Linggo ngayon so it means rest day. Pahinga from studies yeeeyy!
"Eris anak, halika na rito, saluhan mo kami ni Wendy mag almusal. " pagtawag saakin ni mama at dun ko naman narealize na may bata nga pala akong dapat bantayan.
Umupo na ako at saka kumain. mabagal akong kumakain ninanamnam ko pa eh kaso si Wendy biglang nagpaalam na lalabas kaya naman minadali ko ang pagkain at saka sinamahan siyang lumabas. nakakapanibago din na wala siyang gaanong arte sa katawan, simpleng t shirt at shorts lang ang suot niya hindi mo aakalaing mayaman na spoiled brat hindi din niya bitbit yung cellphone at ipad niya.
Pagkalabas namin ng bahay agad agad akong nagpalinga linga para hanapin si Eros. Baka kasi Anjan lang siya.. Alam niyo na parang kabute yun na Kung saan saan sumusulpot. Kaso wala siya. Napansin ko namang sumisilip si Wendy sa tapat ng isang bahay parang may hinihintay. Maya maya pa biglang tumakbo pabalik saakin si Wendy at saka nagtago sa likuran ko. Napansin ko namang lumabas si Peter kasama si...Eros?
Teka, bakit magkasama sila?
"Kuya Eros tara na magbasket ball! " pasigaw na sabi ni Peter sabay hila sa kamay nito para pumuntang court.
Lumapit kami sakanila para naman kausapin sila.
"saan punta niyo?" tanong ko kay Eros.
"Mag babasket ball lang " sagot naman ni Eros.
Sumama nalang kami ni Wendy sakanila. Pinanood namin silang maglaro. Kung hindi ko lang talaga alam na isa siyang cupid baka iisipin kong Kuya siya ni Peter. Parehas kasi silang gwapo.
"alam ko namang gwapo ako. Hahaha"
I snapped out of my thoughts, naririnig nga pala niya mga sinasabi ko sa utak ko.
"Peter, bumili ka nga saglit ng bottled water. " utos ni Eros na agad namang sinunod ng bata, pinasama ko na rin sakanya si Wendy dahil gusto ko kausapin si Eros in private.
"Bakit Kasama mo si Peter? " bungad kong tanong nang makaalis yung dalawa.
"hmm let's just say... He's our next mission. " prenteng sagot niya habang umupo sa tabi ko.
"wait, what? Siya? Ang bata pa niya. And who's the girl?" I asked.
Seriously. Ang bata pa nun para imatch make. Paano kung maimatch nga namin pero pag naging teenagers eh maghihiwalay din lang? Diba? What's the use?
"hmm the girl is Wendy. "
Mas lalong lumaki yung mata ko, literal na malaki yung magmumukha na akong tarsier sa sobrang laki.
"silang dalawa? Seryoso ba yan? " I asked out of disbelief. But he just gave me a smile.
Dumating na yung dalawa at habang palapit sila Hindi ko maiwasang titigan sila. Paano ko imamatch tong dalawang to?
Hapon na kami nakauwi ni Wendy, nag enjoy siyang panoodin na maglaro si Peter. Hindi na tuloy kami nakareview.
Kahit nung mag gabi wala na, natulog kasi agad si Wendy.
And me? I can't stop thinking... Bakit sa dinami rami ng ipapair bakit bata pa?
~~
Short update.. 😂😂Silent readers (kung meron man) vote and comment naman...
Please support my story ♥ ♥ ♥
11/30/17

BINABASA MO ANG
Finding Amore
General FictionMinsan na akong nag mahal at nasaktan, Kung kaya sa pagkakataong ito Mas pipiliin kong hindi mag mahal Para hindi na muling masaktan pa. Sa pagkakataong ito sarili ko naman ang iisipin ko. Pero... Hindi ko inaasahan sa pagkakataong ito, Sa m...