"Daniel." Simpleng sagot nito habang papalapit sa direksyon ni Mary at mga kaibigan nito.
"At ikaw si Mary." Patuloy nito na kasalukuyang nasa harap na ng mga magkakaibigan
"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Pagtatakang tanong ni Mary.
"Telepathy. Mararamdaman ko ang nararamdaman mo. Pero, bukod pa doon. Planado talaga tayong magkita at matagal na rin kitang hinahanap at sinusubaybayan, kaya masasabi kong kilala na kita." Diretsong sagot nito.
"Ano ang kailangan mo? Bakit ka nandito?" Naguguluhang tanong ni Mary.
"I'm here to help. Your lola Patty and my lola used to be bestfriends." Sagot nito.
"Nasaan ang lola mo? Siya ba ang tutulong sa amin?" Sulpot ni Mike.
"Hmm. Wala na siya. Pero, sa tingin ko may maitutulong ako, dahil hindi naman nila siguro nila pagplanuhan na magkita tayo, kung wala tayong maitutulong sa isa't-isa." Explain nito.
"Ano naman kinalaman ko sayo? Mo sa akin?" Nagtatakang tanong ni Mary.
Si Daniel ang tipong hindi gusto ang magkwento, kaya lumapit nalang siya kay Mary at inilagay ang kamay niya sa may ulo nito.
"Ano to?" Naka kunot noong tanong ni Mary.
"Close your eyes and concentrate." Sagot nito.
Sinunod nalang ni Mary ang sinabi nito.
Ilang sandali pa ay unti-unti nang umi-epekto ang ginagawa ni Daniel kay Mary.
---
"Fely, natatakot ka ba?" Tanong ng medyo batang si Patty.
"Natatakot na?" Sagot na tanong nito sa kaibigan. Kasalukuyang nakaupo sila sa isang bangko sa isang parang garden.
"Na baka hindi makaya ng magiging apo natin ang kakayahan na makuha nila mula sa atin." Nag-aalang sabi ni Patty.
"Ano ka ba, Patty. Eh kahit ano naman siguro ang gagawin natin ay hindi na natin maiiwasan na talagang mamana nila ang ating mga kakayahan, lalo na sa unang magiging apo natin." Nakangiting paliwanag nito sa kaibigan.
"Sana, buhay pa ako kapag dumating ang araw na iyon." Malungkot na sabi nito.
"Ikaw talaga. Malayo pa yon no. Ano ka ba. Hindi pa nga nagkakaanak ang anak mo." Pampanatag loob ni Fely sa kaibigan.
Nanatiling malungkot ang aura ni Patty, kaya may biglang naisip na paraan si Fely.
"Pat, paano kaya kung ipagkasundo natin sila? Tutal alam ko naman na lalaki ang magiging apo ko eh at babae naman ang magiging unang apo mo." Sabi ni Fely sa kaibigan na ikinangiti naman ito.
May kakahayan na mag-predict na mangyayari si Fely at may telepathy rin ito habang ang kaibigan naman ay kakayahang makausap ang mga hindi pang-karaniwang nilalang.
"Pwede rin. Eh paano nila malalaman?" -Patty
"Kung sino man ang makakaabot sa atin sa ating mga apo ay siya ang magsasabi nito sa kanila. Pwede ba yon?" Panigurado ni Fely.
Agad namang ngumiti at yumakap si Patty sa kanyang kaibigan.
---
"Oh." Sabi ni Daniel sabay abot nito ng panyo kay Mary.
Kinuha naman agad nito ng dalaga at agad na pinahiran ang kanyang mga luha.
"Hm. Kyle, right? Sundan niyo na lang ang motorbike ko." Bilin nito kay Kyle. Awtomatikong tumango naman ito. Bakas pa rin sa aura ng mga ito ang alala kay Mae.
"We can do this. Kayanin mo, magtiwala ka sa sarili mo, okay?" Seryosong bulong ni Daniel kay Mary at sumakay na ito ng kanyang motorbike.
Gaya nang napagkasunduan ay sumunod nalang ang magkakaibigan kay Daniel.
"Mary, tutuloy ba tayo?" Tanong ni Steff sa dalaga nang mapansing parang malayo na sa kinagisnan ang lugar na dinadaanan nila.
"Magtiwala lang tayo sa kanya. Kasi, kahit ako hindi ko alam ang gagawin. Sorry ha?" Malungkot na sabi ni Mary sa mga kaibigan.
"No. Sorry Mary ha? Kung nakinig lang sana ako sayo." Paumanhin ni Steff sa kaibigan.
"Okay lang yon. Everything happens for a reason, guys." Tugon nito at ngumiti ng makahulugan.
Hindi na nakapagsalita ang magkakaibigan, dahil agad namang tumigil ang motorbike ni Daniel sa isang parang kubo at tumigil rin sila.
-----
A/N: Hi po. Thank you po kung nabasa niyo ito. :) Sorry po kung hindi mahaba.
Comment naman po kayo kung may gusto kayong ipayo sa akin o kung nagustuhan niyo ba. Hehe thank you po. ^__^
Nagmamahal, CEM