La la la, sitting in a bench K-I-S-S-I-N-G, pagkanta ko di ko pa sure kung tama ung lyrics. Bakit ba hahaha nakakairita kasing tignan ung mga ganung tao.. Nasa public place tapos kiss ng kiss ung torid pa, yucky..
Hmm, nilibot ko nalang ung tingin ko, pinagmamasdan lahat ng dumadaan at nakakainis lang dahil puro couple nakikita ko, nananadya ba sila. May couple na naka hhww, naku! Ang sarap putulin ng mga kamay. Tapos may couple pa na medyo may edad na, and guess what, hahaha magkakbay sila tapos may couple pang naghahabulan habang may hawak na ice cream, natunaw na ung ice cream ate at kuya, sayang ginawa niyo lang na props ung ice cream.
By the way, tama na nga muna, sobra na akong nabibitter. Nagpakilala na ba ako? Well I think hindi pa. So I am Eris Lovely Natividad. The name Eris was derived from Eros which means love and other name of the god of Love–cupid. I was wondering bakit hindi Athena ang ipinangalan saakin dahil ang ganda ko kaya, well cut the crap, no one sees my beauty anyway. But hell naiinis ako bakit ganun pangalan ko, given the fact na maganda naman pero Ewan, nabibitter ako, duh! Eris na nga kasi may Love pa, nung nabuo ata ako punong puno ng pagmamahal ang mga magulang ko, kaya lang wala eh, kahit pa punong puno sila ng pagmamahal eh sadyang wala talagang forever. Ayun nung two years old daw ako iniwan kami ni Papa, sabi magtatrabaho pero iba pala ang ginagawa ayun nangbabae, Kayla nauwi sa hiwalayan. Kaya ayoko sa love love na yan eh. Kapag sumugal ka, at puso mo ang taya asahan mo nang matatalo ka.
"because it's part of love, you can't take away pain from love. It comes in pair, love and pain. "
Napalingon ako sa likuran ko, only to find no one. Mukhang guni guni ko lang un, pero ang clear kasi ng pagkakasabi eh. Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagmamasid sa mga couple dito, maghihiwalay rin kayo promise.
"maybe they will, but remember it has a reason. Maghihiwalay sila dahil hindi sila ang nakatadhana"
Muli akong napalingon sa likuran ko, pati na rin sa gilid ko pero wala I find no one. Ako lang ba nakarinig nun? Am I getting crazy? I shook my head with that thought. Never mind that Eris. It was nothing.
"yes, it's something"
Napalundag ako ng biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko, saan galing to? Palapit ito saakin at ang cool niyang tignan. He's wearing a white long sleeves na nakalislis hanggang sa siko tapos naka black maong pants siya at black sandals? He's wearing a simple outfit but it suits him very well, idagdag mo pa ung nakakatunaw niyang ngiti, yung buhok na kulot at parang nagkukulay Ginto pagnasisinagan ng araw tapos ung mata niya na parang nangungusap at kulay azure. Over all perfect. Nakatitig lang ako sakanya habang papalapit siya.
"you know, staring is rude. "
I snap out of it too late, di ko namalayang nakatitig na pala ako sakanya, which is I totally hate.
"I'm not staring " I answered back only to cover up what just I did. I'm full of embarrassment.
Nanahimik nalang ako at hinayaan siyang nakaupo sa tabi ko. Well, bitter lang ako hindi madamot.. I can share seats with him since wala nang bench ang available ngayon dito sinakop na lahat ng lovers.
"I think you have a very different definition of love, sobrang bitter mo" he said out of the blue na ikinagulat ko. How did he know.
"Hindi porque, iniwan ka, sinaktan or nasaktan Hindi ka na pwedeng Mag Mahal. Sometimes humans make the same mistakes. Nasaktan Lang sila, sobra sobra na kung isumpa ang love, they can't see what are the benefits of getting hurt, all they want is love and happiness. They're being greed of love. "
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, is he trying to start a conversation with me? At ang napili pa niyang topic eh love?
"you've been hurt, but it doesn't mean you don't deserve to be loved. Because everybody deserves to be loved. " Sabi niya ulit. And this Time sinagot ko siya.
"may mga tao kasing kapag nasaktan, Hindi lang ung puso ang nasira, pati tiwala nawala. Kaya Hindi mo rin masisisi kung may mga taong mas piniling Wag mag mahal dahil pag sumugal ka, talo ka.. Hindi lang puso ang mawawala, lahat lahat mawawala. " sagot ko naman.
Nakita kong napangiti ito ng bahagya at saka tumingin saakin.
"katulad mo? Nasaktan ka ng Papa mo nung iniwan niya kayo at nasaktan ka rin nung iwan ka ng boyfriend mo, kaya ba hindi mo na kayang magmahal ulit?" Sagot nito na ikinagulat ko. Paanong alam niya un? Wala akong pinagsabihan nun. Kami lang ni mama ang may alam.
"alam ko lahat ng tungkol sayo Eris, nakakagulat man pero totoo. "
Muntik nang kumawala ung puso ko, sino ba talaga siya? Isa lang naman siyang Random stranger na nakiupo sa tabi ko at biglang nagkuwento about love na yan.
"s-sino ka? Bakit kilala mo ko? At bakit alam mo ang tungkol sa Papa at ex ko? "
He just gave me a sweet smile then stood up.
"wait, I'm asking for your name. " I said dahil mukhang Aalis siya nang hindi sinasagot tanong ko.
"I'm Eros"
So, that's why he talked like a love expert.. Porque nakapangalan din siya kay cupid he can already talk about love so lightly.
"I am not talking about love so lightly, and to tell you I am cupid. I'll answer your questions when we meet again " napanganga ako sa sinabi niyang un at mas kinagulat ko eh bigla siyang naglaho sa harapan ko. Is this a sort of magic? Witch craft? Or I'm just insane?
Oh, the most acceptable reason is I'm just insane. Namamalikmata lang siguro ako.. Tama. It was all nothing Eris, forget about it.
---
09/24/17Eris at the media file... ====>>>
BINABASA MO ANG
Finding Amore
General FictionMinsan na akong nag mahal at nasaktan, Kung kaya sa pagkakataong ito Mas pipiliin kong hindi mag mahal Para hindi na muling masaktan pa. Sa pagkakataong ito sarili ko naman ang iisipin ko. Pero... Hindi ko inaasahan sa pagkakataong ito, Sa m...