chapter 1. Goodbye for now.

6 1 0
                                    


A/N: Hello po! pasinsya na po sa mga typo graphic errors.

Zail' POV.

"Kate anu tutunganga nalang ba tayo dito?" I said when Katelyn is still sitting inside the cottage. We are here in resort, two days nalang kasi ang natitira sa Summer vacation that's why we need to enjoy it.

Next week mag sisimula na naman kami sa pagiging studyante. Fourth year college na kami this school year kaya kailangan naming mag seryoso sa pag aaral.

Si Katelyn ang nag iisa kong bestfriend since high school.
Sya rin ang lagi kong kasangga sa lahat ng bagay.

Ito rin ang last bonding namin ni Kate, because tomorrow ay aalis na ako, doon nako titira sa manila. Sabi kasi nila mommy para raw malapit lang kami sa isa't isa. Sa LA at sa manila kasi yong business namin at mas mainam kung sa manila ako titira, kaya no choice ako, kahit na ayaw kong iwan ang bestfriend ko wala akong magagawa.

Sila narin kasi mommy ang nag enroll sa akin.

"Zai naman kasi eh! Iiwan mo na ako." Sabi niya na naghihimutok.

"Ano kaba para namang di na tayo mag kikita!" I said at tinabihan ko sya. "You know pwede ka naman mag transfer eh doon ka sa bahay namin tumira for sure papayag yun si tita." Sabi ko pa sa kanya.

"Paano naman si Leonard? Hindi ko naman yun kayang iwan." She said at tumayo na.

"Hayy! Sabagay 4years narin kayo, baka kapag iniwan mo yun baka mag bigti yun." Sabi ko at tumayo narin, inirapan nya lang ako.
"Let's enjoy this day nalang, we can see each other naman kapag bakasyon. So no need to worry Ok?" Pahabol ko at hinila ko na sya papunta sa pool.

__

"Oi ano ba Zail, dahan dahan naman para ka namang mauubusan niyan." Sabi ni Kate matapos kasi namin maligo kumain na kami ng panang- halian.

"Hmmmnn" sagot ko lamang sa kanya. I don't have time to talk. Ang sarap ng kinakain namin eh.

"Babe naman alam ko masarap ang kinakain mo pero, dahandahan naman nakaka turn off ka!" Natigil ako sa pagnguya ng marinig ko ang tinig na yun. Ng makita ko kung sino? Ganon nalang ang pagka bigla ko.
O_O

"CLARK!!" Sabi ko sabay takbo patungo  sa kanya and i hug him tight. Sya kasi yong kababata ko noong nakatira pa kami sa California. "Oi, how are? Why are you here?" Sunud sunod ko pang tanong.

"Oh come on! i miss you that's why i am here." He said with grin.

"Ehem!" Kate cough to get our attention, tiningnan ko lang sya at tumingin ulit kay Clark.

"Really you miss me?" Sabi ko at kumalas sa pagkayakap sa kanya.

"Yah! Why? Don't you miss me?" Sabi niya at umupo sa tabi ko. Nasa loob kami ng cottage ngayon. "By the way, who's  this beautiful girl?" Sabi nya at tumingin kay Katelyn.

"Ah, she's Katelyn my bestfriend. Sabi ko na naka ngiti. "You like her?" I ask him with grin.

Inirapan ako ni Katelyn, nginitian ko lang sya.

He just laugh. "Crazy." Clark said at ginusot niya ang buhok ko.

" I'm not crazy at may boyfriend na yan dika nyan papatulan." sabi ko sa kanya na naka ngiti. "Oh wait 'by the way why are you here? And how did you found me?" I ask him.

"I'm with my cousin, sinama nya lang ako dito at nakita kita kaya lumapit ako. And actually I decide to stay here in Philippines. So I'll continue my study here. How about you? I think Tita Sheena wants to transfer you to manila."
Mahaba nyang litanya.

"Yah! Bukas ako aalis." Sabi ko sa malungkot na boses.

"Why are you sad?" Clark ask me.

"Kasi maiiwan ko si Katelyn." Sabi ko sa kanya.

Clark glared me like he don't convinced to my word. "Really that is your reason?" Clark said.

"Yes. Why?" I ask him with grin.

He just laugh again. "Nothing." He said. "Just continue to ate." Sabi pa nya na naka ngiti.

Kumain nalang nga kami ulit at syempre pinakain narin namin si Clark. Puro kwentuhan at tawanan, si 'Katelyn nga nakiki FC na kay Clark, haha char lang.

Nalaman ko na doon rin pala sya mag aaral sa papasukan ko this school year. Pareho kaming graduating kaso iba lang ang course namin business  accountancy sya ako naman ay engineering yan kasi gusto ni Mommy. Kahit na ang gusto ko ay maging fashion designer but that is not my parent want for me. So no choice ako. Lagi akong no choice kasi sila naman laging nasusunod, except pala sa pag aaaral ko dito sa Ilocos dahil ako ang nagdecide na dito ako mag stay with my grandmother, sya ang mama ni Daddy.

Nang mag second year high school na ako dito nako tumira, and now it's time to go again. Napag bigyan na raw ako kaya sila naman raw ang pagbiyan ko.

__

Pagkatapos ng naming mag swimming ay nagpaalam na rin si Clark uuwi rin kasi sya sa manila ngayong araw kaya hindi kami magkakasabay bukas.
Kasama nya kasi ang pinsan nyang si Jeorix at ang girlfriend ng pinsan nya. Magkita nalang daw kami sa school.

Nakauwi na kami dito sa bahay nila lola at kasalukoyang nag iimpake na ng mga dadalhin ko bukas.

"La, mag iingat kayo lagi dito wag kayong magpapagod masyado and lagi nyong inumin ang vitamins nyo ni lolo." Sabi ko kay lola na naluluha na.

"Ano ka ba syempre naman, ikaw ang mag iingat doon, baka mamaya nyan malaman ko may asawa kana." Biro nya pa sa akin.

"La naman, alam mo naman na magtatrabaho pa ako, at kapag may trabaho na ako kukunin ko kayo ni lolo." Sabi ko nalang.

"Ay nakong bata ka wag mo na kaming alalahanin ng lolo mo andiyan naman mga pinsan mo. Sabi ni lola at itinabi na ang mga maleta na dadalhin ko bukas ng umaga.

Bumuntong hininga nalang ako at niyakap ko si lola. Lola's girl kasi ako kaya ito rin ang isa sa dahilan kong bakit ayaw kong umalis, mamimiss ko sila ng subra.

__

Kina umagahan ay agad akong naligo sabi kasi ni mommy susunduin raw ako ni kuya Zyruz, kaya naman ang aga kong nagising dahil ang aga ring dumating ni kuya.

Si kuya Zyruz ang kuya kong subra akong mahal kahit may asawa na. Sya ang panganay sumunod si kuya Zander ang ikalawa sa amin and last ako syempre ang one and only daughter of mr and mrs Chamber. Kaya ganon nalang sila mag disisyon para sa akin dahil ayaw raw nila na mapariwara ako.

"Eryl hindi kapa ba tapos jan? Tanghali na." Kuya said na nasa labas ng kwarto ko.

"Yes kuya lalabas na po ako, wait lang po." Sagot ko at binuksan ko ang pinto.

"Ang tagal mo talagang bata ka, nasaan na ba yung mga gamit mo." Sabi ni kuya at pumasok na sa kwarto ko para kunin ang mga malita ko.

"Sorry naman po, but I'm not a child any more kuya. I'm a big girl na." Sabi ko at kinuha ko yung iba kong gamit. Hindi narin naman nag salita si kuya at lumabas na kami ng kwarto at sabay kaming bumaba ng hagdan.

Nang makababa na kami nadatnan ko si Katelyn na naka simangot at hindi maipinta ang mukha. "Anong nangyari sayo? Para kang nautangan ng isang million." Tanong ko at umupo sa tabi nya. Nakaupo sa sofa kaya inakbayan ko sya.

"Nothing! Nalulungkot lang kasi ako kasi iiwan mo na ako. Baka makahanap ka na don ng bagong bff, at makalimutan mo na ako." Sabi nya at hindi parin nagbabago ang reaction ng mukha nya.

"Ano kaba kahit naman makahanap ako ng bagong kaibigan, ikaw parin ang nag iisa kong bff. Malabo ring mangyari na makalimutan kita dahil." Sabi ko at huminga ng malalim bago nagsalitang muli. "Dahil ikaw lang ang baliw kong kaibigan, nag iisa kalang na ganon, kaya di kita makakalimutan at lagi tayong mag e skype or mag chachat, at mamimiss kita ng subra pa sa subra. But goodbye for now."
Sabi ko at niyakap ko sya.
Niyakap nya rin ako at umiiyak sya, and i can't help but to cry also.

......

A/N: I hope you'll like this story, sorry po kung may mga errors and wrong grammar, comment rin po kayo if you want.
Thanks parin po sa nagbabas nito.

My Ideal Boyfriend Is A Bad boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon