Ice POV
Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos ng Valentines. Matapos ang araw na yun naghanda kaming lahat sa pag-aakala naming ibabalik ni Killer Clown ang laro dati na may kaugnayan sa pin ngunit nagkamali kami. Buong araw pagkatapos ng Valentines, nagmasid kaming mabuti sa buong DIA at hinintay namin ang gagawing kilos ni Killer Clown pero inabot na ng kinabukasan. Hindi sya lumabas at wala syang kilos na ginawa.
Pangatlong araw na ngayon ng pananahimik nya, at masyado akong kinakabahan. Anong nasa isip ng Killer Clown na yun ngayon? May kutob akong hindi maganda..
Hindi nya ginawa ang inakala naming gagawin nya kaya naman hindi namin ngayon malaman kung anong susunod nyang gagawin.
At sobra yung nakakabahala...
"Ice!"- tawag sakin ni Tala.
Agad ko naman syang nilingon.
"Oh? 'Bat hingal na hingal ka dyan?"- tanong ko.
Huminto naman sya sa harapan ko.
"Yung magiging guro sa ibabalik mong subject dito sa DIA, dumating na."- sagot ni Tala.
Agad naman akong napatayo.
"Nasaan sya?"- tanong ko.
Umayos naman si Tala.
"Sumunod ka."- saad ni Tala sabay lakad paalis.
Agad ko naman syang sinundan.
Pagdating namin sa Lobby, nakita kong nandun sila Ashlie, Ylana at Grey. May kasama sila dun na isang babae na sa tingin ko ay yung sinasabi ni Tala.
"Ice! Ice!"- masayang saad ni Ashlie pagkakita at pagkalapit nya sakin.
Bahagya naman akong napakunot ng noo dahil dun.
"Look who's here!"- masayang sabi ni Ashlie sabay tingin nya dun sa babae.
Tinignan ko rin naman yun at laking gulat ko ng makita ko kung sino ito.
"Prof.China?"- gulat kong sabi.
Bigla namang sumama ang mukha nito.
"Wag nyo kong matawag-tawag na Prof dyan, pagkatapos nyo kong kalimutan lahat tatawagin nyo kong Prof? Grabe kayo sakin! Yung dalawa ikinasal na, yung isa nagka-anak na! Hindi nyo man lang ako inimbitahan sa kasal at binyag! Ang sakit!"- saad ni Prof.China.
Hindi naman ako makapaniwala.
Teka? Bakit sya nandito? Siya ba ang sinasabi ni Tala na magiging guro sa ibabalik naming asignatura dito sa DIA? Kung ganun, paano? Naguguluhan ako..
Inamo naman ni Ashlie si Prof.China.
"Prof, ganito po kasi yun. Nung ikinasal po kami ni Ice sa mga asawa namin at nung nagpabinyag po ako. Hindi po talaga kami nag-imbita ng marami, kami-kami lang po yung mga tao. Mga parents lang po namin tapos yung mga ninong at ninang tapos yung mga grupo po dito sa DIA na naging kaibigan namin. Yung mga kaibigan nga po namin sa Sheria di namin inimbitahan eh! Wag ka ng magtampo dyan Prof."- saad ni Ashlie kay Prof.China.
Ngumuso naman ito.
"Nung nasa Sheria pa kayo ako ang naging Ate slash! Ina nyo dun. Ako pa nagbigay ng payo sa inyo nung nalaman kong pupunta kayo dito tapos kakalimutan nyo lang ako.."- saad ni Prof.China.
Nagsalita naman ako.
"Kung nagtatampo ka samin bakit ka nandito. Nung kinausap ka ni Tala para maging guro dito bakit ka pumayag. Alam mo naman kung sino ang mga nandito diba."- malamig kong saad kay Prof.China.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 2
Mystery / ThrillerWARNING! DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ YET DARK ISLAND ACADEMY BOOK 1 ;) Thank you :*