Pigurin

16 1 0
                                    


Nagsimula ang lahat sa isang tingin

Nakatitig sa isang kabigha-bighaning pigurin

Detalyado

Perpekto


Unang beses pa lang kita nakita

Hindi na matahimik ang kaluluwa

Tulala sa umaga

Gising sa magdamag

Nabibighani sa ganda

Sa malayo ay nagmamatyag


Hindi ko lubusang maisip

Na dadating ang araw na ika'y mapapasakin

Laging sa direksyon mo nakasilip

Di mapigilan ang sigaw ng damdamin


Madami ng nakaaway

Lahat ng lait ay tinanggap

Mga problema ay nagkasabay sabay

Para lamang makuha ang piguring pinapangarap


Sa isang kwarto

Nagmamatyag sa malayo

Humahanap ng tiempo

Isa dalawa tatlo


Ilang beses tumakbo

Ilang beses hinabol

Pawis at dugo

Isang iyak ng sanggol


Ngayon na nasa akin ka na

Hindi ka na muli makakawala

Nagsimula sa isang tingin

Nagsimula sa isang sigaw

Ang piguring nakalawlaw


Ang pinapangarap

Nakuha sa isang kurap

Sigaw ng pagmamakaawa

Isang piguring walang kawala


Lumipas ang matagal na panahon

Ng makita ka sa tabi ng balon

Panibagong istorya

Panibagong pigurin

Pinapangako ko na ikaw rin ay mapapasakin

Nagsimula sa isang tingin

Nagsimula sa isang sigaw

Natapos sa isang kurap

Ang aking panibagong pigurin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PigurinWhere stories live. Discover now