may mareserved akong upuan natin." Paalam ni Rhian. "Sige, sususnod kami." Lumabas naman ng kwarto si Rhian at si Glaiza naman pangiti ngiti pa na parang kinikilig. Bigla naman bumukas ang pinto at innluwa ang tatlo niyang kaibigan.

"Tsong!" Sigaw ni Batchi "kwaggy!" Sabi naman ni Vice

"Bakit ba kayo sumisigaw?" Tanong ni Glaiza "Wala lang Haha, tsong bakit parang ang saya mo ata? Pumayag na ba?" Tukoy ni Batchi sa panliligaw ni Glaiza

"Tsong, alam mong hindi pwede diba?" Sabot naman ni Glaiza.

"Hoy, ano yan? Ano yang pinaguusapan niyo? Daya niyo ah di niyo na kami sinasama." Sabi naman ni Wila "Wala yun" sabi ni Glaiza

"Tara na! Duon tayo sa isang restaurant kumain ah. Madami kasing boys duon eh" sabi naman ni Vice "Ito talaga talandi!" Sabat naman ni Wila

"Hindi tayo sa restaurant kakain sa canteen tayo, sasabay tayong kumain kila Rhian at Bianca." Sabi ni Glaiza sa mga kaibigan.

"Ano ba yan, kwaggy! Nagred lipstick pa naman ako para mapansin ako ng mga lalake duon tapos sa canteen tayo kakain." Reklamo ni Vice "Buti nga sayo Hahaha" sabi ni Wila sabay tawa

"Bakit may lalake din naman sa canteen ah, wag ka mag reklamo hinihintay na tayo duon. Tara na!" Sabay lakad palabas ng kwarto si Glaiza.

"May lalake nga, thunders naman. Anong gagawin ko dun." Pagmamaktol ni Vice.

"Tara na kasi bakla, makuntento ka na lang muna sa thunders Hahaha" biro ni Wila.

"Hindi pala pwede ah pero gusto kasabay kumain si Rhian. Palusot pa." Sabi ni Batchi habang palabas ng kawrto.

Your love is all I needTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon