Ylana POV
"Ang sabi ni Ice, magcelebrate daw ng Valentines. Eh bakit tayo nasa Library! Anong gagawin natin dito?"- angal ni Brent.
Napapoker face naman ako.
"Wag ka ngang maingay, alam mo ng nasa library tayo ang ingay mo pa."- saad ko
Tinignan naman nya ko.
"Wala namang tao eh!"- saad nya.
"Tss... Kahit na, nasa library ka parin."- saad ko sabay lumbaba.
Napakamot naman sya sa ulo nya.
"Ylana, umalis na tayo dito. Paano tayo makakapagcelebrate ng Valentines kung nandito tayo!"- emote nya.
Tinignan ko naman sya ng diretso sa mga mata nya.
"Bakit, kapag nagcecelebrate ng Valentines saan ba dapat naroroon ang magkasintahan? Ang alam ko pwede namang magcelebrate ng Valentines sa kahit saang lugar. At ako, dito ko gusto. Dito sa Library na 'to dito sa DIA."- saad ko.
Sinabunutan naman nya sarili nya.
"Oo, kahit saan nga pwedeng magcelebrate ng Valentines! Eh paano naman natin macecelebrate ang Valentines dito? Anong gagawin natin mgbabasa ng mga Libro? Ylana naman eh!"- angal parin nya.
Pinakalma ko naman ang sarili ko.
Chill Ylana, chill ka lang... Wag kang mainis sa Fiance mong di makaramdam.
"May tanong ako sayo."- nakapoker face kong sabi kay Brent.
"Ano!?"- saad nya agad.
"2 years ago, nasaan tayong dalawa nung Valentines nung mga panahong yun?"- tanong ko kay Brent.
Napakunot naman sya ng noo.
"Huh? Dito sa Library, nandito tayo nun sa Library dito sa D---"- sagot ni Brent na hindi nya natuloy dahil mukhang nakuha nya na ang nasa isip ko.
"Teka.... G- Gusto mo bang dito tayo magcelebrate ng Valentines ngayong taon dito sa Library na 'to kung saan nagsimula ang lahat satin? Ganun ba?"- saad nya.
Ngumiti naman ako at tumango.
"Oo, dito sa Library kung saan kita hinabol dahil sa kagustuhan kong banatan ka at dito sa Library na kung saan nakulong tayong dalawa."- saad ko sabay kuha ko sa backpack na kanina pa nandito sa tabi ng upuan na inuupuan ko.
Kanina ko pa inilagay 'to dito, talagang plinano ko ang mangyayari ngayon.
"Kaninang madaling araw habang natutulog pa ang lahat, gumising ako para gawin 'to."- saad ko sabay labas ko ng isang di kalakihang kahon mula sa bag.
Agad naman nyang kinuha ang kahon at yun ay binuksan. Nang makita nya ang laman, natawa sya.
"Seriously? Isang bookshelf na cake?"- natatawa nyang sabi.
Tumango naman ako.
"Oo, sobrang laki kasi talaga ng parte ng Library at ng mga bookshelf nito. Tuwing inaalala ko yung dati natatawa na lang ako."- saad ko sabay ngiti ko.
"Sya nga pala, yung picture dati na ginamit mo sakin pangblackmail.. Nakita ko nasa phone mo parin, hindi ko binura kasi isa yun sa mga ala-ala ng nakaraan. At ayokong mawala ang mga tulad nun, ayokong mawala ang mga bagay na may kaugnayan sa magandang nangyari dati. Sabihin na natin na dahil dun sa picture na yun ay napahirapan mo ko, pero kahit ganun ayoko parin talagang mawala yun. Parte yun ng nakakatawang nakaraan natin kaya wag na wag mo yung buburahin. Naiintindihan mo?"- saad ko.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 2
Mystery / ThrillerWARNING! DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ YET DARK ISLAND ACADEMY BOOK 1 ;) Thank you :*