Chapter 5

792 16 9
                                    

Heyo! Konting payo lang po bago basahin. Mas mabuti pong basahin niyo muna ang Chapter 4 bago ito basahin. Para mas lalo niyo pong maintindihan ang chapter na ito. May konting pinalit at dinagdag po kasi doon especially, some infos about Daniel. :)

-------------------

"Ano ang ginagawa natin dito?" Agad na tanong ni Mary kay Daniel nang nakababa na siya sa sasakyan ng kaibigan.

Kasalukuyang nasa tapat sila ng isang kubo at walang kaalam-alam ang magkakaibigan kung ano ang gagawin nila sa ganoong klaseng lugar.

"Based sa nagpag-alaman ko, may isang maintenance noon sa school ninyo na nag-resign dahil sa kakaibang nararamdaman niya sa Don Jose. And then, hinanap ko ang lalaking iyon at dito siya nakatira." Kwento ni Daniel at bahagyang ngumiti si Mary dahil parang alam niya ang tinutukoy nito.

"Member ka rin ng site na iyon no?" Tanong ng dalaga sa binata.

"Spirit Questors Club?" Sagot na tanong ng binata nang maintindihan ang ibig sabihin ni Mary.

Samantalang nanatiling naguguluhan ang mga magkakaibigan na nakatingin sa dalawa.

"Okay, kami na ang OP. Pero, pwede ba? Hindi man lang natin alam kung nasaan na ngayon si Mae." Reklamo ni Mike, bakas sa boses nito ang pag-alala para sa kaibigan.

"Pero, wait. Bakit sa dami natin.. Bakit si Mae lang ang kinuha?" Nagtatakang tanong ni Steff. Na sinang-ayunan naman ng iba.

"Isa lang ang naiisip ko na dahilan, baka may naiwan siya sa loob ng stockroom." Malungkot na sabi ni Mary.

Agad namang tumango si Daniel sa sinabi ni Mary.

"Oh God. Hinahanap niya yung phone niya, bago siya kinuha.. Baka iyon." Bakas sa boses ang takot at taranta na sabi ni Steff.

"Pare, sigurado ka bang matutulungan tayo ng tao dito na makuha si Mae?" Tanong ni Mike.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin siya kakausapin." Sagot ng binata at agad ng kumatok sa pinto ng kubo.

Pagkatapos ng ilang katok ay tumambad sa kanila ang isang lolo na mga nasa mga 70 na siguro ang edad, pero parang mukhang malakas pa naman ito.

"Magandang gabi po.." Magalang na sabi ni Mary.

"Ano ang maiitulong ko sa inyo mga anak?" Mabagal, ngunit klaro pa naman na sabi ng matanda.

"Galing po kami ng Don Jose." Diretso ngunit may galang na sambit ni Daniel.

Natigilan ang matandang lalaki sa narinig, ngunit agad naman itong nagsalita ng tawagin siya ni Jona.

"Aa. Pasensya na. Pero, kung hindi ako nagkakamali tungkol na naman ba ito sa mga pangyayari 40 taong nakalipas?" Tanong ni lolo.

Nagkatinginan si Mary at Daniel at maliit na ngumiti, dahil parang mapadali ang pagsalba nila kay Jona.

"Opo." Sagot ni Mary.

Pinapasok muna sila ng matandang lalaki at pinaupo sa isang sala na gawa sa kahoy upang mapag-usapan ng maayos ang mga gustong malaman ng magkakaibigan. Nalaman din nila na mag-isang naninirahan lang pala ito sa kubong iyon.

"Nanggugulo na naman ba?" Makahulugang tanong ni lolo leo

"Opo. Ang totoo po niyan. May kumuha sa aming kaibigan.." malungkot na wika ni Mary na ikinatango naman ng matanda.

"Ang ipinagtataka ko. Paano sila nanggulo ulit na kung tutuusin matagal na silang nanahimik?" kunot noong tanong nito.

"Naglaro po kasi sila ng Spirit if the Glass at hindi ito natapos. Kahapon nga po ay sinapian po si Jona. At.. nakausap ko po si.. Matina." Umiling ang matanda sa kwento ng dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MatinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon