chapter 7: Cutting Class

0 0 0
                                    

Zail's POV.

Buhay nga naman oh, parang life talaga bwisit.....

Kasalukuyan akong nag lalakad patungo sa Dean's office. Ano bang klasing skwelahan ito? Na late lang sa Dean's office agad? Napailing nalang ako ng nasa tapat na ako ng pinto ng office. Wooh! Lord bakit po ba ganito kasaklap ang bawat araw ko? Mabait naman po ako sa inyo ah.
Sabi ko sa isip ko.

Kumatok muna ako sa glass door at saka binuksan ito ng kaonti at sumilip. Nakita ko ang isang di katandaan na babae nasa 48 na yata ang edad nya, sya ata ang Dean dito.

"Yes miss? Come in." Sabi nya sakin at tumuloy naman ako.

"Good morning Madame!" Bati ko dito, kabado ako dahil diko alam kong anong ibig sabihin ng prof ko na may iba pa raw na dahilan.

"Good morning take your sit." Sabi nya habang may isinusulat.

"Do you know why you are here?" Tanong nya agad sakin at umiling naman ako.

"By the way I'm Ms Jonnalyn Colin, I am the Dean here, and if i am not mistaken you are Ms. Chamber?" Sabi nya at tumingin sakin.

"Ahm, yes ma'am." Sabi ko at kinakabahan parin ako.

Tumigil na sya sa ginagawa nya at tumuwid ng pagkakaupo. "Ipinatawag kita dahil......." Naputol ang sasabihin ni Ms. Colin ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang......... walang iba kundi ang lintik na manyakis na ito.

Walang emotion na tumingin sya sakin. Ano bang ginagawa nyan dito?

"Mr. Sebastian mabuti at pumunta ka, take a sit." Sabi ng dean at umupo naman itong manyak dito sa tapat ko.

Inirapan ko lang sya dahil di parin maalis ang inis ko sa ginawa nya kahapon. Tumingin sya kay dean at nagsalita ulit si Ms. Colin. "Ngayong nandito na kayong dalawa nais kong sabihin sa inyo na may nakakita sa inyo kahapon at nag post pa yung iba sa page ng school natin, sigiro alam nyo naman kung ano ang tinutukoy ko?"

Hindi ko alam kong ano ang tinutukoy nya kaya nag tanong ako. "No I dont know What you are talking about?, bakit hoh ako nadamay dito?" Tanong ko na nag tataka talaga.

Tinignan naman ako ng masama nitong si manyak.

Para namang nagulat si Dean. "Ms. Chamber I am talking about the since that you make in front of our school yesterday at marami ang nakakita sainyo." Sabi nya at kung hindi ako nag kakamali ang tinutukoy nya ay yung ano kahapon.

Kaya humarap ako dito sa manyakis at sakto nakatingin sya sakin, tiningnan ko sya ng masama.

"This is all your fault pervert!" Sabi ko sakanya na nang gigil.

Hindi naman ito kumibo at nakatitig lang sakin. Problema nitong hinay*pak na ito?

"So alam mo na kong ano ang tinutukoy ko ngayon Ms. Chamber? Kaya ko kayo pinatawag dahil una masyado kayong PDA at sa harap pa talaga ng maraming tao at sa harapan pa ng paaralan natin, at ikaw Mr. Sebastian sasagarin mo talaga ang daddy mo, dahil sa ginagawa mo, sigurado pag nalaman ito ni Carlos ipapatapon kana nya talaga sa New York, alam mo kung paano magalit ang daddy mo." Sabi ni Dean sa amin.

Magkakilala ba sila? Itong, si ugok ay ngumiti pa ng nakaka loko sakin.

"Tita ganon po talaga ang ginagawa ng mag syota. Sweet kasi kami! Diba babe?" Sabi nya at kumindat pa sakin.

Ano bang pinagsasabi nito kung batukan kaya kita jan ano?

Tinignan ko sya ng masama. "Babe? Ma...shsjsnaknbsjsks." Hindi nyo maintindihan noh? Bwisit kasing impaktong toh, takpan ba naman ang bibig ko.

Ngumiti sya sakin at pinandilatan ako ng mga mata, wow hah ako pa ngayon ang tinitignan nya ng ganyan, kung sipain kaya talaga kita jan hay*p talagang to!

"Tita wag nyo na akong isumbong kay dad, girlfriend ko sya kaya natural na yun." Sabi nya kay Ms. Colin. Kaya naman pala kasi tita nya.

Pilit kung inaalis ang kamay nya na naka takip parin sa bibig ko. Balak nya ba kong patayin?

Napailing nalang si Ms. Colin sa amin.

"Ah sige po tita mauna na po kami malilate na po kami sa next subject namin. Bye!" Sabi nya ulit ng hindi sumagot ang dean at hinatak ako palabas ng opisina habang nakatakip parin ang kamay nya sa bibig ko.

Kinagat ko ang kamay nya ng hindi nya parin inaalis ito mula sa bibig ko.

"Ahhhhh!!!! Sh*t!" Sabi nya na napakagat pa ng labi nya at hawak hawak ang isa nyang kamay na kinagat ko.

"Yan ang bagay sayo, manyak na, sinungaling pa,  bwisit ka!" Sigaw ko dito, at naglakad na pero hinila nito ang damit ko, kaya bumagsak ako.

Hindi sa sahig kundi sa maskulado nyang mga braso. huh? Pinuri ko pa talaga?

Agad akong tumayo ng maayos ng makabawi ako sa pagkabigla. "Bakit ba ang hilig hilig mong manghila hah? Saka pwede ba tantanan mo na ko! Kasi noong isang araw palang kita nakikilala pero puro sakit ng ulo napapala ko sayo!" Sigaw ko sa kanya.

May mangilan ilan ding studyante dito sa labas ng office, kaya agaw eksena kami ngayon.

Biglang somiryoso ang mukha nya. I don't know kong galit ba sya or what. Hindi ko nalang pinansin at umalis nalang ako.

Bakit ba ang malas ko? Nakaka buwisit talaga.

Nag cutting class nalang ako nakaka walang ganang pumasok, mag mo-mall  nalang ako, kailangan kong magpalamig dahil subrang init ng ulo ko.

____

N/A: Ito muna ang kaya ko, nag aaral pa po kasi ako. Salamat po sa nagbabasa..😙 mahal ko kayo..   

My Ideal Boyfriend Is A Bad boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon