hawakan mo ang kamay ko Eris, at sa oras na hawak na Kita hinding Hindi ko hahayaang mabitawan pa kita.
Napatulala ako ng maalala ko muli ang eksaktong mga salita na binitiwan ni Clyde bago siya mawala. Nakangiti siya habang nakatingin saakin.. Nakakatuwang isipin na ang isang bata ay kaya nang magpakilig."Ms. Eris! I believe you already know the topic kaya nakatulala ka na jan at mukhang baliw na nakangiti. " bulyaw saakin ni Prof. Hernandez ang Teacher namin sa Philippine History. Hindi na ako sumagot pa dahil ayaw ko namang mapahiya pa sa harapan ng klase.
Nakinig na lamang ako sa mga tinuturo niya. Lumipas pa ang ilang oras at sa wakas tapos na ang tatlong oras na klase sa Philippine History. To be honest Hindi naman boring ung subject sadyang lutang lang ako.
Pa labas na ako ng room ko nang makita ko ang lalaking pinaka ayaw kong makita. Nakangiti siya saakin na akala mo kinagwapo niya. Tinignan ko lang siya saglit at saka siya nilampasan. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Hahabol pa sana siya kaso napalibutan na siya ng kababaihan.
Hindi ko inaasahang makikita ko siya ulit.
"having deep thoughts? " narinig kong sabi ni Eros sa tabi ko. Hindi na ako nagulat pa sa pabigla biglang pagsulpot niya, nasanay na rin ako na lilitaw nalang siya kung saan saan.
"Wow! Ang tahimik mo ata? " hindi ko parin siya sinagot, ewan nawala ako sa mood bigla.
Tahimik nalang kaming naglalakad palabas ng school mukhang napansin naman niya kasing ayaw ko magsalita kaya tumahimik nalang siya. Sa totoo lang nung makita ko si Kiel (ex boyfriend ko) lahat ng sakit na naranasan ko ng iwan niya ako nagbalik lahat isang taon na ang nakalipas at nakalimutan ko na lahat pero dahil lang sa nakita ko siya lahat ng bakas ng nakaraan namin ay biglang nagbalik na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Nakaramdam ako ng sakit kanina pero hindi tulad noon na sobrang sakit ngayon mas namumutawi saakin ang galit. Galit na matagal ko nang kinimkim sa puso ko.
"Eris. " napalingon ako kay Eros na naktingin saakin ngayon. Nakakunot ung noo niya ngayon para bang nawiwirduhan saakin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko inaasahan ang bigla niyang ginawa. Bigla siyang tumawa na para bang baliw.
"Eris, ayaw mo ako kausapin kanina pero kanina ka pa bulong ng bulong para ka tuloy baliw jan. " tatawatawa niyang sabi.
Bumubulong ako? Ano naman sinasabi ko? Mukha ba talaga akong baliw? Tatanungin ko sana siya pero nauna na siyang naglakad habang tumatawa. Naiinis ako sakanya! Walangyang kupido to! Dahil sa inis binato ko sakanya ung librong hawak ko Kanina pa.
"araaay! Grabe ka Eris! Malala ka na! Nananakit ka na ngayon.. "sabi niya ng nakaharap saakin habang nakapamewang pa at nakangiti.
Argghhh! Naiinis ako sa pagmumukha niya mas nakakainis pa sa mukha ni Kiel.
"Eris! Sabihin mo lang Kung dadalhin na kita sa mental! " sigaw niya at sa pagkakataong ito hinabol ko na siya at sisiguraduhin kong pagnahuli ko siya masasapak ko siya.
Hinabol ko lang siya habang siya patuloy sa pagtakbo palayo saakin. Hindi ko nalang namalayan na tumatawa na pala ako habang hinahabol siya. Napahinto ako ng marealize kong huminto na siya at nakatitig na saakin. Para bang may naalala siya. Lumapit ako sakanya at mukhang tulala lang siya saakin. Pintik pitik ko ang mga daliri ko sa harapan niya pero tulala parin siya.
"Eros? " pagtawag ko habang niyuyugyog ko ang balikat niya pero Waka paring epekto.
Lumapit pa ako sakanya atsaka Tumingkayad at inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Eroooosss! " sigaw ko malapit sa tenga niya dahilan para magulat siya at bumalik sa reyalidad.
Nakatingkayad parin ako at malapit parin ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit Hindi ako kumikilos at hinayaang ganoon ang pusisyon namin. Napansin ko namang parang bumibigat ang paghinga niya at parang nanginginig ang katawan niya dahil dun agad akong lumayo sakanya at tinignan siyang mabuti. Malalim ang paghinga niya para bang may nararamdaman siyang kakaiba at pilit na inaayos ang sarili. Makalipas ang ilang segundo sinamaan niya ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang school ni Wendy upang sunduin siya. Sinundan ko nalang siya. Hindi ko alam bakit nagkaganun siya kung Bakit nagalit un.
"Wendy.. Wala pa ba ate at Kuya mo? "
Napahinto kami ni Eros sa paglalakad ng makita naming magkasama nanaman si Peter at Wendy. Napangiti na lang ako dahil ang sarap nilang pagmasdan.. Teka.. Hindi ba dapat bitter ako? Pero bakit napapangiti ako dahil dito ? Nababaliw na ako.
Lumapit kami sakanila at niyaya na si Wendy umuwi mukha namang nainis siya dahil nageenjoy pa ata siyang kasama si Peter. Tsk. Pero Hindi ko papayagan un.. Kailangan pa naming mag aral.
Pag uwi namin ni Wendy sa bahay dumeretso agad siya sa kwarto at mukhang matutulog. Pinuntahan ko siya sa kwarto at nakahiga na siya ngayon wala talagang balak mag aral.
Tsk. Tsk. Tsk. Bukas ko nalang siguro siya uumpisahang turuan.
Kinuha ko ung bag niya at nilabas lahat ng gamit niya. Pagaaralan ko nalang kung anong topic ng using grade 3 student.. Kailangan ko ilevel sa grade 3 ang knowledge ko at kailangan ko halukayin lahat ng natutunan ko nung nasa ganitong edad ako.
Buklat lang ako ng buklat ng libro niya. Mabilisang binabasa lahat. Maging ung notebooks niya chineck ko na rin. Napatawa nalang ako ng makita lahat ng quizes niya mukhang Hindi siya interesado sa pagaaral at puro K-pop ang inaatupag.. Puro ba naman K-pop groups ang nakasulat. Kabatabata nag aadik na sa koreano. Hahaha... Nung eighth ata ako uhuging bata pa ako noon na nagtatatakbo sa kalsada at nakikipagaway pa.. Pero Hindi ko naman itatanggi na nagka crush na rin ako ng ganiyang edad..
Nagulat nalang ako ng may mahulog na kapirasong papel mula dun sa notebook niya na binabasa ko ngayon mukhang inipit niya dito.
Mahal kita Peter.
Yan ung nakasulat sa kapirasong papel. Mahal ? Alam na ba ng batang to Kung ano ang literal na pagmamahal?
---
11/01/17A/n: votes and comments naman jan Hehehe..
BINABASA MO ANG
Finding Amore
General FictionMinsan na akong nag mahal at nasaktan, Kung kaya sa pagkakataong ito Mas pipiliin kong hindi mag mahal Para hindi na muling masaktan pa. Sa pagkakataong ito sarili ko naman ang iisipin ko. Pero... Hindi ko inaasahan sa pagkakataong ito, Sa m...