Chapter 1

1K 20 3
                                    

"Mary Hintay!" Sigaw ni Stephanie habang pilit na hinahabol ang kaibigan.

"Mary! Ano ba?! Ano bang problema?" Tanong ni Stephanie na ksalukuyang nakahawak na sa braso ng kaibigan.

"Kung gusto mo akong pabalikin doon sa kalohokan niyo. Huwag na Steff. Kung gusto mong magpakatanga, huwag mo na akong idamay." Mahinahon na sagot ni Mary sa kaibigan at agad ng ipinagpatuloy ang paglalakad. Ngunit agad naman itong huminto sa narinig.

"What's wrong with Spirit of the Glass? Ang KJ mo naman." Tugon ni Stephanie.

Umiling nalang si Mary sa naging tanong ng kaibigan. "Shut up Steff." At agad na siyang nagpatuloy sa paglalakad.

"Okay." Sagot ni stephanie at agad naman itong lumakad pabalik sa stock room ng school.

"Just... Just finish it. Kahit anong mangyari, tapusin niyo." Tugon ni Mary.

"Whatever." Ang tanging nasagot ni Stephanie at pumasok na sa stock room.

"Anong nangyari kay Mary?" Tanong ni Kyle, isa sa mga kasama nilang mag Spirit of the Glass.

"Hayaan na natin siya. Inaatake na naman ng pagiging KJ niya." Inis na sagot ni Stephanie sa kaibigan.

"Okay. Start na tayo." Excited na sabi ni Mae. At nagsang-ayon naman ang ibang mga kaibigan. Si Jona, Stephanie, Mike at Kyle. Anim sila dapat kaso nga nag walk-out si Mary.

Pinatay nila ang ilaw at sinindihan ang mga kandila sa paligid nila. Si Mike naman ang namuno at inilagay na sa board ang baso.

"Spirit of the glass... Magpakita ka." Wika ni Mike. Habang nakapikit ang mata nilang lima at nasa baso naman ang dalawang daliri ng mga ito.

Isang malamig na hangin ang humampas sa kanila mula sa isang sirang bintana. Agad namang namulat ang mga mata nila.

"Ano ang pangalan mo?" Nanginginig na na sabi ni Jona. Kasi napagplanuhan na kanila nila ang mga dapat gawin at kung sino ang gagawa.

Ilang segundo ay biglang gumalaw ang baso at agad na nagsisitigan ang magkakaibigan.

Dahil gumalaw ito sa M - A - T - I - N - A

Pero ng nasa letter T palang yung glass ay agad na nilang kinuha ang mga daliri nila, Lalabas na sana si Mae ng stockroom pero agad siyang pinigilan sa braso ni Stephanie.

"We have to finish it." Sabi ni stephanie na agad namang inkinaupo ulit ni Mae. Ngunit pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay bakas sa boses nya ang takot. Ngunit naalala niya ang sabi ni Mary na kahit anong mangyari kailangan nila itong tapusin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Mike na pilit na itinatago ang takot na din.

MatinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon