Pagulong gulong ako sa kama, Hindi mapakali buti nalang nga Hindi ko nasisipa si mama baka mahulog.
"Eris " napabalikwas ako ng bangon at saka sinamaan ng tingin ang lalaking nasa may pintuan ng kwarto ngayon.
"anong ginagawa mo dito? " tanong ko sakanya sabay hila sakanya palabas ng kwarto dinala ko siya sa kusina para Hindi kami marinig ni Mama.
"I'm here to plan with you." he said.
Kumunot bigla ang noo ko, magpaplano lang gabi pa? Ang galing talaga nito.
"pwede namang sa umaga nalang. " bored na sagot ko.
"hoy! Pumasok ka na nga ng walang paalam dito, tapos kakain Ka pa? Aba abuso ko na ha." sermon ko sakanya binuksan niya kasi yung ref tapos kumuha ng isang bar ng chocolate. Sayang din yun no.
Ngumiti lang siya saakin habang kumakain. Hinitay ko nalang matapos kumain yung glutton.
"so, tapos ka na ba? " tanong ko nang maubos na niya yung chocolate kaso di siya sumagot at saka binuksan ulit yung ref at kumuha ng chocolate ulit pero this time inagaw ko sakanya yung chocolate.
"ikaw! Abuso ka. Ano bang paguusapan natin? " nakapamewang kong sabi.
"tsk, ang damot mo. Basta dalhin mo nalang si Wendy bukas sa bahay ko. Mag dala Ka ng books.." sabi niya saka nag disappeare ulit. Yun lang pala sasabihin nakikain pa.
"By the way! Mag dala ka rin ng pagkain! "
Nagulat ako sa pagsulpot niya ulit sa harapan ko kaya medyo Napa atras ako. Ilang minuto lang eh nawala ulit siya. Naghintay ako ng ilang oras baka kasi bumalik siya pero Hindi naman na siya bumalik pa kaya pumasok na ako sa kwarto ni mama para matulog.
Kinaumagahan, inayos ko lahat ng gamit ni Wendy habang hinihintay siyang matapos maligo. Inaayos ko na din yung pagkain na request ni Eros A. K. A Glutton...
"anak, saan mo dadalhin yang pagkain na yan?" takang tanong ni mama.
"ahh, meryenda lang po namin Mamaya ni Wendy. " palusot ko nalang. Hindi naman na sumagot si Mama.
"ate Eris, tara na? " yaya saakin ni Wendy. Agad naman akong sumunod sakanya palabas ng bahay.
Pagdating namin sa 'kuta' ni Eros naabutan namin si Peter na naglalaro sa cellphone niya samantalang ung isa naman nakahiga sa sofa habang kumakain ng mansanas.
"Oi! " bulyaw ko sa nakahigang Prinsipe na hindi man lang kami tulungang magbitbit.
"Hehehe anjan na pala kayo " sagot nito habang palapit saamin. Tinaasan ko nalang siya ng kilay sabay abot nung mga librong dala ko.
"umpisahan na natin" nagulat ako sa biglang pagsalita ni Peter pero hindi ko pinahalata iyon bagkus umupo ako sa sofa at binuklat ang isang libro para tutoran sila.
"okay get your pens and —" I stopped in mid-sentence dahil mukhang wala akong Kausap. And I was right! Wala sila sa tabi ko instead nasa dinning at kumakain. Akala ko ba uumpisahan na namin?
I was just staring at them imagining myself holding a knife torturing them. Huh! Ang sarap niyo kataying tatlo..
"just join us here, stupid"
Nabitawan ko ang hawak kong libro nang marinig ko ulit ang nakakarinding boses ni Eros sa utak ko.
I walked towards them at saka padabog na umupo at kumain, nagkukwentuhan pa silang tatlo habang ako busy sa pagkain. I'm too pissed sakanila and I don't know why.
After eating thank God! Dahil kusang nagbukas ng libro ung dalawa at tahimik na nagaral. I think kaya naman nilang magaral ng sila Lang so I just make my self comfortable in the sofa and opened my phone.
"hey, come with me. " Eros motioned me to follow him so sumunod nalang ako.
"here" inabot niya saakin yung blue book at kinuha ko naman yun.
Alam kong itong dalawang bata ang imamatch namin pero I was curious kung bakit so the answer is here so I just opened it.
Wendy Sanders
Is it possible to fall in love at a very young age? Yung tipong eight years old palang ako pero sobra sobra na ang lakas ng tibok ng puso ko. I am always nervous in front of him! Eto na ba yung tinatawag nilang puppy love?! Will this feeling will last?
HAHAHAHA. Kid grow up first before falling inlove. Paglaki mo saka mo makikita Kung gaano ka panget ang magmahal.
Peter Davidson
I can't help but smile. Everytime she talks to me I can't explain but I can feel butterflies in my stomach. Ang cute cute niya pag nauutal siya pag nagsasalita. Ang cute niya tignan lalo na pag nahihiya. Gustong gusto ko siya kasama. Hahaha but we're still too young. Isn't it too early to feel this?
HAHAHAHA. Gaya ng sabi ko bata grow up first and see the pain of being inlove baka mamaya masuka ka pa pag makakita ka ng love birds.
"ikaw ba pinaglihi ka sa ampalaya? " -Eros
"shut up"-me
"Hahahaha! Maski sa bata ang bitter bitter mo! "-Eros
-_-||-_-||
"like the hell you care? " sagot ko sakanya.
"of course I care! Nakasalalay sayo ang tadhana ko!" sigaw nito.
Tumingin ako sakanya at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.
Hindi ko aakalaing may tadhana ka rin pala kupido.
"hey! Stop that! Mukha kang baliw. " nakakunot noong sagot nito.
"not as crazy as you. " sagot ko. "Kung
Saakin pala nakasalalay ang kapalaran mo, well then ako magdedecide whether ipagmamatch ko tong dalawang kutong lupa na to o hindi." nakangising tanong ko sakanya."have you forgotten? Apprentice kita at ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang Kung ano mang nakalagay sa blue book na yan. Kahit ayaw mo, dapat mong gawin. " sagot niya ulit.
b-_-b
Hindi na ako nakasagot pa dahil pakiramdam ko talo ako at tama ung sinabi niya.
Bumalik nalang ako sa sala at pinagmasdang magaral ung dalawang bata.
---
01/05/18
BINABASA MO ANG
Finding Amore
Fiksi UmumMinsan na akong nag mahal at nasaktan, Kung kaya sa pagkakataong ito Mas pipiliin kong hindi mag mahal Para hindi na muling masaktan pa. Sa pagkakataong ito sarili ko naman ang iisipin ko. Pero... Hindi ko inaasahan sa pagkakataong ito, Sa m...