1

591 8 1
                                    

Syempre san pa ba magsisimula yan? Sa simpleng "hello" diba?

Ako nga pala si Hannah Catleya.

At ikukwento ko sa inyo ang "masaya" kong lovelife :-)

Kaka galing ko lang sa isang madugong relasyon.

Bakit madugo?

Wala lang. madugong puso ganon. Sobrang sakit eh.

Pagkatapos nun wala na kong inisip kundi sarili ko na lang.

Medyo matagal na naman kaming nag break mga 2 years na nakakalipas ganon.

Sinubukan rin namin ang LDR.

Kaso ewan ko ba kung bakit ang tagal tagal ko bago maka move on?!

Sobrang loyal ko ata kasi?

Minsan nag chachat pa rin kami, for the last time umasa pa rin ako na sana for the nth time mag work na tong relasyon na to.

Ako na nga una nag-aya ng date eh.

Wala na kong pake.

Kaso ano? Ako pa yung na reject.

Ayaw ba naman magpakita sakin.

Kung hanggang sa text at chat ka lang rin naman magaling eh bakit pa ko magsasayang ng oras sayo?

Diba ang saya?

Kaya ayun nag move on na ko ng todo todo todo.

Ano pa bang ginagawa sa mga ex diba dapat kinakalimutan na?

Hanggang sa... isang araw...

Galing akong school non... pagkauwe ko sa bahay biglang may nagchat sakin...

"Uy? San ka galing? Nakita kita sakay ka sa jeep kanina"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uy? San ka galing? Nakita kita sakay ka sa jeep kanina"

Hindi pala sa hello nagsisimula... sa uy pala!!! Haha...

Uy uy uy.. uy ka rin...

"Kuya JM! Galing ako school kanina kakarating ko lang dito samin. San parte? Hindi kita nakita ah! Dapat tinawag mo man lang ako"

Maka kuya ako eh, medyo magalang hehe. Bait ko. Mabait naman talaga ko... kaya siguro ako niloloko? Minsan napapaisip na rin ako.. Mabait ba o sadyang tanga lang???!

Yan si Kuya JM... magkakilala na kami simula high school pa lang kami... friends kami ganon pero hindi close..pumunta ako sa Singapore kasi andon parents ko eh... medyo matagal din ako don at kakabalik ko lang sa pinas para mag second courser.. hindi sya yung ex ko ah.. wala na yun erase erase na.

Sa pagkakaalam ko may girlfriend tong si Kuya Jm.. kaya syempre... Patay malisya ako at hindi nag assume kung ano bang meron sa chat nyang yon. Inisip ko na lang, friends kami, nangangamusta sya at nabigla sya nakita nya ulit ako pagkalipas ng mahabang panahon...

"Andito ka na pala ulit sa pinas?! Kelan pa? Sakay ako sa motor ko, binusinahan pa nga kita eh"

Bingi ba ko o bulag? Kasi wala talaga ko napansin eh.. o baka naman lumilipad na naman ang utak ko.. o baka tulog.. nakakaantok kasi mag jeep diba? Mainit tapos tanghali pa non..

Nagtuloy tuloy ang chat na yon...

Sinabihan ko na yung pinsan ko na si Mirela Joyc

"Hey couz, kilala mo si kuya JM? Diba may gf yon? Chinachat ako eh"

Omeged bakit ko ba naman kasi nireply?

Ayoko lang naman kasi maging snob :-(

"Kakabreak lang ata"

What??? Stalker mode alert... TURNED ON

Sinearch ko name nya sa fb, fortunately friends kami kaya madali lang mang stalk... at nakita ko nga kakabreak lang nila..

Pero patay malisya pa rin ako.. ayoko mag assume.. ayoko... Wala akong apake. Friends kami tapos!

*Please mag vote kayo at magcomment para mas mapaganda ko pa tong story na to hehe THANK YOU GUYS!! Enjoy reading!!

Nasaan Ang Salitang "Tayo"?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon