Grey POV
"Ano?"- gulat na saad ni Ice nang sabihin ko sa kanila na mukhang alam ko na kung sino ang pangalawang payaso na si Yuri.
Bumuntong hininga naman ako.
"Palagi akong nasa konstraksyon sa ibaba kaya naman minsan lang ako nakakaapak sa DIA, pero di ko akalain na kahit ganun ay may malalaman akong isang napakahalagang impormasyon na makakatulong sating lahat."- saad ko.
Nagsalita naman si Ylana.
"Ipaliwanag mo kung anong sinasabi mo, paanong mukhang alam mo na kung sino si Yuri?"- tanong sakin ni Ylana.
Inalis ko naman ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa.
"Actually hindi lang mukhang, dahil sa tingin ko alam ko na talaga kung sino si Yuri."- saad ko.
"Nung nakaraang-nakaraang araw kasi, inutusan ako ni Alex na bumili ng pagkain sa cafeteria. Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa cafeteria, may narinig akong babae na may kausap sa cellphone. Di ko nakita yung mukha nya pero kahit ganun, nalaman ko parin kung sino sya batay sa mga sinabi nya sa kausap nya sa cellphone."- saad ko sabay tingin ko sa kanila ng seryoso.
"Sabi nung babae sa kausap nya, nagtagumpay daw sya sa una nyang hakbang. Kaya naman kumpiyansa sya na magtatagumpay din daw sya sa pangalawa lalo na at si Bryan daw ang target nya ngayon."- saad ko.
Halata naman ang pagkagulo lalo sa mukha nila.
"A- ano? Anong si Bryan naman ang target? Di ko maintindihan. Pwede bang diretsuhin mo na kung anong sasabihin mo!"- kunot noong saad ni Ashlie.
Nagpoker face naman ako.
"Yung babaeng yun, plano nyang sirain ang relasyon natin sa mga kasintahan natin. Ayon sa pagkakarinig ko sa sinabi nung babae na batid kong totoo at masasabi kong talagang nangyari, napag-away daw nya si Devin at si Ice dahil sa selos. Sabi pa nya, batid nyang di madaling akitin si Devin kaya naman gumawa sya ng ibang paraan para pag-awayin si Devin at si Ice na sya namang gumana at naging dahilan kung bakit sya nagtagumpay."- saad ko.
Nakita ko namang nanglaki ang mga mata ni Ashlie.
"Omg! si Yura ba yang tinutukoy mo na babae?"- gulat na saad ni Ashlie.
Tumango naman ako.
"Oo, di ko man nakita ang mukha nya. Alam kong si Yura nga yun dahil sya lang naman yung dahilan kung bakit nag-away si Ice at si Devin."- saad ko sabay tingin ko kay Ice na tila iniintindi ang mga sinabi ko.
Tinulungan ko naman syang intindihin ang mga sinabi ko.
"Sabi ni Yura sinadya daw nya na magpakita ng kakaibang kilos kila Tita Rica at Tito Rey para paghinalaan sya ng mga ito, nang nakita daw nya na tila nakuha nya ang atensyon nila Tita Rica at Tito Rey ay sinundan daw nya ang mga ito at nakita nyang kinausap daw nito si Devin ukol sa kanya. Pagkatapos nun, ginawa na daw nya ang sunod na move para lapitan sya ni Devin. Batid daw nyang iimbistigahan daw sya nito ng palihim kaya naman gumawa sya ng kilos upang lapitan sya mismo nito at kilos upang mapagdesisyunan ni Devin na makipagmabutihan sa kanya upang imbistigahan sya nito. At yun na nga, nang-away sya ng estudyante. Sinakto nya yung pang-aaway sa oras na batid nyang oras ng daan ni Devin sa garden tuwing nag-iikot ito, dahil sa kagustuhan ni Devin na matapos na 'tong problema na 'to dito sa DIA nang sa ganun ay mapanatag kana Ice na kanyang asawa. Di na sya nakapag-isip ng tama at nagawa nya ang hindi nya alam na nais ng kalaban na syang naging dahilan kung paano nito nagawa ang ginawa nya na naging dahilan kung bakit nagselos ka Ice at nagalit kay Devin."- saad ko.
"Pagkatapos sabihin ni Yura yun, sinabi nya na isang mapanganib na kilos ang ginawa nya dahil kung hindi ka dumating dun Ice at kung hindi ka nagselos at nagalit ay may posibilidad na malaman ni Devin kung sino sya. But luckily, dumating ka daw dun at nag-eskandalo ka kaya naman naligtas ang identity nya kahit na papaano. Sabi nya napaka-worth it daw ng ginawa nyang tila pagsasakripisyo na yun dahil nagtagumpay sya sa kagustuhan nyang pag-awayin kayo ni Devin. Pagkatapos nun narinig kong nagsalita yung kausap nya sa cellphone, pinagalitan sya nito dahil maaaring mapahamak din daw sya at ang iba pa kung sakaling hindi nagtagumpay ang plano ni Yura. Batid daw nya na ang nais lamang ni Yura ay ang manggulo dito sa DIA pero sana daw sa susunod na may gawin itong kilos upang manggulo, sana daw yung walang tiyansa na mapahamak sila ng iba pa."- saad ko sabay lakad ko patungo sa sofa na nasa harapan ng inuupuan ni Ice at upo doon.
BINABASA MO ANG
Dark Island Academy 2
Mystery / ThrillerWARNING! DO NOT READ THIS IF YOU HAVEN'T READ YET DARK ISLAND ACADEMY BOOK 1 ;) Thank you :*