M A T I N A -- ang pangalang nakakapagpa-tindig balahibo ng mga tao sa Don Jose High School.
Marami ng kwento ang kumalat tungkol sa kanya, marami na ring kababalaghan ang nangyari at dumadami na rin ang mga taong nabibiktima.
Sa pasilyo malapit sa Guidance Office ng paaralan --- HUWAG ka raw humarap sa salamin ng mag-isa, dahil may sabi-sabing magkakaroon ka raw ng ka-doble na makakapatay sayo -- DOPPELGANGER sabi nila.
Sa typing room, habang lumalakad ang isang maintenance na naka-duty ng gabi, may narinig siyang gumagamit ng typewriter, pagkasilip niya --- WALANG TAO. Maliban sa papel na bumagsak mula sa typewriter number 24, ang nakasulat --- AUXILIUM.
Teacher nagbibigay ng exams sa students niya, pagpasa ng papers, pagbilang ng guro --- sobra na, isang lumang papel at ang petsa --- July 27, 1874 at ang pangalan --- MATINA. All answers ang naksulat --- AUXILIUM.
Sino nga ba si Matina na kinakatakutan ng halos lahat ng Taga Don Jose?
Siya nga ba ang panganib o siya ang nanganganib?
--
A/N: Guys, first Historical at Horror story ko to. Kaya pagpasensyahan nyo na kung trying hard, pero sana bigyan nyo rin ng chance to para basahin niyo. Maraming salamat po. ^__^
Nagmamahal, CEM