Chapter 9- Childhood Love part 2

9 7 1
                                    

Eris' POV

"Wendy,  gising na...  Malalate ka na. " katok ako ng katok sa pintuan ko.  Yeah right sa room ko siya pinatulog at ako?  Tumabi ako kay mama. 

"Wend—" natigilan ako ng magbukas yung pinto pero nakahiga parin naman siya at tulog na tulog.  Bahagya akong napa atras at hinanda ang sarili ko sa anumang pwede kong makita. 

"Hahaha..  Stop it Eris.  It's just me. " biglang lumabas si Eros galing sa room ko habang tumatawatawa pa.  Pinaningkitan ko lang siya ng mata dahil wala namang nakakatuwa sa sinabi niya. 

Hinayaan ko lang siyang tumawa at saka na pumasok sa kwarto.

"Wendy,  gising na. " inalog alog ko siya para magising.

"ano baaaa!  Inaantok pa ako! " bulyaw nito sabay talukbong ng una sa mukha nito.  Hinila ko naman ung unan at saka namewang sa harapan niya.

"hoy,  bata.  Alas sais na ng umaga kaya bumangon ka na! " bulyaw ko sakanya. Ginaya ko lang nanay ko,  ganyan siya pag tinatamad ako bumangon.

Nagmamaktol siyang tumayo at kumilos at ako naman lumabas na ng kwarto at pumuntang Kusina para maghanda ng almusal. 

"you know what,  you look pretty when you're cooking. " nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Eros sa likudan ko. Kanina pa pala siya nandito. 

Bigla akong nainitan,  ano ba to.  Humarap ako sakanya at konting inch na lang magdidikit na mga labi namin.  Tinulak ko siya ng bahagya at  saka nagpatuloy sa pagluluto. 

Gosh,  bakit sobrang init. 

"Eris,  sino siya?  " napalingon ako bigla kay mama na gulat na gulat habang nakatingin kay Eros. 

"uhmmm kaibigan ko ma nag Aaral sa —" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko, tinignan ko si Eros at simpleng white shirt Lang ang suot nito and maong pants then rubber shoes..  Hmm..  Nevermind.

"saan siya nag Aaral?"tanong ni mama. 

" sa school ma,  kaklase ko sa isang subject. " sagot ko.

"at bakit nandito siya? " tanong ulit ni mama .

"obviously,  nandito siya para mangligaw,  am I right? " singit ni Wendy na naka upo na pala sa lamesa. 

"no. "sagot ni Eros ng nakangiti.  Ewan ko ba Hindi ako makasagot,  lalo akong nainitan.  

"I am here ma'am kasi sabay po kaming papasok ni Eris,  Mag ka partner po kasi kami and may bibilhin po kami mamaya bago pumasok.  " paliwanag niya.  Saan niya napulot ang kasinungalingan na iyon? 

Mukhang naconvinced naman niya si mama dahil Hindi niya na kami inusisa pa. Kumain nalang kami.

~~
"Don't you have a car? " reklamo ni Wendy.

"my feet is aching " reklamo niya ulit.

"it's so hot! " isa pang reklamo niya. 

Bigla namang kinuha ni Eros sa bag ko ung payong ko at saka binuksan yun at pinayungan kami. 

"mainit pa ba?  " tanong ni Eros kay Wendy. 

Hindi na siya sinagot pa ni Wendy. 

"Wendy!!! "

Bigla siyang napahinto at namula?  Anyare sa batang to? 

"P-peter.. " sabi lang nito.. 

"sino sila?  " tanong nung Peter daw kay Wendy.. 

"ahhhh ate at Kuya ko sila. " sagot ni Wendy. 

Nagkatinginan Lang kami ni Eros,  nakakagulat Kung paano mabilis na nakapag change mood si Wendy. 

Nauna na silang naglakad,  at wow lang kanina makapagreklamo daig pa ang prinsesa pero ngayon,  walang pakialam Kung tirik na tirik ang araw at kahit pa umitim siya. 

"Haist, Childhood crush. " tanging nabitawan naming salita ni Eros habang nakatitig sakanila.  Natatawa nalang kaming dalawa. 

"Eris,  have you ever experienced to have a childhood crush? "biglang tanong ni Eros habang naglalakad kami papuntang school.  Naalala ko tuloy nung nine years old ako. 

Flashback

"Eris!!!!  Alam mo bang ang taas ng score ko ngayon!? " patalon talon pa siyang papalapit saakin. 

"Ano ba Clyde, mamaya ka na nga naglundag-lundag Jan..  Hahaha " sagot ko sakanya habang palapit run sakanya.

Huminto naman siya at saka hinawakan ako sa magkabilang braso at tinitigan ako mata sa mata at saka bigla akong yinakap.

" Salamat Eris,  naka 80 ako dahil tinutor mo ako thanks talaga ahh.. " sabi niya habang nakangiti. 

"sa lahat ng naging kaibigan ko, ikaw lang yung Hindi ako sinukuan.  Salamat. " dagdag pa nito. 

Napangiti nalang ako dahil dun at simula nun lagi ko na siyang gustong makita.  Tuwang tuwa ako tuwing magaaral kami ng sabay.  Natutuwa ako dahil nabago ko siya.  Natutuwa ako dahil naramdaman kong may gusto ako sakanya.

Pero sabi nga nila hinding hindi mawawala ang lungkot marahil ay masaya ka ngayon pero kinabukasan patong patong na lungkot ang papalit sa nararamdaman mo. 

Mabilis ang pangyayari,  kahapon lang magkasama pa kaming nagtatakbuhan at nagtatawanan pero ngayon heto ako magisang naka upo sa duyan habang inaalala lahat ng pinagsamahan.  Magisang umiiyak dahil sa iniwan ako ng taong mahal ko,  ng taong naging kaibigan ko.  Nine years old palang ako pero sobra na akong nagmahal at sobra na ring nasaktan. 

"Eris " narinig kong tawag saakin ng mama niya kaya tumakbo ako palapit sakanya at niyakap siya umiyak ako ng umiyak.

"ibalik niyo siya tita..  Ibalik niyo siya" tanging nasasabi ko sa pagitan ng mga hikbi. 

Matapos kong umiyak pumunta kami sa bahay nila,  at dun nakita ko ang kaibigan ko,  mahimbing na natutulog sa isang puting kama at pinalibutan ng mga puting ilaw at puting lobo..  Lumapit ako at saka siya niyakap sa huling pagkakataon..

Oras na para magpaalam.

End of flashback

"Eris, okay ka lang ba? " narinig kong tanong ni Eros kaya ngumiti lang ako sakanya at pinigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. 

Basta talaga naaalala ko yun lagi nalang akong umiiyak..  Masakit parin kasi para saakin..  Masakit maiwan , masakit mawalan ng kaibigan.. 

---
10/29/17

Finding AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon