Ice POV
"Devin, pwede ba kitang makausap?"- tanong ko kay Devin pagkapasok ko sa kwarto namin.
Hindi naman nya ko sinagot, maski tingin o lingon.. hindi rin.
Nilapitan ko naman sya at pagkatapos isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Kaya ko 'to!
"Sorry, alam mo na kung bakit p- pero kung kailangan kong ulitin sayo ang dahilan. Pwede ko namang gawin."- saad ko.
Shit! Okay lang ba yung sinabi ko? feeling ko nagpapaka-cool ako sa sinabi ko!
"A- At tsaka, yung ukol sa desisyon mo. Hindi kami tumututol dun, tanggap namin ang naging desisyon mo. Maging si Prof.China, at humihingi rin sya ng pasensya dahil sa nangyayari na 'to satin. Pasensya na daw."- saad ko pa.
But still, wala parin siyang response.
"Alam kong mali ako, inaamin ko yun at nagsisisi ako dun dahil sa nangyayari satin ngayon. Ayoko ng ganito tayo! para akong napapraning dahil sobra akong natatakot sayo. Hindi ko alam kung paano kita paaamuhin para mapatawad mo ko! Parang awa mo naman, kahit tango man lang, kahit sulyap man lang, o kahit man lang isang senyas ng kamay mo ibigay mo! Tinatakot mo ko ng husto dahil sa pananahimik mo alam mo ba yun?"- saad ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Ayoko ng ganito! sobra akong napapraning dahil sa ginagawa nya, kung ano-anong pumapasok sa isipin ko at naiiyak ako dun!
"Hindi mo naiintindihan ang dahilan ko kaya hindi mo ko pinapansin o baka naman sadyang ayaw mong intindihin."- saad ko pa.
Bigla naman syang tumayo mula sa pagkakaupo nya sa higaan namin. At pagkatapos, dahan-dahan nya kong nilapitan habang nakatingin sya sakin ng diretso at nagsasalita.
"Sabihin mo, ano mo ko."- saad nya sakin habang lumalakad sya palapit sakin.
Agad naman akong sumagot.
"B- bakit mo pa tinatanong yan, siyempre asawa kita."- saad ko.
"Asawa mo ko.. mahal mo ba ko?"- tanong pa nya.
Muli naman akong sumagot agad.
"Oo naman! Pakakasalan ba kita kung hindi."- saad ko habang lumuluha parin.
Huminto naman sya sa harapan ko at pagkatapos..
"Eh bakit hindi ka nagtiwala sakin?"- saad nya sabay higit nya sakin sa wrist ko.
"Ano yung sinabi nyo kanina? Natakot ka na baka hindi ko kayo pagbigyan sa hihilingin nyo sakin kaya naman hindi mo sinabi sakin ang tungkol dun sa Josh na yun, tama ba ko!?"- pagtataas nya sakin ng boses.
Napayuko naman ako.
Ang sakit...
"Pinipilit kong intindihin yung rason mo o ninyo kaya hindi nyo sinabi sakin ang tungkol dun sa lalaking yun pero alam mo, kahit anong gawin kong pag-intindi hindi ko parin maintindihan! Kahit anong gawin kong pagpapasikot-sikot, iisa lang ang nakikita ko. Nawalan ka ng tiwala sakin!"- saad nya sabay higpit nya sa pagkakahawak nya sakin.
Hinawakan ko naman sya sa kamay nyang nakahawak sa wrist ko at pilit ko yung tinatanggal.
"N- nasasaktan ako!"- saad ko sabay tingin ko sa kanya ng diretso.
"Hindi totoo yang sinabi mo! Hindi ako nawalan ng tiwala sayo! Asawa kita at mahal na mahal kita kaya naman yung tiwala ko sayo, buong-buo yun!"- saad ko.
Ngumiwi naman sya.
"Naiintindihan mo ba yung sinasabi mo Ice? Kung talagang buong-buo ang tiwala mo sakin kahit natatakot kapa na hindi ko pagbigyan ang gusto nyong mangyari sasabihin at sasabihin mo parin sakin ang tungkol sa Josh na yun! Kung talagang buong-buo ang tiwala mo sakin wala kang itatago sakin na importanteng bagay tulad nun!"- saad nya habang patuloy na humihigpit ang pagkakahawak nya sakin.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 2
Mystery / ThrillerWARNING! DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ YET DARK ISLAND ACADEMY BOOK 1 ;) Thank you :*