12. Mahal din Kita

24.7K 548 11
                                    

It was past eleven in the evening nang makauwi ako sa penthouse ni Hitler at gaya ng madalas na gawin ni Sir Nathan ay inihatid niya ako pauwi. Tampulan na nga nga kami ng tukso sa opisina na may relasyon kami ni Sir Nathan na madalas kong itanggi dahil sa nahihiya ako sa kanya. Madalas ko rin sabihin na may nobyo na ako pero ayaw  maniwala ng mg kasamahan ko dahil nga hindi pa naman nila nakita kahit anino ni Hitler.

“Hit, are you okay?” concern kong tanong sa kanya ng maabutan ko siyang tahimik na umiinom ng scotch habang naninigarilyo. I haven’t seen him smoke ngayon lang kaya nag-alala ako. I waited for him to answer pero hindi siya sumagot. Napakagat ako ng labi.

“Have you eat?” pag iba ko ngtanong but still no reply.

Patuloy lang siya sa pag-inom at  panigarilyo niya. Kung pwede lang sana ay kunin ko yung yosi niya at itapon pero natatakot akong gawin dahil sa hitsura niya ngayon. It’s the first time for a long time ika nga na makita siya sa kanyang nakakatakot na anyo.

I sighed in frustration. “May problema ba tayo?” tanong ko na hindi ko na itinago sa boses ang inis ko. Pagod na pagod ako sa trabaho tapos ito pa ang madadatnan ko.

“Go figure.” Walang gana niyang tugon na ikinakunot ko ng noo.

“Wala ako sa mood para manghula dahil pagod na pagod na ako sa trabaho ko para manghula pa sa tantrums mo.” Inis kong sagot sa kanya.

“Then stop fucking working.” Bulyaw niya. “My God Emerald tinalo mo pa ako sa dami ng trabaho mo. You are just a plain employee pero gabing-gabi na ang ang oras ng uwi mo. You are too occupied with your work. Kailan ka ba huling nanatili dito? When was the last time you cook for us? Kailan tayo huling nagkasabay kumain? I can’t even remember.”

 

Napakagat labi naman ako at hindi maiwasang hindi ma guilty sa mga sinabi niya. Tama naman siya na naging busy ako. Madami lang talagang ibinigay na trabaho sa akin ngayon na lagi kong tinatanggap dahil isa ako sa candidate para sa promotion kahit bago lang ako sa kompanyang iyon. Dahil doon ay halos wala na kaming oras sa isa’t-isa ni Hitler. Pag-gising namin sa umaga kung hindi siya ang unang umalis ay ako. Pagdating ko ay tulog na siya at ganun ang naging routine namin sa loob ng mahigit dalawang linggo.

“I’m sorry.” Hinging paumanhin ko sa kanya wala kasi akong ibang maisip sabihin sa kanya kundi sorry. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman niya iyon inalis at natuwa ako. I miss being this close to him na hindi na namin masyadong nagagawa dahil sa trabaho.  Naghintay ako ng sagot mula sa kanya pero hindi siya kumibo. I sighed. “what do you want me to do para bati na tayo?” paglalambing ko sa kanya.

“quit your damn job.” Sagot niya sa akin na naging dahilan para lumayo ako sa kanya.

“I can’t.” nanlalaki ang mga matang tanggi ko sa gusto niya. “Ayaw kong masayang ang pinag aralan ko. Nasabi ko naman sa iyo ito noon hindi ba? Uulitin na naman ba natin ito?”

 

“You can work in my company nang sa ganun makauwi ka sa tamang oras hindi ganito.” Suhestiyon niya sa akin na ikinailing ko.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon