Sa mga nagtanong kung may chapter 23-B ba,. wala po, nag error lang ang watty ko kaya kung anu-ano ang nangyari.
******************
Hindi ako mapakali habang kaharap ko ang mga magulang ni Hitler kasama si Penelope na kababata raw nito. Mukha ngang nagulat pa sila na madatnan ako dito at kahit ako ay hindi ko rin naman inasahang darating sila. Linggo ngayon at walang dapat na opisina si Hitler pero wala siya dahil nakipaglaro yata ng golf kasama ang mga kaibigan. Ang alam ko dapat kasama si Argon pero biglang ayaw na ni Asiana na sumama ito at dahil sa buntis ang kaibigan ko ay napapayag naman agad ang asawa. Nakakainggit nga si Asiana dahil kahit na medyo tumagal man na nag-buntis siya ay sobrang atensyon naman ang ibinibigay sa kanya ng lahat lalo na ni Argon na minsan man ay hindi ko naranasan kay Hitler noong dinadala ko si Garnet.
“Tawagan ko na lang po kaya si Hitler para hindi na po kayo maghintay ng matagal.” Basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin.
“Hindi na hija.” Agad na tanggi ng mommy niya. Mukha nga rin siyang hindi mapakali. “Mas mabuti na rin siguring wala muna siya para mas makapag-usap tayo ng masinsinan at magkaliwanagan.” Seryosong wika nito. Hindi ko alam pero kinakabahan na naman ako. “Sa totoo lang ay nagulat talaga kami na madatnan ka dito. Wala naman siyang sinabi sa amin na may kinakasama na pala siya. You and my son are living together right?” nagkukumpirmang tanong ng mommy niya. Hindi naman siya mukhang galit pero hindi rin natutuwa.
Hindi ko dapat na maramdaman dahil alam ko naman na hindi pa alam ng pamilya niya ang tungkol sa akin pero hindi ko talaga maiwasang hindi masaktan. Ibig sabihin lang ba talaga nito na wala siyang planong ipakilala ako sa kanila.
“Sa totoo lang po ay hindi ko na po alam kong ano pa ang tawag sa meron kami ngayon.” Matapat kong sagot.
Oo magkasama kami ngayon pero hindi ko na alam kong ano pa ang tawag sa relasyon namin. Hindi naman kami nagkikibuang dalawa. I mean, ako kinakausap niya pero ako hindi ko siya kinakausap. Galit ako sa panloloko niya sa akin. Galit ako sa lahat ng ginawa niya sa akin at sa pamilya ko at galit ako dahil parang preso na ulit kami ni Garnet dito sa penthouse niya. Oo ibinalik man niya sa akin si Garnet ay hindi naman kami makalabas.
“You two are having problems?” sabat naman na tanong ni Penelope. Nasa mukha din niya na masaya sa nalaman at parang hindi ko yata iyon nagustuhan. Nang tingnan ko siya ay masasabi kong beautiful is an understatement para idescribe siya. Alam kong mixed race siya dahil sa kulay ng balat at mata niya. Para nga siyang barbie doll na kulay blonde ang buhok.
“Parang ganun na nga.” Mahina kong sagot sa kanya.
“If that’s the case hindi na siguro kami mahirapan na kumbinsihin kang layuan ang anak ko.” Seryosong saad ng daddy niya na sa aming lahat ay siya ang mukhang kalmado.
“No offense meant hija, we don’t have anything bad against you. Nagkataon lang talaga na mas gusto namin si Penelope para kay Hitler.” Napayuko na lang ako sa sinabi ng mommy niya. Alam ko na dapat hindi ako masaktan pero bakit pakiramdam ko isang libong beses akong sinampal.
“Sa palagay ko ay hindi ako ang dapat niyong kausapin kundi ang anak ninyo.” mahina kong sagot. “Hindi ko naman po ipinagsisiksikan sa kanya ang sarili ko.”
BINABASA MO ANG
Hitler's Precious Emerald (SPG)
RomanceJust when Hitler and Emerald thought they are perfect for each other things started to fall into the wrong places. Hanggang saan tatagal ang pagsasama kung wala na ang pagmamahal? Sapat na ba ang anak para manatili kayong magkasama sa isang bubong...