Chapter 3

572 16 3
                                    

"Handa na ba lahat?" Tanong ni Mary sa mga kaibigan na kasalukuyang nasa loob na ng stockroom kasama siya.

Nag nod lamang ang mga ito at pumunta na sa kani-kanilang pwesto.

"Jona, dito ka sa tabi ko." Agad namang sumunod si Jona sa utos ni Mary.

Pumalibot ang magkakaibigan sa Ouija Board habang may glass sa gitna. Nagkahawak sila ng kamay at pumikit upang makapag-concentrate.

"Spirit of the glass, kausapin mo kami." Sambit ni Mary habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Napamulat silang lahat at napatakip ng tenga sa ingay na kanilang narinig.

"Ano yun?" Tanong ni Mike habang nakatingin sa paligid.

Napansin ng magkakaibigan na may tinitingnan si Mary, ngunit nang tiningnan naman nila ito ay wala silang may nakita kundi dingding ng stockroom.

Kinabahan silang lahat ng mapahiga si Mary sa sahig.

"Mary!" Maiiyak na sigaw ng mga kaibigan habang nilalapitan si Mary na kasalukuyang nakahandusay sa sahig.

"Magiging okay si Mary. Parang natutulog lang siya na nanaginip." Kalmadong sabi ni Kyle sa mga kaibigan.

"Paano ka nakakasigurado?" Tanong ni Steff.

"Katulad ng lola ni Mary, may ganung kakahayan rin ang lola ko at normal lang sa mga taong kagaya nila at ni Mary na magkaganyan kaspag mayroon silang bisyon." Paliwanag ni Kyle.

"Ibig sabihin nakakakita ka rin tol?" Tanong ni Mike na parang may pagkahanga sa mukha.

"Unfortunately, hindi ---" Hindi na natapos ni Kyle ang sasabihin dahil sumigaw si Mae.

"Mary!"

"Kailangan nating umalis." Nagmamadaling sabi ni Mary. Agas namang sumunod ang mga kaibigan.

"Dalhin ninyo lahat ng mga gamit ninyo." Makahulugang utos ni Mary sa mga kaibigan.

Lumabas silang magkakaibigan ng stockroom at si Mary na ang sumira ng pinto, dahil may tiningnan pa siya sandali sa loob.

"Sorry Matina." Bulong niya habang sumisilip pa sa pinto at agad na niyang sinira ito pagkatapos.

Madilim na ang paligid nang lumabas sila. Habang lumalakad sila papunta ng sasakyan ni Kyle ay pumasok sa isipan ni Mary ang bisyon niya kanina.

May nakita siyang babaeng umiiyak sa dulo ng stockroom nang nakapasok siya sa isang madilim na paligid.

MatinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon