3

302 6 0
                                    

Tenenen ten tenenen ten tenenen ten ten...

Ayan tumatawag na naman sya..

"Hello? Asan ka? Andito ka na ba? Nasa sport source lang ako"

"Sige. May bibilhin lang ako"

Hahahahah! Ayan assuming kasi teh!

"Ahhh. Sige sige kita na lang tayo"

"Han. Sino yan ha? Naku naku.. boypren mo no?" Sabi ni Angel, classmate ko

"Oonga?! Pakilala mo naman kami" sabi ng mga classmates ko

OA naman ng mga to.. hindi ko boypren.. asa pa ko no.. walang mangyayaring ganon.. friends lang kami friends..

"Tumigil nga kayo.. magkaibigan lang kami no.. pero sige pakilala ko kayo pag nagkita na kami"

"Aysus! Talaga lang ha" sabi ni Angel

Nagtingin tingin na lang kami ng shoes..
Grabe ang mamahal naman no..
Wala kong allowance para dito..

Naglakad lakad kami sa SM..
Window shopping..
Ganon naman madalas diba..
Palipas oras lang..
Haha..
Kung mayaman lang sana ako..
Nagshopping na ko..
Hindi naman porket galing ibang bansa mayaman na...
Minsan.. mas mahirap pa nga buhay don eh..

Lakad lakad..
Isa isa ng umuwi mga classmates ko..
Kami ni Angel na lang naiwan..
Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita ni JM.. asan na ba yon? Niloloko lang ata ako eh..

"Asan na yung....

Habang nagsasalita si Angel nag ring yung phone ko..

"Hello Hannah asan ka?"

"Dito lang sa ground floor kasama si Angel, umuwi na yung iba naming classmates eh. Pauwi na rin kami"

"Sige puntahan kita.. andito rin ako sa ground. San tapat ka?"

"Uhmm. Dito sa tapat ng Shapes"

"Sige.."

Mga 2 mins din yon.. nagkita rin kami....!!!!

Suki ata to sa SM..

"Kuya JM!!! Hello!!! Kamusta?! Long time no see!"

"Ikaw ang kamusta andito ka na pala ulit. Akala ko joke lang eh. Andito ka na pala talaga"

"Oo last last month lang.. eto nga pala si Angel classmate ko.. Angel si Kuya JM"

"Kuya talaga ha?! Haha" Angel

"Oonga eh.. eto talaga si Han pinapatanda ako. San kayo?" JM

"Uuwi na. Kayo ba? Date muna kayo? Haha" Angel

Ang awkward ng feeling ko.. ayokong umalis si Angel.. ayokong maiwan mag isa kasama si JM.. hindi ako komportable..

Kaso bigla na lang humiwalay si Angel at nagpaalam....

"Una na ko ah.. Bye! JM ingatan mo si Han namin ah!" Angel

Loka talaga tong si Angel..
Wag ka umalis please!!!

Along the way ang bahay ko sa bahay ni JM.. kaya pwede kaming mag sabay..

Ngayon kami na lang ni JM magkasama.. omg ano na..
Hindi talaga ko komportable.. hindi naman kasi kami close.. ano ba yan.. haaay.. ang bango nya..

"Ahm.. so pumunta ka talaga ah" sabi ko

"Oo. Diba sabi ko sayo pupunta ko. Bakit? Akala mo ba hindi?"

Nasaan Ang Salitang "Tayo"?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon