6. Fresh na Fresh

22.6K 566 9
                                    

“so payag ka na talagang magpakasal kay Argon?” paulit-ulit na tanong ko kay Asiana simula pa kanina ng dumating ako sa eskwelahan matapos mabasa ang announcement ni Argon na ikakasal na sila ng kaibigan ko. Katatapos pa lang ng panghuling klase namin at uwian na.

Hindi ko alam kong maiinis ako o matatawa ako sa hitsura ni Asiana na parang diring-diri sa ideyang pakasalan si Argon. Hindi ko naman siya masisi. Minsan ko nang nakita ang lalaking iyon ng isama ni King Cobra sa penthouse at talagang hindi ito ang tipo ng lalaking gugustuhin ng kaibigan ko. He is not as handsome as Asiana’s jerk of an ex -boyfriend. Ni hindi nga nangalahati kung sa mukha pagbabasihan pero kung sa general na aspeto naman mas lamang na di hamak si Argon Montefalcon.

“NO and NO and a BIG BIG NO.” todo tanggi niya. “Dyosa ako ng kagandahan tapos sa isang hari ng ogre lang ako pakakasal? Salamat na lang.” she answered with a disgusted look on her face.

“ito naman kung makapanglait baka mamaya niyan sa kanya ka rin babagsak.” Birong-totoo ko. I really think na bagay sila ni Argon pang balance kung baga sa timbangan pa. Isa pa mas gusto ko pang si Argon ang makatuluyan niya kesa naman mapunta siya sa kung sinong tulad lang ni Nate.

“pwede ba Emerald tigilan mo nga ako at hindi ko papakasalan ang gorilyang iyon na kapatid ng kapre.” Medyo may inis na sa boses niya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil minsan lang kasi mainis si Asiana. She is always composed at pag si Argon ang pinag-uusapan there is always something in her that I don’t know what. “Kamag-anak ko mga diwata tapos siya pinsan ng mga unggoy. Maatim ba nang kagandahan ko ang pakasalan ang ogre na yun?” siyempre hindi. DUH.” Maarte niyang wika.

“ikaw ang sama ng ugali mo. Kung makapanglait ka diyan wagas. Ayaw mo lang sa kanya dahil hindi siya ganun kagwapo. Ang babaw mo.” Medyo naiinis na rin ako sa kanya. Kaibigan ko siya pero ayaw ko naman na nanlalait siya dahil lang sa pisikal na katangian ng tao.

“Anong hindi ganun kagwapo? Hindi talaga siya gwapo.” Wika nito na nakasimangot. “Atsaka hindi lang naman yun. Ayaw kong magkaroon ng mga anak na kalahating Dyosa  at kalahating kapre.” Mahina niyang wika pero abot sa pandinig ko.

Natawa naman ako sa sinabi niya.  “Hay ewan ko sayo masyado kang tumitingin sa panlabas na anyo. Mamaya niyan kainin mo lahat ng sinabi mo” pananakot ko sa kanya.

 

“Nasasabi mo lang iyan dahil wala ka sa sitwasyon ko. Ikaw kaya pakasal sa shrek na yun. Ano kaya mo? ” hamon niya sa akin.

I grinned at her. “Well, yes kasi pag siya pinakasalan ko di ko na poproblemahan magtrabaho.” Sagot ko sabay tawa. “Pero syempre hindi ako ang gusto niya kundi ikaw.”

 

“Ikaw siguro ang nawawalang anak ni mommy pareho kayong mag-isip.” Nakaismid niyang wika.

 

“I know right. Kung hindi ka pakakasal sa kanya paano ang utang niyo?” tanong ko maya-maya.

Bago pa siya makasagot ay may mga lumapit sa amin na kung titingnan ay mukhang mga bodyguard base sa mga kasuotan nito. Pinasusundo nito si Asiana dahil sa tambak na press na nag-aabang dito sa labas ng campus. Kung minamalas ka nga naman ay pinasama pa ako ni King Cobra.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon