Chapter One

22 0 0
                                    

 "Hoy, baboy, sumama ka sakin." Paggising sakin ni kuya. Naririnig ko ma'y nagpanggap pa rin ako na hindi. Nanatili lamang nakasara ang aking mata... hanggang sa alugin na niya ang aking tiyan.

"Kuya ano ba!" At hinila niya ang mga kamay ko para mapilitan akong tumayo.

"ANG BIGAT MOHOHOHOHOHO!!" Sigaw nito.

"Ayoko!"

"Gusto mo!"

"Ayoko!"

"Tumayo ka na, utang na loob, nakakangalay!"

"Edi bumitaw ka!" Nanatili padin akong nakapikit.

"Ayoko, bumangon ka na!" Sumilip ako para tingnan ang kanyang kasuotan. Handang-handa nang tumakbo, suot palang. Tss. Eto nanaman kami.

"Inaantok pa ako!" Agad niyang binitawan ang mga kamay ko, dahilan para mauntog ako sa headboard ng kama ko. "Shit." Bulong ko. Ang sakit sa ulo po. Napadilat na din ako.

"O ayan, gising ka na!"

"Pakshet naman kuya. Ayoko nga!"

"Pag hindi ka sumama, wala kang ispageti, bibili pa naman ako kila Tiyang Tinay!"

"Ayoko, mas masarap kila Tiyang Emie."

"Edi, wala kang ispageti ni Tiyang Emie!"

"Bibili ako."

"Nasa akin ang perang padala ni Ate!" At bumelat ito sa akin na parang isang bully na batang umagaw ng laruan o lollipop sa kaniyang kalaro.

"May pera ako, ano!"

"Kinuha ko na din ang mga pera mo, itinabi ko na muna yung mga lagayan mo sa kwarto ko."

"ANO?!"

"Aba syempre, boyscout ito!" Alam niya talagang kung hindi pagkain ay pera ang kahinaan ko pagdating dito sa bahay, dahil kung walang pera, walang pambiling pagkain, at kung walang pagkain, WHAT IS LIFE?

"Kuya, ibalik mo na!"

"Ayoko." Ganito talaga kami ni kuya, kahit noong nasa kolehiyo pa ako, para kaming mga bata. Sa twing uuwi siya galing sa trabaho ay pipilitin niya akong magbuhat ng dumbell at makisayaw at sumabay sa beat ng mga tugtugin niyang oldschool. Lagi niya akong ginigising ng maaga (mga bandang 5 o 6 ng umaga) para lamang sabayan ko siya pag-eehersisyo dito sa bahay. Ngayo'y mas intense na siyang mangumbida (mamilit). Dahil nga sa tapos na ako ng kolehiyo ay alam niyang mas kailangan ko na magpapayat dahil kung hindi ko gagawin ito, mas mahihirapan ako maghanap ng trabaho. Kung siya nga daw na fit ang katawa'y nahihirapan din, ano pa daw ako. Sagot ko nama'y "Wala yan sa timbang, sa kaalaman yan." Tapos idadaan niya naman ako sa "Matalino ka nga at magaling, eh kung hindi mo naman ineexercise, hindi lang yang utak mo, kung hindi, pati ang katawan mo'y wala rin." Ganyan lagi ang nagiging takbo ng usapan namin pag ako'y ganyang ginigising. Laging napupunta sa kinabukasan ko. Pero hindi niya rin naman ako napipilit at napapabalik din naman ako sa pagtulog. "Samahan mo na ako! Pers taym kong lalabas! Wala na akong kakilala ditow!"

"Pano'y minsanan ka lang umuwi! Lumabas ka at makipagkilala, tapos!"

"Ikaw din naman ah! Kakaunti na lang ang mga kapitbahay na kilala mo. Hindi ka kasi nalabas."

The Jogging BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon