DIA2: Chapter 26

1.8K 55 5
                                    

Ashlie POV

From Ate Rei,
I feel bad na wala ako ngayon dyan sa DIA upang tulungan kayo sa pakikipaglaban, kaya naman nais ko na lamang kayong paalalahanan o balaan bilang tulong ko kahit na wala ako dyan. Guys, kailangan niyong bilisan ang pagdispatsa sa mga kalaban. Dahil kung hindi, baka ibalik nila yung pangyayari dati sa Prom na kung saan ay maraming namatay. Oras na mangyari yun, oras na ibalik nila ang pangyayaring yun at oras na maraming namatay na mga estudyante ngayon paniguradong katapusan na yun ng DIA. Maraming magpoprotesta laban sa DIA at isa pa ang simbahan, sigurado akong hindi nila palalampasin ang pagkakataon na maipasara na ang DIA oras na maraming mamatay ngayong taon sa paaralan. Ipinangako natin na isang normal na paaralan na ang DIA, kailangan nyong panatiliin yun kaya naman wag na kayong magpaligoy-ligoy pa. Bilisan nyo na sa pagtalo sa mga kalaban! ngunit hindi porket sinabi ko sa inyo na bilisan nyo ay magpapadalos-dalos na kayo ng kilos. Magplano kayong mabuti at mag-isip kayong mabuti at oras na magawa nyo yun, saka kayo kumilos ng mabilis. Yun lamang, sana makatulong ang mga sinabi ko sa inyo.

PS: Aasahan ko ang tagumpay nyo, ipagdarasal ko na sana ay walang mapahamak na kahit na sino sa inyo. Kailangang makita nyo ang pangalawa naming anak ni Luis kaya naman mag-iingat kayo at bawal ang mamatay. Miss ko na kayo <3

"A- Ate Rei...."- saad ko ng matanggap ko ang mensahe ni Ate Rei.

Nilapitan naman ako ni Bryan.

"May problema?"- tanong nito sakin.

Ibinigay ko naman sa kanya yung cellphone ko at ipinabasa sa kanya yung mensahe ni Ate Rei.

"Tama si Ate Rei sa sinabi nya dyan, hindi maaaring mangyari yung pinangangambahan nya. Mukhang kailangan na nga nating magmadali."- saad ko sabay kuyom ko sa kamao ko at tingin kay Bryan.

"Ano kaya kung tapusin na natin agad ngayon yung plano ni Ice. Sigurado naman na yung plano na yun eh, isa pa isa lang naman ang purpose nung plano ni Ice na gagawin natin! Yun ay ang mahuli si Yura nang dahil din sa kagagawan nya. Bakit kailangan pa nating patagalin yun? Tapusin na natin agad ngayon yung plano. Kaya naman nating gawin yun eh!"- saad ko.

Agad naman na napatingin sakin si Bryan.

"P- Pero.. hindi kaya may mangyaring hindi maganda kapag minadali natin yung plano?"- saad ni Bryan.

Napaisip naman ako.

Tama sya....

Yung pinangangambahan ni Ice kapag hinuli namin si Josh, hindi kaya mangyari din yun kapag hinuli namin si Yura? Ang plano ni Ice ay ang hulihin si Yura ng dahil din mismo sa sarili nyang kagagawan. Ang plano, isang linggo na lalandiin ni Bryan si Yura at sa loob ng isang linggo na yun ay palalabasin namin ni Bryan na nag-aaway kami nang sa ganun ay isipin ni Yura na nagtagumpay sya sa pagsira sa relasyon namin ni Bryan. Bukod pa dun, sa loob din ng isang linggo na yun maghahanda naman ng patibong sila Ice at ang iba pa para naman sa pagkahuli ng iba pang mga payaso.

Pagkatapos nun, doon na mangyayari o doon na namin gagawin ang tatapos sa plano upang mahuli si Yura.

Pero tama si Ate Rei... kailangan na naming bilisan!

Kapag nanatili kami sa orihinal na plano, natatakot ako na baka pumalya kami. At isa pa kapag naghintay pa kami ng isang linggo, malalapit lang kami sa paghahanda para sa Prom.

Simula ng maging normal na paaralan na ang DIA, pinaaga na ni Ice ang Prom sapagkat may dalawang event na ipinagdiriwang ang DIA sa talagang araw o buwan ng Prom. Yun ay ang isang linggong kalayaan o bakasyon ng mga estudyante dito sa DIA at ang pagdiriwang sa matagumpay na pagbawi sa DIA mula sa dating Headmaster na si Headmaster June. Matagal na naghirap at hindi nakatanggap ng kalayaan ang mga estudyante ng DIA dahil sa hindi magandang pangangalakad ni Headmaster June kaya naman naisipan ni Ice na bigyan ng isang linggong kalayaan o bakasyon ang mga estudyante ng DIA. Yun ang ipinalit nya sa dating tinatawag na 7 Days of Darkness o Darkness Week. At syempre, dahil hindi madali ang naging pagbawi namin dito sa DIA, naisipan din ni Ice na magtatag ng araw upang ipagdiwang ang pagkabawi namin sa DIA mula kay Headmaster June.

Dark Island Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon