"Tayo Lang"
ni ImRemus15Maraming segundo, minuto, oras, araw, buwan at halos papunta na rin sa maraming mga taon pa... hanggang ngayon nandito ka pa rin.
Hanggang ngayon mga alaala mo'y nakatatak pa rin.
Mahal kita, salitang pinaulit-ulit kong bulong sa iyo dahil hindi ko ginagawang ipagsigawan sa maraming tao kung gaano kita kamahal.
Ayokong gumawa ng eksena sa gitna ng karamihan para lang masabi kong mahal kita, aanhin ko ba sila?
Props lang sila sa isang araw na pakulong iyon at kapag natapos na ang araw na iyon, wala na rin naman silang pakialam sa pagmamahalan nating dalawa.
Pabulong kong sinasabing mahal kita dahil gusto kong mas tayong dalawa ang nagkakaintindihan ng kung anong nararamdaman natin para sa isa't-isa.
Pabulong kong binabanggit ang mga katagang; 'Ikaw lang' dahil iyon ang gusto kong maisip mo sa bawat araw na lilipas ng hindi tayo magkasama.
Pabulong kong ipinararamdan.
Hindi dahil sa hindi kita maha,
Hindi dahil gusto kong magloko habang ika'y nakatalikod,
Hindi dahil sa ikinahihiya kita,
Hindi dahil sa gusto kong itago ang relasyon nating dalawa,
Hindi dahil sa ayaw kong mag-effort,
At lalong hindi rin dahil sa ayaw kong ipagsigawan ang pangalan mo,
Kundi dahil gusto kong Tayong dalawa lang.
Tayong dalawa malayo sa pagitan ng mga taong mapanghusga,
Tayong dalawa sa isang relasyon habang ang maykapal ang ating sentro,
Tayong dalawa na magbubuo sa bawat araw na darating,
Tayong dalawa lang mahal at sana wala ng magiging 'KAYO'
Dahil gusto ko Tayong dalawa hanggang dulo. TAYO lang.
_________________________
ALL RIGHTS RESERVED
COPYRIGHT ©2017
@ImRemus15
YOU ARE READING
Sentient Compilation
General FictionDon't read the book by it's cover. Short Story | Spoken Word | Poem | Letter [SENTIENT COMPILATION] _________________________ ALL RIGHTS RESERVED COPY RIGHT ©2017 @ImRemus15