tenenen ten tenenen ten tenenen ten ten
Ayan hindi pa natatapos ang gabi..
tumawag na siya..
"Hello! Gising ka pa?" sabi nya
"Matutulog na..."
Ayoko makipag usap sa kanya..
Grabe no pinagsabihan na nga siya.. tumawag pa rin..
At naaalala ko lang yung sagot niya nung tinanong siya ng lola ko kanina
"Gusto mo ba ang apo ko?"
"Friends lang po kami" sbi nya
AWCH!!
SHAKET!!
joke hehe
Sabi ko sa sarili ko.. kung gusto naman nya ko hindi naman nya itatago un diba?
kaya siguro wala lang talaga..
"Hindi maalis sa isip ko yung mga sinabi sakin ni lola mo"
"Alin dun?"
"Gusto naman kita eh"
WHATTTTTTTTTTTTTTT??!
gusto nya daw ako guys!!!!
lokohan?
"Nagbibiro ka ba?"
"Naiintindihan ko naman sila, kaso pede pa naman siguro tayo magkita diba? kasi friends naman tayo diba?"
oo???? ewan? ano ba?
"Siguro.. hindi ko alam.."
"Puntahan kita sa school mo ah bukas sabay tayo mag lunch"
halaaaa?! noooo.. gusto ko sumunod sa lola ko..
kasooo..
kasooo... wala rin ako nagawa
"Bakit?"
"Wala lang, bawal ba? Libre mo ko. Hehe"
"Grabe sya oh.. ako pa talaga manlilibre? Hindi naman siguro"
"Sige kita tayo ah"
END CALL
Umaga na....
10am klase ko...
Bigla sya nagtext..
"Goodmorning! Anong oras ng pasok mo? Sabay na tayo. Papasok rin ako eh"
"Ano ba oras ng pasok mo?"
"1 pm pa..."
"10 am ako eh.."
"Sige sabay na tayo.. kita tayo sa paradahan ng jeep ah?"
hindi na ko nagreply... grabe na to ayoko na.. sa iba na talaga papunta to..
kaso pag dating ko sa may paradahan..
andon na siya..
naghihintay..
nakatayo sa may poste..
naka shades..
hahah may ganito bang lalaki na nagjejeep talaga?
"Hannah!.."
Tinawag nya ko..
"Kuja Jm!.. Ahm ano.. nakashades pa talaga ha?"
"Oo ang init eh.. Jeep na lang tayo kasi ayaw mo naman sumakay ng kotse eh"
HAHAHAH..!
kiligin ba tayo dito??
BINABASA MO ANG
Nasaan Ang Salitang "Tayo"?
RomanceNLR o No Label Relationship Biktima ka rin ba ng No Label Relationship? Share mo story mo! Just leave a comment anywhere in this story! :-) Bakit nga ba may mga taong mas pinipiling maging single na lang? May pag asa pa bang maging kayo ng ka NLR m...