Ikasiyam na Bahagi (Ang Pagtatapos)

641 18 4
                                    

Pero hindi na ngayon dahil nahanap ko na siya at ikaw yon !!

* Hindi ako ang hinahanap mo !! kaya pwede ba tigilan mo na to !!

* Hindi ba't sa nung una mo akong nakita ay nahumaling ka na kaagad saakin ? at hanggang ngayon alam kong gusto mo pa ako.

* Anong pinagsasasabi mo ? Nagkakamali ka ! Paano ko naman magugustuhan ang halimaw na tulad mo ?? Isa pa hindi ikaw ang Rafael na nagustuhan ko, Dahil ibang iba siya sayo !!

Nagulat ako sa mga nalaman ko, Magkahalong awa at takot ang naramdaman ko, Pero aminado ako na hanggang sa mga panahon na yon ay gusto ko parin siya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung mga panahon na yon, Pinilit kong maging matapang para sa sarili ko dahil alam kong magisa nalang ako at wala nang mag poprotekta saakin.

Lumapit saakin si Rafael at sinakal ako, Nung mga oras na yon alam kong handang handa na siya para patayin ako para makuha na niya ang gusto niya.

Ipinagpasa Diyos ko nalang ang lahat ng pwedeng mangyari... Nang biglang ....

* Rafael !!

May liwanag akong nakita sa sapa, At natigilan si rafael sa pagsakal saakin.

* Mahal ko tigilan mo na ito !! 

Biglang dumating si kristina kasabay ng napaka tingkad na liwanag.

* Kristina ?? ( Rafael )

* Oo rafael ako ito tara na sumama ka na sakin.

* Pero kailangan ko kayong buhayin at siya ang kaylangan kong patayin para mangyari yon !

* Hindi mahal tama ito ! Naipaghiganti mo na kami ng anak natin kaya tama na, Halika at sumama ka na saamin.

* Kristina !!

Naglakad papunta sa sapa si Rafael papunta sa kinalalagyan ng kanyang magina. Alam kong dun na nagtatapos ang lahat. Kitang kita ng mga mata ko kung paano nalunod si rafael sa sapa. Sinubukan ko siyang iligtas pero wala parin akong nagawa, Alam kong kasama na ni rafael ang mag ina niya. 

Inaamin kong kahit sa napaka iksing panahon na nakilala ko siya ay Nagustuhan at napamahal na siya saakin.

____

* Hayyy ikaw talaga nanjan ka nanaman sa c.r, ilang beses ko ba sasabihin na dito ka lang sa kama mo, sige na paliliguan na kita at basa ka naman na. (Nurse)

* lalalalalalala.... ( Trixie )

* Ang ganda mo sana kaso baliw ka naman.

--- Nabaliw si trixie matapos ang mga nangyari, 2 taon siyang nasa mental hospital dahil nagwawala siya na para bang meron laging gustong pumatay sa kanya. Pero makalipas ang 2 taon inilipat na siya sa bahay nila at may sarili siyang nurse na nagbabantay sakanya, dahil naniniwala ang mga magulang niya na makakarecover pa siya at babalik ulit sa dati.

Ang mga kaibigan ni Trixie na sina Paolo, Alder, Sandra, Stephanie at nicole ay natagpuang patay sa ilalim ng sapa. Nawala naman na parang bula si Rafael.

Ang mga nakikitang tao ni trixie! Ang lola ni rafael at mga kapit bahay ay guni guni niya lang lahat, Dahil matagal nang abandunado ang lugar na iyon.

Simula noon wala nang lumapit o pumunta sa lugar na yon, kahit na kailan.

Balete sa Sapa [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon