Oh Sehun's

1.3K 60 32
                                    

Author's Note:

Namiss nyo ba si Sehun? Ako rin HAHAHA. Anyway dahil level up na ang relasyon *namin* ay level up na rin tong chapter na to haha. Namiss kong mag-update ng OSHW pero ayokong itorture ang sarili ko pag gumawa ako ng Book 2 LOL. Masyado nang mahaba ang OSHW kaya di ko na to dinagdag dun. Anyway MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG READS, VOTES, AND COMMENTS. Akalain nyo nga naman, umabot tayo sa 1 Million. Nung sinusulat ko pa lang ang OSHW masaya na ako kahit 3 votes lang ang meron (kasama pa ako dun ha XD) pero ngayon.. basta thank you ng marami. Mahal ko kayo <3

-Jihwanxxi

--

Alas onse na ng gabi nang makauwi ka galing trabaho. Dumiretso ka sa kwarto nyo ni Sehun para magbihis at nadatnan mo syang natutulog. Suot pa rin nya ang panglabas nya kaya alam mong nakatulog sya sa paghihintay sayo.

 Suot pa rin nya ang panglabas nya kaya alam mong nakatulog sya sa paghihintay sayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinaplos mo ang malambot nyang buhok at hinagkan sya sa noo. Maya-maya ay naalimpungatan sya at lumapit sayo.

"Namiss kita Aegi. Ang tagal mo naman" Reklamo nya habang pupungas-pungas.

"Kumain ka na ba? Nasan ba yung anak natin?" Tanong mo nang mapansing tahimik na ang bahay pagdating mo.

"Oo na alam kong magagalit ka kapag hinintay pa kita. Si Jihoon nasa kwarto nya tulog kasama si Vivi" Sagot ni Sehun.

"Aegi, anong iniisip mo?" Pagkuwan ay tanong ni Sehun habang yakap ka.

"Kung gano ka kahirap makuha" Namutla sya at lumayo sayo.

"Tapos ano? Nagsisisi ka ba? Ayaw mo na ba sakin? Iiwan mo kami ni Jihoon?" Sunod-sunod na tanong nya. Bahagya ring tumaas ang boses nya. Pero kilala mo na si Sehun. Alam mong di sya galit pero abot langit ang kaba nyang iwan mo sya. Natrauma nga ata.

Umiling ka. "Iniisip ko lang kung sino ang makakatuluyan ko kung sinukuan kita agad" Biro mo pero dahil si Sehun ang kausap mo, sineryoso nya ang sinabi mo.

"What the fuck?!" Halos maputol ang litid nya dahil sa lakas ng sigaw nya.

Nanlaki ang mata mo. Ngayon totoong galit na talaga ang asawa mo. Napasentido ka nang bigla syang lumabas at binalibag ang pinto.

Bumuntong-hininga ka at sinundan si Sehun. Hinanap mo sya sa taas pero mukhang wala sya dun kaya naman napagpasyahan mong hanapin sya sa baba. Nadatnan mo syang nakahalukipkip at nakatingin ng diretso sa tv habang prenteng nakaupo sa sofa. Parang gusto nyang patayin yung mga bida sa klase ng tingin na binibigay nya. Mukhang di ka pa nya napapansin kaya dahan-dahan kang naglakad palapit sa likod nya at niyakap sya. Pagkatapos ay hinalikan mo rin ang pisngi nya.

"Jagi, sorry na"

"Okay lang" Walang lingon-lingong saad nya. Nakita mong pasimple nyang pinunasan ang gilid ng mga mata nya at bumaling sa kabilang direksyon. Binitiwan mo sya saglit at siniksik sya sa sofa at niyakap.

OH SEHUN'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon