4

210 4 0
                                    

Nagtuloy tuloy na ganon

Magkatext kami

Magkachat

Magkatawagan

Pumupunta sya sa school ko

Tapos

Nung sumunod na week...

Umuulan non...

Paglabas ko ng gate namin sa school may nakita akong kotse na black na Civic

Nakapark sa may gate...

Nagbukas ako ng payong.. at biglang may tumawag..

tenenen ten tenenen ten ten..

Si JM!!!

Ang siga talaga... akala mo naman sya may ari nung school...

Tumawag sya sakin at sinabi na sumakay na daw ako, sya daw yung nasa kotse na nakapark sa harap.

Kasama ko mga kaklase ko...

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi...

Hindi ako sumasakay sa kotse ng iba..

Lalo na kapag lalaki...

Ewan ko, ganon ako eh...

Sabihin ng pakipot or kung ano... pero hindi talaga ko komportable...

Kaya sinabi ko hindi na lang magjejeep na lang ako...

"Hindi na Kuya mag jejeep na lang ako, kasama ko naman si Sheena eh" sabi ko sa kanya

END CALL

Bigla na lang nya binaba at maya maya bumaba na lang sya sa kotse...

Nakaputi na shirt at naka maong shorts na kupas.. uso ba yun? haha

Nataranta na ko... habang papalapit sya.. nagpapabasa sa ulan..

Kinakawayan ako at sinasabi "Tara na. Sumakay ka na. Lakas ng ulan oh"

Hindi ako nakatanggi..

Andon na sya eh.. Nabasa na ng ulan.. at marami na rin nakakita..

Papansin lang? Pa showbiz? Parang movie...

"Sheena anong gagawin ko?" Bulong ko kay Sheena.

"Sumama ka na, go!"

"Ayoko.. Samahan mo ko please?"

Pinilit ko siyang sumama...

At pag lapit ni JM..

"Ano tara na?" sabi nya sakin

"Ahm.. okay lang ba kung kasama si Sheena?"

"Oo naman walang problema"

Magkasama kaming tatlo..

Kaso... pag hatid namin kay Sheena kaming dalawa na lang..

Nasa passenger seat ako... habang sya sa driver seat...

Kinakabahan.. Nalilito.. sari sari na naramdaman ko..

Hanggang sinabi nya yung mga ayaw nya sa babae..

Ayaw nya ng ganito ganyan...

Ako naman.. parang .. ano? anong pinagsasasabe mo? Bakit mo sinasabi sakin to?

Hanggang ngayon wala pa rin alam no.. o ayaw lang talaga na pansinin...

"Ayaw mo ba ng pogi na boyfriend?"

Haha don talaga ko na pa wow.. binibigla nya ko sa mga ginagawa at sinasabe nya..

Na speechless na lang ako..

Sino ba naman kasing makakapagsalita ng ayos pag pogi ang kaharap..

Hinatid nya ko sa bahay..

Mas lalo akong kinabahan..

Kasi.. wala pa ko pinapakilala sa mga relatives ko kahit isa.. kahit ex ko..

Wala pa kong nadadala sa bahay na yon..

Nakita sya ng strict, old school, matapang at prangka kong lola..

Pinapasok sya sa bahay namin..

Sobrang kabado ako...

At yun.. pinagsabihan sya..

Wag na daw akong lapitan...

Wag na daw akong ihatid..

Wag daw akong liligawan...

Feeling highschool lang ang peg..

Dito na ba matatapos?

Hanggang dito na lang ba?

Nasaan Ang Salitang "Tayo"?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon