The Jogging Buddies

24 0 0
                                    

  Hirap sa mga tao ngayon eh, pati sa kalsada, hawak padin yung mga de-facebook, de-twitter at kung anu-ano pang de-social networks nilang mga cellphone, ayan tuloy, hindi na nila namamalayan, nabangga niya na pala yung taong pwede niyang makasama habang buhay kaso hindi niya napansin kasi kahit nag-sorry na siya eh sa cellphone padin siya nakatingin! Hugot!

Walang konek yung mga pinagsasasabi ko sa istoryang inyong matutunghayan, (Syempre matutunghayan niyo lang yun pag cli-nick niyo yung "Chapter one" sa ibabang parte nito. Kung hindi ko kayo kamag-anak o kaklase para piliting basahin itong isinulat ko na ito, para 'san pa ba't narito kayo, hindi ba? Okay, ang corny ko na. Buti alam ko.)

May napanood lang kasi akong video na patungkol sa unti-unting pagiging anti-social ng mga tao ngayon... at natamaan ako. *iyak*

Pero wala na talagang konek 'tong mga pinagsasasabi ko. Mabuti pa'y umpisahan mo nang basahin para naman mas madagdagan ang pagkabagot mo dahil puro kadramahan ang laman ng istoryang ito... PERO TEKA!! Bago mo isara o ilipat sa next page dahil sa mga kakornihang pinagsasasabi ko, hayaan mong magpaliwanag ako...

Walang taong ipinanganak na perpekto, kaya pag may nangyayaring masama sa paligid mo, hindi porke medyo related sa 'yo ay dapat mo nang isisi lahat sa sarili mo, lalo't-lalo kung wala ka naman talagang kasalanan. Minsan, masyado lang talaga tayong nag-iisip at doon nabubuo yung mga "Wala akong kwenta" moments. Pero, minsan, hindi ba't kasalanan din naman natin kung bakit natin nasasabi sa sarili natin ang mga katagang 'yon? Baka naman kasi wala tayong ginagawa para mas mapabuti ang buhay natin? 

Si Felix, isang 300 pound guy na puro kadramahan sa buhay. Umaakto na para bang walang alam tungkol sa lovelife, mahilig sa oatmeal at mahilig ding magpa-bully sa kuyang si Frank. Sumuko na ito sa buhay dahil simula nang mamatay ang kanyang mga magulang ay kasabay rin nitong nailibing ang gana sa paggawa ng sining. 

Kung ganoon na lamang ang depresyon ng batang 'to sa katawan, ano kayang magiging solusyon para bumalik na sa dating sigla ang kanyang buhay pati katawan?!

The Jogging BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon