Short Story.
Let's Break Up
Pagkapasok mo palang sa resto kung saan tayo magkikita, napanson ko na kaagad ang malapad na ngiti sa 'yong labi. Nakabakas din sa 'yong mga mata ang pag-aalala.
Hinayaan kong dampian ng labi mo ang pisngi ko at ni hindi man lang kita pinag-usog ng mauupuan. 'Di bale, hulit na 'to.
Nakatitig ka lang sa blangko kong mukha. Pinipilit mong maging Masaya kahit na ramdam ko na ang kabigatan ng 'yong kalooban. Kitang-kita ko ang pekeng pag-ningning ng 'yong mga mata na para bang sinasabi mong; Okay lang ang lahat
Nang tuluyan ka ng mapalagay sa 'yong kina-uupuan ay saka pa lamang ako nagsalita.
"Let's break up" sambit ko.
Mabilis kong nakita ang gulat sa 'yong mukha, at mabilis din 'yon napalitan ng pagtataka. Pagtataka na may halong kalungkutan, kalungkutan alam kong matagal-tagal mo naring nararamdaman.
"Bakit? T-teka, bakit break up?"
Naguguluhan mong tanong. Iniwas ko ang tingin ko saka kasabay ng mariin kong pagpikit.
"Maghiwalay na tayo."
Pag-uulit ko saka na ako tumayo. Ni hindi ko na nagawang sulyapan ka dahil gusto ko na kaagad umalis sa lugar na 'yon.
Patawad dahil kinailangan kong gawin 'to.
Patawad dahil hinayaan kong humantong pa tayo sa ganito
Patawad kasi hindi ako gano'n kalakas para isama ka sa buhay ko
Patawad kasi mahina ako
Patawad dahil hindi ko kayang ikulong ka habang ako'y wala na.
Wala na... gaya ng wala na ring lunas sa karamdamang aking iniinda.
Kaya maghiwalay na tayo. Maghiwalay na tayo dahil do'n panigurado kong may makakatagpo kang mas kakayanin kang pasayahin hanggang dulo.
Dahil ako... malapit na ako sa dulong 'yon at ayaw kitang kasama dahil gusto kong maligaya ka sa pagkakataong ako'y aalis na.
_______________________________________
ALL RIGHTS RESERVED
© COPY RIGHT 2017
YOU ARE READING
Sentient Compilation
General FictionDon't read the book by it's cover. Short Story | Spoken Word | Poem | Letter [SENTIENT COMPILATION] _________________________ ALL RIGHTS RESERVED COPY RIGHT ©2017 @ImRemus15