AIIHAC 19

294 14 1
                                    

Gabi na ng makarating ako sa bahay. Naupo muna ako sa couch at nag pahinga. Masyadong exhausted isip ko ngayon. Simula kasi kanina ay iniisip ko padin ang nangyari sa amin ni Pete. Sabi ko nga diba parang isa syang pokemon na nag evolve. Simula sa pagiging cute ay naging monster na. Oo nakakatakot. Nakaka panindig balahibo lalo na ang mga titig nya .

Huminga ako ng malalim at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Dahan dahan  bigla namang nag ring ang telepono namin. at Agad ko naman itong sinagot.

Hello

Hello sino to?

Pambihira tatawag tawag hindi naman nag sasalita. Tsss.

Wala kang balak mag salita? Papatayin ko to.

Nag bilang muna ako ng isa hanggang tatlo ay eksaktong huminga ng malalim ang nasa kabilang linya.

Corrthrine...

Nabitawan ko ang bitbit kong baso pagkarinig ko ng boses nya. Si Pete.. Uminom ba sya? Iba kasi ang boses nya  lets say hoarse voice ang meron sya ngayon.  Na pipi na ata ako dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. Natatakot ako na baka sigawan na naman nya ako. Yung feeling na mag kaka phobia kapa ata sa ginawa nya sayo.

Cor...

Hindi ko sya pinatapos mag salita at ibinaba ko na ang telepono. Natatakot na ako sa kanya.

Dali dali akong umakyat pataas nung nag ring na naman ang telepono namin.  Pag pasok ko sa loob ay namatay din ang ring akala ko tapos na hanggang sa naulit ba naman ito.

Pwede ba tama nang kaka ring mo!!!

Oo baliw na ako kasi sinisigawan ko na ang telepono. Tsss. Ang mantika naman matulog nila manang hindi nila maramdaman nA nag riring ang telepono. Tsss. Kung sa bagay malamig at maulan kaya masarap matulog.

After ko magbihis ay humilata muna ako sa kama at binuksan ang cellphone ko.

200 messages? 60 missed calls?

Yung totoo?, baka nag loloko na naman ang network ngayon.

Binuksan ko ito and to my surprise ay puro lahat kay Pete. Hindi ko na tinignan ang mga iyon and i automatically  deleted it. Alam mo yung nararamdaman ko ngayon? Takot at galit, gusto kong umiyak pero namamanhid ako. Basta ang alam ko galit ako sa kanya at the same time takot ako.. sa mga mata nya at ginawa nya.

Para ano pa at babasahin ko yun. Puro lang naman yun sorry. Nakaka sawa na. Ganyan naman ang mga tao eh. Pag may kasalanan halos mamatay matay kaka sorry tapos after napatawad gagawa ulit ng kalokohan. Anong silbi ng sorry kung uulitin lang naman diba. Ano yun pampalubag loob lang ganun. Yan yung nakaka inis. Kesyo hindi naman kaya ng isa na hindi ka patawarin ayun after ng sorry gagawa na naman ng kabulastugan. Kampante kasi na kahit anong kasalanan ang gawin mo papatawarin ka padin ng partner mo.

Hindi ako mtiis nun. Mahal ako nun.

Yan na ang tagline nila. Pero come to think of it pano naman ang nasaktan diba? Sa tingin nyo sa bawat pagkakasalang ginagawa nyo ay hindi lumalayo ang loob ng partner mo sayo? Kung ganun mali ka. Kasi sa bawat sakit at sa bawat iyak , nag mamarka yan sa puso hanggang sa maging manhid na sila , worse is ibabalik nila sayo lahat ng ka bulastugang ginawa mo. Worst ay iwan ka nalang nila at dun mo nalang ma rereliaze ang worth nila pero huli kana kasi its either meron ng taong nakakita ng worth nila o napag tanto na nila sa sarili nila na mas masaya pala pag hindi na nakatali sa iyo.

Nakakainis.. Kapag pumipikit ako yung mata nya ang nakikita ko. Kaya mag aala una na ay hindi padin ako makatulog. Idadag mo pa ang kanina pang busina ng sasakyan sa harap. Ano ba naman yang kapit bahay na yan bingi na ata tsss.

Tumagal pa ang busina ng limang minuto tatayo na sana ako para sigawan din yung nasa labas pero hindi ko na ginawa dahil narinig kong umandar naman na ang sasakyan at umalis.

Hindi na ako pumasok dahil late na ako natulog. Pagkababa ko kanina ay sinalubong na agad ako ni Manang Aning ng balitang "chos" kanina pa daw nag aantay si Pete kaya nauna ng umalis. I gave a nod nalang at pumunta sa kusina.

note : I'll continue the update mamaya o bukas ah. Nawala kasi ako sa concentration kanina. Sorry :)

DILS: As if I have a Choice (Subject for Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon