Chapter 2

745 19 3
                                    

"Ano ang nangyari?" Seryosong tanong ni Mary sa mga kaibigang kasalukuyang umuupo sa dining table nya.

"What do you mean, Mary?" Tanong ni Stephanie, habang naka kunot noong nakatingin sa kaibigan.

"Did you finish it?" Seryosong tanong niya ulit. This time, kinabahan na ang mga kaibigan niya. Kasi parang galit na si Mary at kakaiba ito kung magalit.

"The what?" Tanong ni Mike na naguguluhan na.

Hindi pinansin ni Mary ang tanong ng kaibigan. Tiningnan nalang ito ng seryoso si Stephanie na parang may ipinahihiwatig.

"Y-ye --" Hindi na napatuloy ni Stephanie ang sasabihin dahil nagsalita si Mary.

"Tell me the truth, please. Para hindi na lumala." Seryosong tugon ni Mary sa kaibigan habang nakapikit pa ang dalawang mata.

"Ibig mong sabihin ang Spirit of the Glass?" Tanong ni Jona.

"Yes." Simpleng sagot nito.

"Mary, hindi. Hindi namin natapos. Kasi..." Pilit na paliwanag ni Stephanie.

"Ano?"

"She needs you. Matina. -- That's her name. Mary, nang tinanong sya namin kung bakit siya nandito. She.. gives us your name." Paliwanag ni Mae, na parang nahihirapan pa itong sabihin sa kaibigan.

Hindi nila alam ang tungkol kay Mary. Kasi kahit si Mary mismo ay pilit na itong kinakalimutan. Yon ay ang kanyang kakayahan. Para na rin sa kapakanan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa parents niya.

Pero wala siyang choice. Heto na naman ako ulit. Bulong niya sa kanyang isip.

"Its maybe because... Alam niyang nakikita ko siya. Nang nag walk-out ako ng stock room. I saw her. She's...crying." Mahinahong sabi ni Mary sa mga kaibigang kasalukuyang nakatitig sa kanya.

"Espiritista ka Mary?" Tanong ni Jona. Na parang gulat sa narinig, kasalukuyang nakapa-bilog pa ang mga mata nito.

"Aish." Sulpot ni Mike habang nakatitig kay Jona. Nakuha pa nitong magbiro. Bulong nito sa isip niya. "Bakit daw siya umiiyak?" Tanong nito kay Mary na kasalukuyang nakatitig sa kawalan.

"Ewan ko." Sagot ni Mary na bumalik na ang atensyon sa mg kaibigan. "Nakausap ko siya ng sinapian niya si Jona. Auxilium. -- sabi niya." Patuloy nito.

"Auxilium?" Tanong ni Mae habang nakakunot noo.

"Wait. Sounds familiar." Sulpot ni Kyle na parang may pilit na inaalala. Nasa kanya na ngayon ang titig ng mga kaibigan niya. "Help. Ye help. Tama ba?" Patuloy nito.

MatinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon