2. Disaster

26.6K 574 0
                                    

Napailing nalang ako ng maabutan kong nag-iingay na naman ang mga kasama sa kwartong inuupahan. Yes, purita lang ang peg ng bida niyo kaya nangungupahan lang ako. At ito ang nakakainis kapag nangungupahan ka dahil kelangan mong tiisiin ang kaingayan ng iba.

Paano kaya ako makakatulog nito ng maayos ang iingay ng mga ka boardmates ko? Kaasar.  Kung hindi lang napurnada sana ang pagiging yaya ko sa penthouse eh di nakalibre na sana ako ng matitirhan na bukod sa maganda ay tiyak tahimik pa.

Kinuha ko ang tuwalya at gamit pampaligo ko. Kailangan kong maligo para makatulog nang maaga at maghahanap ako ng trabaho bukas. Tamang-tama at linggo bukas wala pa akong klase.

Paalis na ako ng marinig kong nag ring ang celphone ko. Napakagat labi ako ng makita ang pangalan ni Miss Joni sa screen. Hindi kaya siya nagalit sa pagsagot-sagot ko sa kuya niya? Nagdadalawang ako kung sagutin ko ba o hindi pero sige na nga.

 

“hello Miss Joni napatawag po kayo? Pasensiya na nga po pala kanina sa nangyari.” Bungad ko agad. Mas mabuti na mag sorry agad para di mapagalitan di ba?

“It’s okey nag enjoy nga ako eh,. You could have seen Kuya Hit. He looks like he wanted to wring your neck. His expression is priceless” Sabi niya sabay tawa na parang may nakakatawa talaga. Ako naman ay napangiti ng mapakla sabay hawak sa leeg ko. Ano naman ang nakakatawa sa gustong pilipitin ng kuya nito ang napakagandang leeg ko di ba?

“eerrr… ganun po ba. Napatawag po kayo?” nasabi ko nalang dahil sa wala akong ibang maapuhap na sabihin. Isa pa ayaw ko ring pag-usapan pa ang nangyari kanina. Kumukulo pa ang dugo ko sa gwapong mukha ng antipatiko niyang kuya.

“actually I called because I’m offering you a job. I need a new helper in the house. You can move in my place and work on your vacant time” sabi nito sa kabilang linya.

“Miss Joni salamat po. Alam ko naman po na sinasabi niyo lang iyan kasi gusto niyo akong tulungan pero okey lang naman po ako. Salamat nalang po.” Nahihiya kong tanggi. Duda ako kung kailangan ba talaga nito ng panibagong katulong.

“yah I want to help you. Isa pa kinuha ni kuya Hit kanina ang isa kong katulong. Hindi iyon mabubuhay si Kuya Hit ng walang katulong. Dinala niya si Perla sa penthouse niya at kailangan ko ng ipapalit sa kanya. Kesa naman kumuha ako ng iba ay naisip kong ikaw nalang.” Sagot nito.

“Sure po kayo Miss Joni? Alam mo naman ang namagitan sa amin ng kuya mo kanina. Baka pag nalaman nun ehh totohanin niyang pilipitin ang leeg ko.” Gusto ko man sabihing payag na ako ay natakot naman ako sa kuya niya.

Paano kung galit nga talaga ito? Hindi naman namin maiiwasang hindi magkita pag sakaling dumalaw ito kay Miss Joni di ba? Paano kung pilipitin niya ang leeg ko? Eh di nagkandabali-bali pa ang bones ko sa leeg mabuti sana kong papakin nalang niya ng halik mas bet ko pa yun. ‘Haisst Emerald tumigil ka dahil tag-init ngayon hindi taglandi’ saway ko sa sarili ko. Kung anu-ano naman kasi ang pumapasok sa isip ko eh.

“Ako bahala kay Kuya. Isa pa sa akin ka mamasukan hindi sa kanya. So paano okay ka na ba mag start bukas?” tanong niya.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon