Zail's POV.Hindi ako naka snack kanina ang dami ko kasing tinapos kailangan kasing maipasa yung activity na ginawa namin bago mag lunch kaya ayon, walang snack. Kasi naman groupings yun kaya lang sa kasamaang palad ang kagroupo ko ay yung tatlong ugok at hindi naman pumasok ngayong umaga.
Lunchtime na pero hindi parin nag papakita sakin si Clark kaya mag isa akong kumain sa Canteen, wala pa kasi akong kaclose sa mga kaklase ko.
Habang kumakain ako ay may babaing nag salita sa harap ko.
"Hello can i sit here? Wala na kasing bakanting upuan." Sabi ng babae. "Pwede po ba?" Tanong nya ulit sakin.
Mukha namang mabait. "Sure." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Napaka adorable ng kanyang mukha.
"By the way I'm Shayne." Pag papakilala ng babae, bagay sa kanya ang pangalan nya.
"I'm Zail." Sabi ko at nag kamay kami.
"Nice name 'how old are you Zail." Tanong nya ulit sakin. Ano ba ito reporter ang daming tanong akala ko ba ay makiki upo lang sya?
"19." Maikling tugon ko sa tanong nya.
"Oh! Ate pala ang itatawag ko sayo kasi 17 palang po ako. Pwede ba ate Zail nalang tawag ko sayo. At pwede po bang maging magkaibigan tayo?" Napaka daldal nito pero ayos narin to, mukha namang mabait.
"Pwede wala pa naman kasi akong gaanong kakilala dito." Sabi ko sa kanya kaya napangiti sya, nakaka tomboy naman to hanip sa ganda.
"You're transfferees?" She ask with a smile.
I just nod. "So pwede ako naman ang mag tanong?" She just nod habang kumakain.
"Anong year kana ba?" Tanong ko sa kanya."I'm 2nd year college and taking the BSBA course." Sabi nya at tumango nalang ako. "How about you you ate?" Tatong nya rin sakin.
"Fourth year na ako, and engineering ang ti-ni-take ko. Pero hindi ko talaga to gusto kasi gusto kong maging fashioned designer pero ayaw naman ng parents ko." I said nakatapos narin akong maka kain pero di muna ako umalis kasi may 23 minutes pa naman bago ang first subject ko ngayong hapon.
"Pareho pala tayo, kasi yon rin ang gusto ng parent namin, yung kuya ko nga napilitan rin lang." Sabi nya sakin. May kuya rin pala sya, siguro gwapo ang kuya nito dahil sya nga napaka ganda. "Pero ako nagugustuhan ko na lang yong degree na kinuha ko, No choice naman." Sabi nya pa.
I just nod at her. Natapos narin syang kumain. Kaya nag paalam na sya.
"Nice to met you ate Zail." Sabi nya at ngumiti ulit sakin. "Can i get your Cp number para textmate tayo." Sabi pa nito at kinuha ang cp nya, at nagpalitan kami ng number.
"Huwag mo lang ipamigay yan." Sabi ko na nakangiti.
"Don't worry ate hindi ko to ipapamigay." Paninigiro nya sakin. "I have to go ate, see you around" sabi nya at umalis na ng tumango ako sa kanya.
Ako naman ay nanatili pa ng ilang minuto bago nag pasyang lumabas ng canteen. Paglabas ko ay nasalibong ko yong limang ugok. Hindi ko na sana sila papansinin ngunit nagsalita si Justine.
"Hi miss suplada, kamusta yong Activity natin natapos mo na ba?" Tanong nitong ugok na to. Andito naman pala to sa Campus pero bakit di ito pumasok kanina edi sana may katulong ako kanina.
I smiled first. "So andito naman pala kayo bakit di kayo umattend sa klase? para natulungan nyo ko kanina." Sabi ko na pataray, nakaka bwisit kasi.
Tinaas pa nito ang dalawa nyang kamay. "Oh! Chill lang, ikaw naman namiss mo agad kami don't worry mamaya papasok na kami." Sabi pa nito ng pa cool. Ang kapal talaga nito.
